KABANATA 28

11.6K 586 167
                                    

Hylle

Nagising ako sa mga boses na aking naririnig. Nang mag mulat ako ng aking mga mata ay nasilayan ko ang lahat ng aking mga katulong, nakatayo sila at nakatingin saakin.

Sa aking gilid ay nakita ko ang aking asawa, ang hari na mayroong ngiti sa kaniyang muka.

Si Celia na ilang taon ng naninilbihan saakin ay natutuwa sa aking pag gising.

Iginala ko ang aking mga mata upang hanapin ang nag iisang tao na nais kong makita ngunit naigala ko na ang aking mga mata ay wala parin ito, wala si Steffan. 

"Ako ay nauuhaw, nasaan si Steffan?".  Tanong ko sa kanilang lahat.

May agad namang nag bigay ng tubig sa hari, at dahan dahan ako nitong iniangat upang makainom ng maayos.  

Nang matapos akong makainom ay hinanap ko ulit si Steffan, at ang aking anak nasaan siya.

"Nasan si Steffan? At nasaan ang aking anak?". Nag aalalang tanong ko.

"Nasa labas si Steffan, kasama ang ating anak mahal ko. Kagabi ay todo ang pag iyak niya, sinubukan ng lahat ng mga katulong na narito na patahanin ang ating anak, maging ako ay hindi parin ito tumigil, ngunit nang sinubukan ni Steffan na kargahin ito ay agad tumigil ang bata".
Sabi ng aking hari.

Marahil ay alam ng aking anak ang tunay nitong ama, hindi ko masabi kung ama ba o isa pang ina.

"Nais kong masilayan ang aking anak mahal na Hari".  Pahayag ko sa hari.

"Ating anak mahal na Reyna". Pag tatama niya saaking sinabi.

"Tawagin niyo si Steffan". Utos ng hari.

Hindi ako makapag hintay na masilayan ang aking mag ina. Hindi ko alam, ngunit sa umpisa pa lamang ay nabighani ako sa kagandahan na taglay ni Steffan, at lalo lamang akong nagulat ng nakita kong mayroon siyang kasarian ng isang lalaki, inilapit ko sa kaniya ang aking sarili at binigyan siya ng kasunduan na hindi niya kayang tanggihan, at noong unang beses na mayroong nangyari saamin ay minahal ko siya, hinanap hanap, ang kasabikang hinahanap ko sa hari ay nahanap ko sa isang babae.

At ipinaramdam saakin ni Steffan na isa akong diyamante na iniingatan, kahit na gaano pa ako kalupit sa kaniya ay natitiis niya ito, sa aking pagbubuntis, si Steffan ang nariyan palagi sa aking tabi, at hindi ko maiwasan na sa mga araw at buwan na nagdaraan ay nagkakaroon ako ng malalim na nararamdaman para sa kaniya, at ang aking pagmamahal sa hari ay unti unting nawawala.

Sa umpisa pa lamang ay alam kong mali ang aking gagawin, ngunit nangibabaw ang kagustuhan kong magkaanak at gamitin si Steffan. Sa inaakala kong pang gagamit sa kaniya ay madali lamang ngunit siya na ang humihila saakin palapit sa kaniya, hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman, hinahanap hanap ko siya palagi, at alam ko sa aking sarili na hindi ko nais mawala si Steffan sa aking buhay.

Kung ang paraan ay pagtatago ng aming lihim at ng aming ginagawa ay gagawin ko, makasama lamang ang aking mag ina. 

"Mahal na Reyna, narito na si Steffan kasama ng iyong anak".. 

Agad naman akong napatingin sa nagbukas na pintuan at iniluwa nito ang taong nagpapasabik sa akin,  ang taong nakakapag pabilis ng tibok ng aking puso. 

Naglakad ito palapit saakin ng may ngiti sa muka, ang kaniyang mga ngiti ay ang aking kahinaan, napatingin naman ako sa kaniyang hawak na sanggol.  

"Ito ang inyong anak mahal na Reyna". Magalang na pahayag ni Steffan. 

Ibinigay niya ang supling saakin ng dahan dahan, nang tuluyan ko na itong makarga ay napaluha ako sa aking nasisilayan. Isang napakagandang biyaya ng panginoon, ang matagl ko nang hinahangad, natupad na.

Ang aking anak. Hindi ko mapigilan ang aking pagluha dahil sa tuwa, napakasaya ko.

Gamit ang aking isang kamay, dahan dahan kong hinaplos ang muka ng aking anak. Ang kaniyang mga mata ay kulay berde kagaya ng mga mata ni Steffan, napakaganda nito at napakaningning. Ang kaniyang mga labi ay kapareho ng hugis ng saakin.

Napapaiyak na lamang ako sa tuwing naglalabas ito ng tunog. Natutuwa ako, naaisiyahan, at napakaligaya ko.

Ang kaniyang buong muka ay kay Steffan, kamukhang kamukha niya si Steffan, at hindi na ako magtataka kung sino man ang ama ng aking anak. 

"Mahal na Reyna, paumanhin sa pagsagabal ngunit, ano ang inyong ipapangalan sa napakagandang sanggol na iyan".  Pahayag ni Celia.

Napatingin naman ako sa lahat, sa aking hari at ang panghuli ay kay Steffan.
Nakatayo lamang siya habang kami ay tinitignan.

Tumingin ako sa aking anak at sinabing.

"Ang iyong magiging pangalan ay Flinn, maligayang pagdating sa mundong ito munti kong Flinn". Pagkausap ko sa aking anak, ngumiti lamang ito tanda na nagustuhan niya ang kaniyang pangalan.

Lahat naman ng tao na narito sa aking silid ay nagsipalakpakan at natutuwa sa pangalan ng aking anak.

"Napakaganda ng ating anak mahal ko" . Sabi saakin ng aking hari at niyakap niya kami.

Hindi naman ako nag salita at napatingin kay Steffan, ngunit nang mag tama ang aming mga paningin ay bumaling ito sa ibang direksyon.

Noon pa lamang ay alam kong nasasaktan si Steffan sa tuwing makikita niya kaming naghahalikan o magkayakap ng hari, ngunit hindi niya alam na siya ang nais kong mahalikan at mayakap hindi ang hari.

Bago pa ako manganak ay sinabi ko sa aking sarili na huwag sasabihin kay Steffan na siya ang ama ng aking dinadala, dahil tiyak akong mas gugulo ang aming sitwasyon.

Ngunit sa ngayon, na nasilayan ko ang aking anak, mukang mahihirapan akong itanggi kay Steffan na kaniya ang batang ito, sa kaniyang mga mata pa lamang ay isinisigaw na anak nga namin ito ni Steffan.

Gagawin ko ang lahat upang maitago sa kaniya ang katotohanan, kahit na magmuka akong baliw sa pagtanggi, ayaw ko lamang na mapahamak si Steffan, kapag nalaman ng hari na siya ang ama ng batang ito ay maaaring mapahamak ang aking mag ina.

Hindi lamang si Steffan maging ang aking anak ay mapapahamak. At hindi ko hahayaang may mangyareng masama sa aking mag ina.  

Itatago ko ito hanggang sa kaya ko,
Ililihim at bubuhayin ang aking anak kahit  wala ang kaniyang tunay na ama.

The Queen and The Village Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon