KABANATA 34

11.9K 620 232
                                    

"Steffan, narito ang ating anak, nais mo ba siyang masilayan?". Pagbasag ko sa katahimikang namuo sa aming dalawa..

Tumingin ako sa kaniya at tumango lamang siya. Inalalayan ko siyang tumayo at sabay kami lumabas sa kaniyang silid.

"Mmma mmma". Napangiti ako sa aking anak.

"Mabuti naman anak at lumabas kana sa iyong silid..".  Hindi nag sasalita si Steffan, at sa tingin ko ito ay dahil sa kaniyang sakit.
Hindi ko na maririnig pa ang kaniyang boses.

Nang mahawakan ko ang aking anak, humarap kami kay Steffan.

"Ito na ang ating anak Steffan".  Simpleng pahayag ko. Ngumiti siya ng mapait at ramdam ko ang labis na kasiyahan niyang makitang muli ang kaniyang munting flinn.

Lumapit siya at hinaplos ang muka ng aming anak. Hanggang sa may tumulo ng luha sa mga mata ni Steffan.

Napakasama ko para ilayo sila sa isat isa. Kung hindi ko lamang ginawa ang disisyong iyon sana ay wala sa ganitong kalagayan ang taong mahal ko. Ang ama ng anak ko.

Tumingin saakin si Steffan, kinuha niya ang ang kaniyang panulat at isang papel. Nagsulat siya rito, marahil ay may nais siyang sabihin.

Ibinigay niya ito sa akin...

Nais kong makita ang karagatan mahal ko, nais kong masilayan ang paglubog ng araw, nais ko kayong makasama at panuorin ito.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti, sino ba ako upang tumanggi sa kaniyang nais.

Agad siyang lumapit sa kaniyang mga magulang at niyakap niya ito ng mahigpit.
Umiiyak ang kaniyang ina at hindi ko alam kung bakit, mamasyal lamang kami sa tabing dagat at pagkatapos ay sabay sabay kaming kakain ng hapunan.

"Tara na?". Tanong ko.

Lumapit si Steffan saamin ng aking anak at hinawakan ang aking kamay at sabay na kaming lumabas upang makasakay na sa karwahe.

Malapit naring mag hapon kaya maaabutan pa namin ang paglubog ng araw.



.....
Nang makarating kami ay nag lakad lakad kami hanggang sa marating namin ang mga malalaking bato na nasa bandang huli.

Walang nag sasalita at pinapakinggan lamang namin ang tunog ng dagat. Ang aking anak ay dala ni Steffan.

"Ffan ffan".

Napalingon ako sa aking mag ina, napaka ganda nilang tignan, nagsisisi ako sa aking ginawa. Ako mismo ang gumawa ng dahilan upang mawala saamin ng aking anak si Steffan. Marahil ay kasalanan ko ang lahat.

Nakarating kami sa dulo at umupo lamang kami sa buhanginan habang ang aming likod ay nakasandal sa napakalaking bato.

Ang aming mga mukha ay nasisinagan ng araw na malapit ng lumubog. Habang nasa gitna namin si Flinn ay tahimik lamang ito, siguro ay alam niya ang nagyayari, siguro ay naiintindihan niya kami ng kaniyang ina.

"Steffan mahal ko, patawad, patawad dahil inilayo kita sa iyong anak, patawad dahil itinaboy kita, patawad sa mga salitang nabitawan ko, patawad sa lahat ng aking nagawa sayo mahal ko, patawad dahil huli na ako, patawad dahil ngayon ko lamang nasabi sa iyo ito, patawad dahil ngayon mo lamang kami masisilayan, patawad dahil wala ako sa iyong tabi, hindi kita nabantayan at naalagaan, patawad dahil hindi ko alam, nagmatigas ako at binaliwala ang iyong nais, patawad dahil wala akong magawa sa iyong kalagayan, kung kaya ko lamang ibalik ang lahat. Kung kaya ko lamang ibalik ang oras mahal ko gagawin ko para lamang bumalik ka sa amin ng iyong anak, ngunit narito ako ngayon kasama mo, hindi ko matanggap Steffan, pero kailangan kong tanggapin.".  Habang sinasabi ko ang lahat ng iyan ay hindi ko mapigilang hindi maiyak, nag sisisi ako sa lahat.

Kasalanan ko ito...

"Sa iyong pag alis sana ay hindi mo kami pabayaan ng ating anak, lagi mo kaming babantayan. Steffan mangungulila ako sa iyo ng lubos, ang mga binuo kong plano para sa atin ay dahan dahan nang naglalaho, lahat ng ito ay mawawala..  Nais kong sabihin saiyo na sa simula palang ay nagustuhan na kita Steffan, dahil sa napakaganda mo, at lalo mo akong ginulat sa katotohanang maaari rin palang ang babaeng katulad mo ay mayroong tinatagong ganyan. Lagi kong hinahanap ang presensya mo, ginulo mo ang aking isipan pati na ang aking puso, unti unting nawala ang pag mamahal ko sa hari at napunta ang lahat ng iyon sa iyo, minamahal kita sa araw araw Steffan ngunit hindi ko lamang ito sinasabi. At natutuwa ako dahil minahal ako ng isang kagaya mo. Kung kailan kaya na kitang ipaglaban ay doon ka naman sumusuko, hindi ka lumaban at pinabayaan ang iyong sarili, lagi mong binabanggit sa iyong mga sulat na huwag kong pababayaan ang aking sarili ngunit ikaw itong nag pabaya, ano ang iyong rason? Bakit mo kami iiwan ng iyong anak? Hindi ba sapat na rason ang mayroon kang reyna at mayroon karing anak na nais kang masilayan?. Lahat ng pangarap ko ay iyong tinupad, ngunit may isa akong hangad na kahit kailan ay hindi na maaari pang mangyari, yun ay ang makasama ka habang may buhay, kasama kang manuod sa pag laki ng ating mga magiging anak, Steffan handa na akong iwanan ang palasyo para lamang sayo ngunit ito ka...  Steffan mahal ko lagi mong tandaan na mahal ka namin ng iyong anak, lagi kitang ipapaalala sa kaniya. Sasabihin ko ang lahat sa kaniya, lahat ng masasayang alaala nating dalawa.."  Nakatingin lamang ako sa palubog ng araw. Naramdaman kong umangat siya upang halikan ako.

Wala nang makakapantay pa sa halik na ibinibigay ng aking Steffan.

Mabilis lamang ngunit may halo itong pagmamahal.

Ipinatong ni Steffan ang kaniyang ulo sa aking balikat. At napapangiti ako sa ganda ng palubog ng araw.

Nang hawakan ko ang kaniyang muka...

"Steffan napakabilis naman mahal ko!  akala ko makakasama pa kita ng ilang araw at buwan, nakapag pasya na ako na manirahan sa iyong tahanan at iparamdam sayo ang aking pag aalaga. Ngunit heto ka ngayon.  Kasabay ng paglubog ng araw ang iyong pag panaw. Bakit pa kita nakilala kung aalis karin naman kaagad sa aking tabi. Steffan mahal ko.." Hindi ko nais tumingin sa kaniya. Ayaw kong makita ang mukha niyang wala ng buhay.

Naging mas mabigat na ang kaniyang ulo sa aking balikat ngunit hindi ko ito ininda.
Pinakiramdaman ko ang kaniyang mukha.

Ang init na narito kanina lamang ay nawala na, ang tibok ng kaniyang puso ay tumigil na, ang kaniyang hangin na ibinubuga ay wala na.

Napatingin ako sa aking anak at pumikit ng napakadiin. Napakasakit masilayang mawalan ng buhay ang iyong minamahal. 

"Ffan mmma".

"Wala na siya anak, wala na ang iyong ina". Tumulo ang aking mga luha, hindi ko ito mapigilan, napakasakit.

"Tiyak akong mag kikita pa tayong muli Steffan, Paalam mahal ko.".






The Queen and The Village Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon