(Just play the theme song for this chapter)
“Patty?” tawag ni Mrs. Ana, may-ari ng AA Auditing and Accounting firm na pinapasukan ni Patty.
“Yes maam,” nakangiting sagot ni Patty.
“Wala si Minerva ikaw ang pumunta sa isa nating client,” utos na sabi ni Mrs Ana.
“Sige po maam, tawagan ko na lang po kayo kapag may tanong ako.” nakangiting sabi ni Patty.
“Kasama mo si Rafael, tutal bago ka pa lang. Siya magtuturo sayo para next time, ikaw na mismo ang gagawa ng auditing.” sabi ni Mrs Ana.
“Sige po maam,” sabi ni Patty.
“Ito ang files nila. Pag-aralan mo, maya-maya puwede ka nang umalis” sabi ni Mrs Ana
“Hi Patty.” bati ni Rafael kay Patty,
“Hi Raff. Kasama mo ako ngayon. Huwag ka maaasar kapag tinuturuan mo ako.” nakangiting sabi ni Patty, matanda si Rafael sa kanya ng tatlong taon, matagal na ito sa kompanya ni Mrs Ana, accountant din itong tulad niya. Matangkad, single, guapo rin kung titingnan at matalino.
“Oo naman. Kahit turuan kita habang buhay masaya ako.” sabi ni Rafael
“Grabe ka naman.” naiiling na sabi ni Patty, madalas itong magpahaging sa kanya, pero tulad ng iba kaibigan lang ang turing niya sa binata.
“Sabay tayong mag-lunch mamaya, tutal magkasama naman tayo sa labas.” nakangiting sabi ni Rafael, tiningnan niya si Patty tahimik lang ito at misteryoso ang dating, mga bagay na nakakaakit sa pagkatao ng dalaga. Matagal na niyang gusto si Patty mula ng pumasok ito sa kompanya.
“Sige ba, sabay lang palang kumain.” tipid na sabi ni Patty. Tulad ng dati ilag siya sa mga tao, tahimik at namimili siya ng kakausapin. Pero ng mangyari ang insidente sa La Secretos sampung taon ang nakalipas pakiramdam niya nagbago din siya.
O siguro dahil dala na rin na sa Manila siya nagtrabaho at nag-aral sa kolehiyo, mas wild ang mga kabataan. Dito siya natutong gumala at mag night out. Iyon nga lang iba siya kapag nasa opisina, pakiramdam nga niya nagkaroon siya ng dual personality.
“Mamaya ililibre na lang kita.” sabi ni Rafael.
“Huwag na.” mabilis na tango ni Patty naalala niya ang nangyari kay Kiel, dalawang buwan na ang nakakaraan. Nagka phobia siya kapag sinasabing ililibre siya, pakiramdam niya gagawan siya ng kahalayan.
“Okay.” sabi ni Rafael, umalis siya sa puwesto ni Patty at nagsimula ng maghanda para sa pupuntahang kliyente.
…………………..
4 Star Condominium
“Halika nasa 32nd floor ang office.” sabi ni Rafael, matagal na nilang gustong maging client ang 4 star Condo kaso hindi makuha-kuha ng amo ang deal sa naturang kompanya.
BINABASA MO ANG
Stalker of my Heart - Lukaz and Patty (COMPLETED) NJOL#3
RomanceKanina pa may sumusunod kay Patty mula sa opisinang pinag tatarabahuan, halos dalawang oras na siyang paikot-ikot at sigurado niyang siya ang sinusundan ng lalaking naka-itim. Ilang sandali lang bigla na naman itong nag-laho. Ilang kompanya na rin...