KABANATA 32

11.9K 563 117
                                    

Niyakap ko ang aking sarili, katatapos ko lamang basahin lahat ng mga liham na ipinadala ni Steffan.

Magpasahanggang ngayon ay palagi parin akong lumuluha, hindi ko magawang mag sulat pabalik dahil mag bibigay lamang ito ng dahilan para lalo niyang ipilit ang kaniyang sarili.

At sa kadahilanang hindi ko alam ang aking sasabihin, natutuwa ako dahil naaalala niya pa kaming sulatan, hanggang sa ngayon ay inaalala niya ang aming kalagayan.

Ngunit nag aalala ako dahil dalawang buwan na itong hindi nag bibigay ng liham, tilay may maling nangyayari, buwan buwan nag papadala ng liham si Steffan ngunit ngayon lamang umabot na dalawang beses na siyang walang sulat.

At nakakapag taka ang kaniyang huling dalawang liham, binabanggit nito ang kanyang nararamdaman, ang kaniyang buhay, ang kaniyang pag lalaho. Tilay hindi ito maganda. Tilay nag papaalam na siya saakin.

Ngunit bakit? May mahal na ba siyang iba? Napagod naba siya sa kakahintay at sa kakasulat saamin ng kaniyang anak.?

Sa kaniyang nais na ituro ko ang kaniyang pangalan sa aming anak ay ginawa ko. Lagi niya itong binabanggit ngunit hindi pa buo.

Natutuwa ako sa aming anak, nag mumuka itong babae sa kulot niyang buhok, ang kaniyang muka ay parang isang babae.

Lalo lamang naging kamukha niya ang kaniyang isa pang ina.

Narito lamang ako at nakahiga, ang aking anak ay mapayapang natutulog sa kaniyang higaan, sa huling dalawang buwan ay napakalungkot ng aking mga araw.

Tuwing umaga ay lagi akong pumupunta sa harapan na pinto upang tanungin kung may dumating na liham, ngunit lagi nilang sinasabi na wala.

Nag aalala na rin si celia sa aking kalagayan. Maging ang hari ay nag aalala na rin.

Tama, ang hari ay narito na ngunit hindi pa tapos ang labanan,paminsan minsan ay bumabalik ito upang alamin kung mayroon pabang natitirang bandido.

Hindi ko inaalala ang presensya ng hari, ni kausapin ito ay sandali lamang dahil nais kong mapag isa kasama ng aking anak.

Ang anak ko lamang ang tanging nakakapag pagaan ng aking loob, ngunit kapag tulog ito ay nag sisimula nanaman akong lumuha.

Lumuha dahil paulit ulit kong binabalikan ang mga sulat ng kaniyang ina. Sulat ni Steffan. Ang mga sulat niya ay ang nag bibigay saya saakin.

Ngunit ngayon, araw araw akong nag hihintay ngunit wala akong napapala.
Lalo lamang akong nalulungkot.

"Mahal ko, Steffan, hindi ka sana mag sawa, hindi ka sana mapagod". Bulong ko sa malamig na hangin.

Lahat ng nakikita ko ay walang buhay, ang mga bulaklak na nakatanim ay kulay itim sa aking paningin, dala ng lungkot na aking nadarama.

"Mahal ko, tayo na at kumain"..  Pahayag ng hari.

"Mauna ka na lamang mahal na hari, hindi ako nagugutom, kakain na lamang ako kapag nakaramdam ako ng gutom".    

"Ngunit hindi ka maaring hindi kumain, kailangan mo ito, nag  aalala ako sayo at tignan mo ang iyong sarili nangangayayat kana mahal ko,ano ba ang iyong problema, sabihin mo saakin at sabay natin itong tatapusin.".

"Wala akong problema Hime, nais ko lamang na mapag isa, hayaan mo ako, umalis ka na kumain ka nang mag isa"..

"Hindi matutuwa ang ating anak sa ganyang inuugali mo". Sa pag banggit niya sa aking anak, agad akong natauhan.

The Queen and The Village Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon