(THROWBACK)
NANG wala siyang nakuhang ni isang reaksyon sa akin ay bigla siyang napatingin. Usually kasi, kapag pinag-uusapan namin ang mga nangyayari sa course ay madami akong rants dahil sobrang sungit talaga nung prof. namin sa political science.
"Zairen Ann? What's wrong? " tanong niya ngunit hindi ko siya tinignan sa kanyang mga mata dahil baka hindi ko mapigilang mapaluha.
Tsaka, takot din akong madisappoint siya. Ano na lang ang sasabihin ng mga kaklase namin sa kanya? Na yung gf niya bobo pagdating sa batas?
"Zai.... diba sabi ko sayo. Kapag may problema ka sabihin mo lang sakin." Concern nitong sabi habang hinahawakan ang aking mga kamay.
Inangat niya ang mukha ko para mabasa niya ang emosyon ko ngayon. Nang magtagpo ang aming paningin ay hindi ko na napigilan pang hindi umiyak.
"What's wrong, Zairen? Pinahiya ka ba ng mga profs natin?" muling tanong ulit sakin ni Tyler.
"I failed, Tyler." mahinang sambit ko.
Hindi ko na napigilan pang hindi maiyak dahil sa sobrang sama ng loob. First time ko kasing makatanggap ng grades na sobrang baba talaga. Yinakap niya ako ng mahigpit at pinatahan dahil hindi tumigil ang pagbuhos ng aking mga luha.
Nang matapos akong umiyak ay pinunasan niya ang mga natirang bakas ng luha sa aking mukha.
"Zai, I know that I'm not good at giving advice. But I just want you to know that it's normal to fail, and if you fail, at least you've tried your best to achieve something. " Panimula nitong sabi.
"And I'm very sorry, Zairen Ann Sandoval, for making you feel this way. I know it's my fault that you chose to study law rather than medicine. Sorry, Zai. I'll support you now, no matter what. " Ngiting sambit nito sakin.
"You know what, though? I just realized that we can help each other when one of us has a desire to succeed in life. Huwag dapat kitang hadlangan sa mga gusto mo, dahil ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ka sumasaya. " He said, with a serious tone.
"Tsaka, bakit ko hahadlangan ang reyna ko sa gusto niya? Kung ito ang makakapagpasaya sa kanya, diba? Ano Zai, ayos ba? Pwede na ba akong gumawa ng tula?" He added.
Nanliligaw pa lang kasi siya sakin at sobrang awkward dahil magkababata pa kami. At ang mas malala ay ako ang unang umamin na may gusto ako sa kanya. Ang dami kasing nagkakagusto kay Tyler dahil matangkad, guwapo, matalino, hot, maganda ang boses, at magaling maglaro ng chess.
Marami kaming pagkakaiba ni Tyler dahil mahilig akong sumali sa sports games tapos siya more-on board games. Sobrang lungkot ko nga dati dahil hindi man lang siya nanonood ng mga games namin. Ehh, magkababata naman kami.
Nakakapagtampo lang kasi mas sinusuportahan niya pa yung mga kasama niyang nerds noong SHS.
Noong una ay tinigilan ko ang pagiging sweet kay Tyler. Dahil nabalitaan ko kasing may liligawan na raw siyang babae kaya tinigil ko ang pagbibigay sa kanya ng pagkain tuwing break-time.
Naghanap ako ng pagkakaabalahan kaya naman sumali ako sa mga competition sa volleyball. Mabuti nalang din at may mga kateammates akong nagbabalita sakin na may palaro. Hindi kasi ako nakikinig ng mga annoucement sa schools kasi halos mga sermun sa nalalate ang naririnig ko.
---
Mabalik tayo kay Tyler. Noong hindi ko siya pinansin ng matagal dahil sa nabalitaan ko na may liligawan na siya. Pumunta naman siya sa bahay para ipagpaalam ako sa parents ko na manliligaw daw siya.
YOU ARE READING
FLOWS OF LIFE
RomanceZairen Ann Sandoval was born to love. She was blessed to have a supportive and loving parents. Her parents likes Tyler for her. Tyler Reyes is her ideal man. They also planned their wedding because they are in the right age. But her relationship wit...