KABANATA 9

14.2K 731 102
                                    

Maaga akong gumising upang tulungan ang aking ina sa pag gawa ng tinapay. Nakagawa kami ng mahigit dalawang daan ulit na tinapay.

Pagkatapos naming gumawa ay agad akong naligo. Napag isip isip ko na tama ang magiging disisyon ko, maaari pang maging maayos ang aking buhay kung susundin ko ang gusto ng Reyna.

Ngunit hindi ako nakakasiguro kung maaari ba akong makabuntis, babae parin ako at hindi ko alam kung may kakayahan ba akong mag bigay at bumuntis ng isang babae.

Natapos akong maligo at nag suot lamang ng puting de botones na damit at kulay kayumangging sapin, nagsuot ako ng maayos na sapatos at nang maayos na ay lumabas narin ako upang mag paalam.

"Ina, ako ay aalis upang puntahan ang Reyna, kahapon ay inutusan ako upang mag tungo roon ngayon, maaari po bang kayo muna ang mag tinda sa harapan?" Pag hingi ko ng pabor sa aking ina.

"Ako na ang bahala muna Steffan. Ano ba ang nais ng Reyna at ikaw ay tutungo roon?". Nag tatakang tanong ng aking ina.

"Hindi ako sigurado at hindi ko rin po alam ina, maaaring may sasabihin lamang o mayroong ipapagawa, wala naman akong pag pipilian at kailangan kong sumunod ina". Pag sisinungaling ko.

Sa katunayan ay ayaw kong mag sinungaling sa aking ina, iniiwasan ko lamang na mag tanong pa ito ng kung ano ano.

"Mag iingat ka Steffan, at umuwi ka kaagad pagkatapos ng pakay ng Reyna.". Lumapit ako at hinalikan ang aking ina sa kaniyang noo.

"Opo ina". Kinuha ko ang kabayo sa likuran at sumakay rito.

"Aalis na ako ina, babalik po ako kaagad.". Sigaw ko bago pa lumisan.

Habang papalapit ako ng papalapit sa palasyo ay dun naman lalong bumibilis ang tibok ng aking puso, hindi ko mawari ngunit alam kong kinakabahan ako sa pag harap sa Reyna lalo nat walang pahintulot na mag punta ako rito.

Nang makarating ako sa harapan ay itinali ko ang aking kabayo sa talian.

"Magandang umaga binibini, ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?".  Tanong ng kawal na nasa malaking bakal na harang.

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Pinapapunta ako ng Reyna dito upang kausapin ginoo, maaari niyo po bang sabihin na narito na ako? paki banggit na lamang po ang aking pangalan, Steffan".   Magalang na pahayag ko.

"Maghintay ka lamang riyan binibini babalik ako kaagad kung nakuha ko ang pahintulot ng Reyna". Ngumiti lamang ako at nag hintay.

"Salamat po ginoo.". Nang umalis na ang kawal, umupo ako sa gilid at naghintay.

Napakalawak at napakaganda ng palasyong ito. Kung sakali man na magkaroon ng anak ang reyna at hari ay ito ang mag mamana ng lahat.

"Binibini, maaari ka nang pumasok, sasamahan ka ng isang katulong patungo sa silid ng Reyna.".  Pahayag ng kawal.

Agad akong tumayo at nag pasalamat muli sa ginoo, sinundan ko lamang ang babaeng nasa aking harapan.

Habang kami ay nag lalakad sa napakalawak na palasyo, hindi ko maiwasang mamangha sa lahat ng kagamitan, lahat rito ay puro ginto at mamahalin.

Napakaganda sa labas ngunit mas maganda rito sa loob.

Tumingin saakin ang katulong at sinabing.

"Binibini narito na tayo". Binuksan niya ang malaking pinto at tumambad saaking paningin ang napaka gandang silid. 
Mahigit sampong bahay ang lawak ng silid na ito.

The Queen and The Village Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon