CHAPTER 1

28 5 2
                                    

MASAYA akong nakikipaglaro ng bahay-bahayan kay Tyler. We were only 7 years old at that time. My mom and his dad are best of friends, but they didn't fall in love with each other. But our story is different from theirs because I have feelings towards him.

Tyler is handsome. He has blue eyes and fair skin. He has a masculine figure and he's intelligent. I can't stop imagining myself as his girlfriend when I reach 18.

"Tyler.." tawag ko rito habang inaayos niya ang sirang pintuan ng play house ko. Pinagawan kasi ako ng parents ko ng cute size na bahay. Tamang-tama para sa edad naming dalawa.

Lumingon siya at tinignan ako ng kanyang malamig na mga mata.

"Let's go! outside, Tyler." Masayang sambit ko habang itinuturo ko ang labas. Aayain ko sana siyang maligo sa ulan.

"No. Zairen. It's raining. Your mom will scold you, again." Nag pout ako at nakita niya yun kaya lumapit siya sakin.

"Hmp! But....." umiling siya kaya muli akong nagsalita.

"Here.... I want you to promise me something." Napako ang kanyang tingin sakin nang itaas ko sa ere ang aking pinky finger.

"t-that.... you'll mary me if we will reach 28." He looked upon me then he also raised his pinky finger.

"Promise...." sagot naman niya kaagad.

-----

Napatingin ako sa mesa ng may lumapag na carbonara and crepe. I'm craving for these food. Correction. Hindi po ako naglilihi.

"Tsk. You're imagining things again, babe." Nag-angat ako ng tingin sa pinaka-guwapong lalaki sa mundo ko.

Napangiti naman ito ng makitang inirapan ko siya. Hmp! Kung hindi ka lang matipuno, matalino, sexy, and hardworking. Hindi kita sasagutin. Charrot.
.
"Luh? Meron ka ngayon noh?" pang-aasar pa nitong tanong na mas lalo ko namang ikinainis.

"Huwag ngayon, Tyler." Tumawa ito at mas lalo akong nairita dahil maski tawa niya ay mas lalo akong naiinlove.

"Parang hindi ka naman mabiro, babe." Inirapan ko siya at sinimulang kainin ang carbonara at crepe ng tahimik at hindi siya kinausap.

"Hindi man lang nag-alok ohh. Meron ka nga ngayon. Red days is waving." Bigla siyang tumayo at lumapit sakin. Magkatapat kasi kaming dalawa sa mesang inuupan namin dito sa fastfood.

"Subuan nalang kita, babe. Or gusto mo ako na magpakain sayo habang buhay." Sambit nito.

"Tyler, Pwede ba huwag mo akong inisin! Naasar na ako sayo." Naiinis kasi ako kapag masyado siyang sweet sakin kapag meron ako.

Last year kasi ay napaka-sweet niya at halos ibigay lahat ng luho ko. Yun pala, kaya mabait ay gustong bumili ng bagong sasakyan. Actually, mabait at responsable talaga si Tyler. Madalas ay sa kanya ako nagpapakonsulta ng mga gagawin ko. Magaling kasi siyang magdesisyon kumpara sakin.

Pero ang pinaka-palpak siya sa buhay ay yung bibili siya ng mga mamahaling sasakyan. Hindi naman kasi dapat kailangan mahal ang sasakyan na bibilihin eh. Besides, we're almost adult. Dapat nag-iipon na kami para sa kasal namin next year.

Although our parents are both rich we shouldn't depend on our life on them. Dapat mag-ipon din kami para sa magiging pamilya namin, soon. We should be practical and rational in purchasing different items.

Pero kahit papaano ay natutuwa talaga ako sa kanya considering that he was the one who planned for our wedding and that makes me fall in love with him because he want us to marry soon.

"Baby... Let's talk." He smiled sweetly.

"Let's talkin mo mukha mo!" pagsusungit ko rito.

Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. I almost choked when he hugged me. Gosh! We're in public.

"Sorry na po..." Hays! Ang hirap magalit dito, Nakakainis! Dahil ngiti palang niya ay natutunaw na agad ang galit ko.

"Let's go home na.." pag-aya ko rito dahil pinagtitinginan na kami ng ibang tao. Ayoko pa naman ng spotlight.

Sabay naming linisan ang fastfood restaurant at sumakay sa kanyang sasakyang Corvette.

Iniwan ko kasi ang sarili kong sasakyan sa bahay dahil sayang sa gas. Iisa lang din naman ang uuwian namin so bakit tag-isa pa kami, diba?

FLOWS OF LIFEWhere stories live. Discover now