"Zairen... What are you doing here?" I looked at my closest cousin.
Reunion kasi ng family namin at hindi pa ako pumapasok sa loob ng bahay kahit mag gagabi na. Naiirita kasi ako kapag madaming taong nakapaligid sakin.
"Nag cecellphone ka na naman. Hindi maganda sa kalusugan mo yan. Masisira yang mata mo." sermon niya ngunit hindi ko ito pinansin.
"Ate.... Don't worry... Ngayon lang naman ito promise." Mahinahong paliwanag ko sa kanya.
"Tsk! Ang sabihin mo inistalk mo lang si "ano." Sambit naman niya habang naka-ngiti.
"Luh? Hindi kaya ate.... Kahit tignan mo ohh...." sabay pakita ko naman sa kanya ng phone ko.
Napailing naman siya kaagad sa naging aksyon ko. "Hindi ko naman sinabing ipakita mo sakin, Zai. Napaghahalataan ka tuloy na nang istalk ehh." Pang-aasar namang sabi ni Ate Pam.
"Ate naman ihhh.. Hindi kaya... I'm not stalking anyone." Pilit ko namang paliwanag sa kanya.
Nawala ang kanyang ngiti sa mga labi at tinignan ako nito ng seryoso.
"Zai.... Mahirap man para sayo na kalimutan siya..." napabuntong hininga ako dahil alam ko na kung saan ito patungo.
"At hindi ko rin naman gustong sakin pa magmula ang mga salitang ito pero naaawa na talaga ako sayo...." napayuko ako at hindi ko magawang tignan si ate Pam sa kanyang mga mata, dahil hindi ko kaya.
Pagdating kasi sa kanya ay hindi ko mapigilan ang emosyon ko.
"Pakawalan mo na siya, Zai. Hindi magandang palagi mo nalang iniisip yung nakaraan niyo. Bata ka pa.... At nasasaktan kaming nakikita kang sinasarili mo yung sakit. Alam mo bang habang umiiyak ka ay napapaiyak din ang mama't papa mo habang pinagmamasdan ka. Maging sila ay nasasaktan din dahil nakikita ka nilang sinasarili mo ang problema. Tanggapin mo ng may iba na siya, Zai. Mahirap pero.... kailangan." Sa mga sinabi ni ate Pam ay bumuhos ang luha ko at hindi ko na napigilan ang mapahagulgol dahil masakit pa rin talaga.
Imagine, 6 years that we're in a relationship and everything was fine. At halos lahat ng kapamilya ko ay kasundo si Tyler, botong-boto sila rito dahil hindi lang ito guwapo kundi may pangarap din ito sa buhay. Plus. Magkababata pa kami at sabay kaming lumaking dalawa.
Hindi ko siya masisi kong maghanap siya ng iba habang nagtratrabaho ako sa ibang lugar. Ngunit ang mas ikinagulat ko ng umuwi ako na nakabuntis siya at mismong bestfriend ko pa.
YOU ARE READING
FLOWS OF LIFE
RomanceZairen Ann Sandoval was born to love. She was blessed to have a supportive and loving parents. Her parents likes Tyler for her. Tyler Reyes is her ideal man. They also planned their wedding because they are in the right age. But her relationship wit...