"Hello Ziera? Asan ka na? I've been waiting here for god knows how long." sabi ko agad pagkasagot niya ng tawag ko. Months have passed and I'm 5 months pregnant now, may check up ako within an hour at may usapan kami na susunduin niya ako ng 8 dahil siya ang kasama ko sa pagpapacheck up, pero anong oras na wala pa rin siya.
"Sorry girl, nagkaaberya lang sa office kaya kailangan kong asikasuhin saglit. Alam mo naman na wala akong ibang maaasahan doon, I'm still looking for a very reliable secretary." apologetic na sabi nito.
"Makakapunta ka pa ba? Kailangan ko ng makaalis, alam mo rin naman kung gaano ka traffic. Baka hindi ako umabot sa appointment ko." nag-aalangan kong tanong.
"Ganto nalang, susunod nalang ako sayo. Hindi rin ako sure kung anong oras ako matatapos dito pero I promise, susunod ako. Ako na ang susundo sayo."
"Okay, okay. I'll see you there. Take care missy, aalis na ako." paalam ko sa kaniya.
"Take care girl, sorry talaga." pagkasabi niya nito ay pinatay ko na yung phone call at umalis sa condo. Nakaleggings lang ako at shirt ni Yohan na maluwag sa akin para makakilos ako ng maayos, lumalaki na rin ang tiyan ko kaya hindi na magkasiya sakin yung mga damit ko.
On the way to the hospital ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng taxi na sinakyan ko. I've been living alone sa unit, uuwi lang si Yohan para mangumusta sa amin ni baby pagkatapos non ay babalik na siya sa office. Minsan pag wala akong inaasikasong report ay naiisipan kong pumunta at bumisita sa office ni Yohan, dinadalhan ko siya ng food at naaabutan ko siyang babad sa office works.
Some employees find it sweet pero para sa aming dalawa ay simpleng bagay lang ito. We've been doing this since college, napaka-casual lang namin sa isa't isa. May mga oras pa nga na nadadatnan ko siyang may kalampungan pero pag nakita niya ako ay pinapaalis niya ito. Nakakatuwa lang knowing na kahit open yung relationship na meron kami pina-prioritize niya pa rin ako at ang baby.
"Ma'am nandito na po tayo." sabi ng driver na nagpabalik sakin sa kasalukuyan. Sa kakaisip ko ng kung ano-ano hindi ko man lang napansin na nakarating na pala kami sa hospital.
Pagkababa ko ay dumating ako sa receptionist at nagtanong kung nasaan si Doc. Ramirez.
"Ahh may appointment po ba kayo kay Doc, ma'am?" nakangiting tanong din niya.
"Yes, may check up ako sa kaniya. I'm Yxella Claire Del Valle, you can check my name on the list if you want." sabi ko
"Yes ma'am," saka siya nagscan sa monitor sa harap niya, "ay pasensiya po ma'am. Hindi ko pa po kasi kabisado yung mga client ni Doc, bago lang po kasi ako dito kaya pagpasensyahan niyo na po kung andami ko pang tanong kanina." nahihiyang banggit niya.
"Nah, it's fine. So nasaan si Doc?" nakangiti ko pa ring tanong sa kaniya. It's not her fault kung bago pa lang siya dito. Hindi naman lahat ay kailangan kabisado nila. As long as nagtatrabaho sila ng tama then it's fine to me.
"Ahm, nasa office niya po sa 4th floor po." nakayukong sabi niya, halatang nahihiya pa rin siya hahahaha.
"Okay, thank you." sabi ko saka tumalikod pero bigla din akong napaharap sa kaniya, "and one more thing, wala kang dapat ikahiya. It's fine kung naninigurado ka. Hindi naman kasi talaga lahat ng tao mabait." tsaka ako ngumiti at tuluyang umalis papunta sa office ni Doc.
Pagkarating ko sa office ni Doc ay kumatok lang ako saka pumasok. Actually wala akong balak magpa-ultra sound, I want the gender to be surprise. Magpapacheck up lang ako to know if the baby is fine.
"Ms. De Valle, glad you're here." bati ni Doc pagkapasok ko sa office niya, minuwestra niya sa akin yung upuan sa harap ng table nya. "Come on, sit Ms. Del Valle."
"Thanks Doc." pagkaupo ko ay nagsimula na siya magtanong sakin about sa pagbubuntis ko. Mostly sa paglilihi at pinagkakaabalahan ko, kung na-i-stress ba ako or kung may sapat na pahinga ba ako. After that ay minonitor niya ang itsura ni baby sa tiyan ko.
After all the procedures ay bumalik kami sa lamesa niya, "Okay naman yung baby, no complications. You just need to be careful kahit na walang problema kay baby, it's better to be careful than to be sorry if something happens. And you also need to take the vitamins regularly para mas tumibay yung kapit ni baby."
"Thank you Doc, don't worry I'll follow all your advices. I'll call you when something happens." saka ako nakipagkamay kay Doc bago lumabas ng office niya.
Pagtingin ko sa phone ko ay nakita kong alas-onse na at may text galing kay Ziera.
From Missy:
Yx nandito na ako sa parking lot, I'll just wait you here.
Pagkabasa ko sa text niya ay naglakad na ako paalis para makapunta na ako sa parking lot, habang nakasakay ako sa elevator ay nakatingin lang ako sa may pinto at nagulat ako pagkabukas ng elevator sa 3rd floor. Mag-isa lang ako dito sa elevator and I'm pretty sure na nakita ko rin yung gulat sa mata niya pagkakita niya sakin.
I've got no choice but to move para mabigyan siya ng space, walang nagsasalita sa aming dalawa but the tension is there. Bumalik sakin lahat ng alaala namin and seeing her right now and being with her in this small space is not a good thing for me.
Ang higpit ng hawak ko sa bag ko and I can feel my hands tremble. Looking at her now, ang daming nagbago sa kaniya. Pumayat siya, sobrang putla ng mukha niya at kitang kita yung dark eye bags niya. I don't know what she's been through but I don't think I would care kahit malaman ko. The damage is done, and we're done.
Parang napakatagal ng pagbaba ng elevator but thankfully ay bumukas na rin siya sa parking lot, halos tumakbo ako sa kotse ni Ziera pagkakita ko dito. Dali dali akong pumasok sa loob at napahawak sa mukha ko and without me knowing ay naiyak na pala ako.
I can see the worry in Ziera's face pero mas pinili niyang hayaan ako, nagdrive siya pauwi sa bahay and when I say bahay ay sa bahay talaga namin, kila Dad. Pagkarating ay dumiretso ako sa kwarto ko at hindi pinansin yung tingin na binibigay ng mga katulong at kahit na nila Mommy na nasa sala lang.
Pagkahiga ko ay nagtalukbong ako ng kumot at saka humagulhol. Hindi ko man lang naisip na baka magkita kami, after 9 years nagkita ulet kami. After all the hell that I've been through the feelings is still there, akala ko nawala na pero nabaon lang pala siya. Ngayong nakita ko ulet siya parang ragasa ng tubig sa isang falls na bumalik sakin lahat, yung mga alaala naming magkasama, yung saya, yung kilig, yung contentment, yung sakit at yung pagmamahal. Lahat yon bumalik na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.
~~~
MISSY
YOU ARE READING
Bound With Confusion (GxG)
AléatoireSomething to be thrilled. So tune in for the life of Yxella Xnder.