KABANATA 4

13.1K 820 245
                                    

Maaga akong nagising upang tulungan ang aking ina sa pag gawa ng mga tinapay. Wala pang araw ngunit gising na gising na siya.

Nadatnan ko siyang nag mamasa, lumapit ako at niyakap siya mula sa likod. 

"Magandang umaga ina, kamusta naman po ang inyong tulog?".   Paunang tanong ko.

"Maayos naman anak, masarap sa pakiramdam na makatabi at mayakap ang iyong ama ngunit nalulungkot ako dahil dalawang beses lamang natin siya makapiling sa isang buwan.". Malungkot na pahayag ng aking ina.

Kahit na ako ay nalulungkot dahil sa kakulangan ng panahon para makapiling ang aking ama. Simula pa lamang pagkabata ko ay dalawampot apat ko lamang siya masilayan sa loob ng isang taon. 

Iyon din ang dahilan kung bakit hindi na ako nasundan pa, nais ng aking ama at ina na magkaanak pa ng dalawa ngunit hindi nangyare.

"Kasama mo naman ako ina, at isa pa kamuka ko naman po si ama kaya kapag nangungulila ka sakaniya, tumingin kalang saakin at tiyak na maiibsan ang iyong lungkot.". Pag alo ko sa aking ina.

"Kaya nga nag papasalamat ako sa panginoon at dumating ka sa buhay namin ng ama mo anak, bukod sa maganda na masipag at mapagmahal na anak pa.". Pang bawe niya.

"Ina umagang umaga binobola niyo ako".
Reklamo ko.

"Iyon ay ang katutohanan anak.". Sabi niya ng nakangiti.

"Tulungan na kita upang mas mabilis kang matapos". Nag tulungan kami ni ina na mag masa hanggang sa nakagawa kami ng mahigit dalawang daan na tinapay. Kadalasan ay isang daan lamang o kaya mas higit pa, hindi ko alam kung bakit dinagdagan ng aking ina.

"Mahirap pala na gumawa ng tinapay ina, lagi naman nating ginagawa ito ngunit ngayon lamang ako nakaramdam ng pagod at ngalay sa aking mga braso.". Pahayag ko. 

"Yun ay dahil nakagawa tayo ng dalawang daan na tinapay, maski ako ay hindi ko na nabilang at hindi namalayan na naparami ata tayo ng gawa.".  Sagot niya.

"Tiyak na mauubos to ngayong araw ina." Pag titiyak ko sa kaniya.

"Lagi namang nauubos dahil napakagaling ng tendera ko.". Lumapit siya at niyakap ako.

"Masarap po kasi ang tinapay niyo ina kaya nauubos". sagot ko pa.

"Sige sabi mo".   Pagkasabi niya nun sabay kaming natawa.

Habang hinihintay matapos maluto ang tinapay, nag paalam ako kay ina na maligo na muna, kaya agad akong lumabas at kinuha ang timba upang mag igib.

Nagtungo ako sa poso sa bandang likuran, at dito mo makikita ang malawak na rancho, ang malawak na lupaing napapalibutan ng ibat ibang klase ng kabayo. Mula rito ay tanaw ko ang mga nangangabayo.

Nag simula ng sumilip ang araw, habang nag iigib nanunuod ako sa mga nangangabayo,  si ama ay may sariling kabayo rin at iyon ang ginagamit niya upang mag hatid ng mga mensahe.

"Magandang umaga binibini". Bati ng isang babaeng nakaputi at nakasuot ng kasuotan na para sa pangangabayo. Nakasuot ito ng cowboy na sumbrero at nakasuot din ng sapatos. Pero sa tono ng kaniyang boses ay parang pamilyar ang siya saakin.

Sinubukan kong kilalanin ngunit nahirapan ako dahil sa sumbrerong tumatakip sa kaniyang muka.

"Ako ito, ang iyong Reyna Hylle".  Pagkasabi niya non tyaka niya hinubad ang suot niyang sumbrero.

Tinignan ko siya ng mabuti at sa maraming beses at dumagdag nanaman ito dahil natulala nanaman ako sa taglay niyang ganda.

Nakatali ang kaniyang mahabang buhok at mapupungay ang mga bughaw na mata.
May mga butil ng pawis sa kaniyang noo na tanda na kagagaling lamang niya sa pangangabayo. Napatingin ako sa kaniyang labi at para namang kay sarap nitong tikman at halikan.

"Hindi ka ba mag bibigay galang sa iyong Reyna?". Mautoridad na tanong niya.

"Paumanhin mahal na Reyna". Pagkasabi ko ng paumanhin ay tyaka ako lumapit at kinuha ang kaniyang palad upang halikan, hinayaan naman niya ito at hinintay matapos.

Nang lumapat ang aking labi sa kaniyang kamay sa pangalawang pagkakataon, naroon nanaman iyong kuryenteng naramdaman ko noong isang araw.

"Hindi bat sinabi ko saiyo na gawain ng mga kalalakihan ang humalik sa kamay ng kanyang Reyna? Hindi ka isang lalaki upang gawin yon, pwera na lamang kung may itinatago kang katutuhanan?".

Bigla ako kinabahan sa pahayag ng Reyna. 
Sa nasabi niyang iyon, alam kong nakita niya ang pinakatatago tago ko.

Yumuko ako  at parang hindi ko nanaisin pang tumingin sa mala dagat na mga mata niya.

"Hindi maganda na kapag nag salita ang Reyna ay wala kang maisasagot".  Pahayag niya.

Kinakabahan ako at parang nanaisin ko na lamang kainin ng lupa. 

"Paumanhi-". Hindi ko na natuloy pa ang nais kong sabihin nang kaniyang pinutol ang aking nais bigkasin.

"Nag sasawa na akong marinig ang paumanhin na iyan binibini, ngayon nais kong ipag igib mo ako at hugasan ang aking mga kamay.". Utos ng reyna.

"Masusunod po".

Agad ko namang binuhat papalapit sa kaniya ang balde at tinignan siya kung maaari ko bang hawakan ang kaniyang kamay.

Tumango lang siya at inilapit ang kaniyang mga palad.

"Maupo po tayo mahal na Reyna upang maiwasang mabasa ang inyong kasuotan".  Pagkasabi ko nun ay sinunod naman niya ang nais kong mangyare.

Kumuha ako ng tubig at sinimulang hugasan ang mga palad niya, siniguro kong walang maiiwang dumi, pag katapos ng isa ay isinunod ko naman ang kaliwa. Kahit pa napaka linis ng kamay niya ay kailangan ko paring sundin ang nais niya.

"Hmmmmmm". Mahina ngunit narinig ko parin ang mahabang ungol na pinakawalan niya.

Hindi ko mawari kung ano ba iyon, siya ba ay nakikiliti kaya siya napa ungol?  Ngunit sa simpleng huni na iyon ay ramdam kong may tumitigas saaking ibaba.

Nang matapos ko ito ay kinuha ko ang isang malinis na tela at pinunasan ang kaniyang mga palad. Ang tela na ipinang punas ko mismo ay ang aking damit ngunit walang problema kung ang palad niya ang gagamit.

"Maraming salamat binibini". Napatingin siya sa pagitan ng aking mga hita.

"Kailangan mong gawan ng paraan iyan upang humupa ang galit".  Nakakalukong pahayag niya sabay turo sa aking gitna at tyaka na siya umalis.

Hindi ko maisip na ganun pala ang Reyna, bakit hinayaan niyang makipag usap sa isang katulad ko? Bakit hinayaan niyang isang mahirap lamang na babae ang humawak sa kaniyang mga palad?

At ang pinaka mahigpit na pagbabawal ng batas ay huwag hahawakan ang palad ng isang Reyna kung ikaw ay isang maliit lamang at walang karapatan.

Nagsimula akong maguluhan sa nangyari ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin.


Vote🥀

The Queen and The Village Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon