MABILIS kaming nakarating ni Tyler sa mansyon gamit ang sasakyan niya. Coding kasi yung kotse ko kaya yung porsche niya muna ang ginamit namin. Siya na rin ang nagtanggal sa seatbealt ko dahil nahihirapan akong tanggalin ito.
"Let's go." aniya.
Pinagbuksan niya rin ako ng pinto na mas lalo kong ikinahanga dahil hindi pa rin siya nagbabago. Mula noong linigawan niya ako ay palaging siya ang nagbubukas ng aking pintuan sa sasakyan. Habang tumatagal ay mas lalo ko siyang minamahal.
Naalala ko pa nung siya ang naglaba ng underwear ko dahil sa sobrang sakit ng puson ko nung college pa kami. Even if there was a blood stain on my underwear, he didn't rant. Sa halip ay inaalagaan niya pa ako, and he made sure that he was with me when I had my period.
Inalalayan niya akong bumaba at sabay kaming naglakad papuntang pintuan ng aming mansyon. I really don't know why my parents built a mansion. It's like I have plenty of siblings. I'm only their daughter.
"Zairen... Anak..." maligayang bati agad sakin ni Mom.
Yinakap ko siya ng mahigpit bago ko siya halikan sa kanyang pisngi.
"I missed you so much, Ma." Malambing kong sabi.
"Let's go to pool area mga anak... Andun na yung iba." Saad naman ni Mom at tumingin ito kay Tyler.
"Yes, Ma." Sabay naman naming sagot ni Tyler.
Ngumiti ako kay Tyler dahil napaka blessed ng relationship namin. Parehas kasi kaming may basbas sa family side ng bawat-isa. At tanggap din nila ang relasyon na meron kami ni Tyler.
Kasal nalang daw ang kulang, magiging perfect na.
Pagkadating namin sa pool side ay nagkakatuwaan ang mga pinsan ko habang nasa pool at umiinom ng drinks. Ang mga oldies naman ay masayang nag-aawitan sa may entertainment area. Nakabukas kasi ang entertainment room kaya napag-alaman ko kaagad na andun ang mga matatanda.
Tinawag ako ni ate Pam habang umiinom siya ng cocktail sa may pool.
"Zai.... Arat magpalamig." Aya sakin ni ate Pam ngunit umiling ako sa kanya dahil meron ako ngayon.
"Tyler.... Payagan mo namang lumangoy si Zairen." Natatawang sambit pa nito na parang hindi nakuntento sa naging tugon ko.
"Huwag ka naman masyadong mahigpit sa kanya baka iwan ka niyan, sige ka!" tunog may pagbabanta ngunit lamang pa rin ang tawa ni ate Pam.
"Hindi niya ako pinagbabawalan ate Pam.... May dalaw ako ngayon." Kaagad naman siyang nandiri sa tinuran ko.
Kahit kelan talaga ng pinsan kong ito at napakaselan.
Maarte kasi si Ate Pam pagdating sa period. Ayaw niya ng nakakakita ng may stain sa jeans o tagos. Palagi niyang pinapaalala sakin na kapag may period ako dapat fresh pa rin daw, self-care ika niya.
"Eeeew... Huwag kang tatapak dito sa pool, Zairen. Sinasabi ko sayo! Mismong strand ng hair mo neh!" napainom siya ulit ng isa pang cocktail na kinuha niya sa mesa sa may gitna ng pool.
Pinagawa ito ni Dad dahil mahilig tumambay sa bahay ang mga pinsan ko. At halos dito na sila tumira sa bahay namin, lalo na si ate Pam dahil hindi niya raw gusto ang mga kapatid niyang lalaki. Nag-iisa rin kasi siyang babae sa kanilang magkakapatid.
Maarte si ate Pam. Ngunit pinalaki naman siyang may busilak na puso. Sobrang mahal niya ang mga aso, kahit na aso mula sa kalye ay pinupulot niya kapag alam niyang walang may-ari sa mga asong yun.
---
Iniwan namin ni Tyler si ate Pam kasama pa ang iba kong pinsan na nasa pool. Pumunta na kami sa pwesto ng mga matatanda. Isa-isa kaming nagmano ni Tyler sa mga oldies dahil ito ay nakaugalian ng aming pamilya.
YOU ARE READING
FLOWS OF LIFE
RomanceZairen Ann Sandoval was born to love. She was blessed to have a supportive and loving parents. Her parents likes Tyler for her. Tyler Reyes is her ideal man. They also planned their wedding because they are in the right age. But her relationship wit...