AUTHORS NOTE: KADARAGDAGAN LANG NA ITONG CHAPTER OR SHOULD I SAY NA ITONG PART NG STORIE NA ITO AY MAHABA, HINDI TULAD SA RELASYON NIYO, MABILIS BREAK UP NIYO COMPARE SA MAHABA KONG UPDATE SA ISTORYA NA ITO.
AYAW KO NANG LAGYAN NG DECIMAL POINT YUNG CHAPTERS KO, PARA DIRE-DIRETCHO NA.
CREDITS TO THE OWNER OF A PHOTO THAT I SEND HERE
🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹
Chapter 14
Nandito na kami sa Las Casas Filipinas De Acuzar maganda para siyang palasyo. First time ko lang makapunta dito. "Ang ganda blue" sabi ko kay Jeya. "Nakikita ko blue" pamimilosopo niya pa. *Hindi ko na ide-describe yung kabuuan, isesend ko yung pic* (pasensya sa mga walang load). "Sobrang ganda dito YM, buti pala hindi nagbago isip ko" namamangha kong sabi, habang iniikot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng resort. "Kung nagbago isip mo, hindi mo makikita ang nakikita mo ngayon. At sobra kong magtatampo sayo" tinabihan niya ako at inakbayan habang sinasabi niya yun. "You didn't regret to go here CC" dagdag pa ni RM at pumasok kami sa loob kasama ang bagahe. "Bukas na tayo maligo sa dagat and we play volleyball, hilahan lubid and kung ano-ano pang-recreational activities" favorite kong laruin kapag nasa dagat. Umupo kami sa mahabang upuan, ganito ang pwesto namin: RM-AP, YM-Jera, and shempre ako at si blue. Hindi na kami nahiya na maghalikan, ganun din ang ginawa nang mga barkada ko. Pinaupo ako ni blue sa lap niya habang naghahalikan, hanggang sa ang mga labi niya ay dumapo sa leeg ko. Gusto pa man naming ituloy ni blue pero hindi na namin ginawa, dahil nandito sila Jera at AP sa gilid namin. Ayaw niyang makita na naman ako nang iba na nakahubad, gusto niya siya lang titingin dun. "Huyyy itigil niyo na yan hahahahahaha" tawa niya pa. Tinigil na nga nila yun, halatang nakulangan pa sila sa ginagawa nila. Lumabas kaming lahat sa loob ng rest house at dumiretcho sa buhanginan malapit sa dagat at since naka-short lahat kaming mga girls, hindi na kami nagpalit at hindi naman nakapantalon yung mga boys. Nagdala kami nang mga junkfoods at umorder na sila nang San Mig and other beers. While yung mga boys nagpa-apoy na sa gitna nang kinauupuan namin para magkaroon ng bonfire.And dumating na nga sila YM at RM para dalhin ang isang case."Hello guys, I'm here" tumingin kami sa may ari nang boses at hindi ako pwede magkamali sa boses na yun, at nung tiningnan ko ay si Lester nga. "L-Lester" hindi ako makapaniwalang nandito siya. "Are you following us?" tanong ni blue at tumayo siya habang nakatingin ng maigi si Lester. "Nope I decide to vacation here, since I have resort here." At tinuro niya ang sinasabi niya.
"And nung lumabas ako, I see all of you" hindi ko alam kung nagsasabi ba siya nang totoo o nananadya lang. "Can I join you here?" kahit pa wala siyang nakukuhang sagot sa amin ay bigla na lang siyang umupo at nagpalit kami nang pwesto ni blue dahil makakatabi ko si Lester. Nag-iinuman na rin kami habang pulutan namin ang dala-dala naming junk foods, at naubos na ang ilang case dahil bumili si Lester ng panibago. "Dahil ubos na yung alak-mag-l-laro tayo nang spin the bottle" lasing na siya kaya ganyan na lang kung magsalita, at sumang-ayon naman kaming lahat sa sinabi ni RM. Inikot na nila ang bote at huminto ito kay AP at Jera. "Truth or Dare?" tanong ni Jera "Wait lang, d-dapat may t-thrill yung laro" suggestion ni YM. "Ano?" sabay naming naitanong ni blue. "Good idea yun" sabi ni AP. "Don't worry hindi kayo mamamatay kahit may thrill yung laro natin" sarcastic yung pagkakasabi niya nun, at hindi na lang namin siya pinansin. "So what's the thrill?" marami na ring nainom si Lester pero hindi halata sa kanya ang ganun. Biglang sumeryoso ang mukha ni YM. "Diba kapag naglalaro sa celphone may different levels or should I say may 'Easy, Normal and Hard'" hindi ko gets kung anong pinopoint-out niyang thrill. "Ganito sa Level 1 Easy pa lang ahh. It means mga madadaling tanong o utos lang yung gagawin, pagkatapos matutok nun lahat sa atin sa level 1. At sa level 2 Normal naman. At ang mangyayari ay hindi lang basta normal to, dapat may thrill ng konti. At ang thrill dito ay kayong bahala kung anong gusto niyong tanong o utos, at kailangan sagutin at sundin ito nang maayos. Kapag hindi mo nagawa o nasagot may dare ka, at kapag hindi mo nagawa yung unang dare na which is na pinili mo kaysa truth---" naputol ang sasabihin niya nang sumabat si AP. "You mean tanong ang magiging sukli sa dare na hindi magagawa? Ang dali lang pala---" sinagot naman kaagad siya ni YM. "Mali tss, edi walang thrill kung ganun" nag-smirk siya. "Makinig muna kasi, wala munang sisingit. Kapag hindi mo nagawa yung dare na pinili mo, may dare ka ulit na bago at yun yung mas mahirap, kaya goodluck. At ang level 3, ito yung tinatawag na Hard. Ibig sabihin yung truth hindi na katulas ng level 1 at 2, ito ay maselan na tanong pati yung dare" pambibitin niya pa. "Ang dare dito, masusubukan kung gaano natin kamahal ang partner natin." Naiintindihan na namin ang pinopoint-out niya kaya inikot na namin muli yung bote at tumutok ito kayla Lester at siya yung magtatanong at si YM ang sasagot o gagawa sa kung ano mang piliin nito. "Truth or Dare?" tanong niya. "Dare" sagot ni Ysa. "Kindly show the deeper kiss to Jera" yan ba yung easy? Ang panget tingnan, sa harapan pa talaga namin. "Ohhh" reaction nila, except sa amin ni blue at ginawa nga ni YM yun ng five seconds. Si YM naman ang nagpaikot ng bote at tumutok ito kay Jera. "Truth" mabilis niyang sagot. "Ilan na nahalikan mo sa labi? except to me" sabay turo niya sa sarili niya. "Uhhmmm" halatang iniisip at binibilang niya pa. "Ayusin mo sagot Jera kung ayaw mo nang giyera mamaya" pang-aasar pa ni RM. "7" nagulat si YM sa sagot niya. "Wag kana magselos purple, marami man silang nahalikan ko, pero sayo ko lang natikman ang pinakamatamis na halik" naka-pout na si YM, halatang may war mamaya. Pinaikot ba ni Jera ang bote at tumapat kay RM. "Yari ka sa kin, inaasar mo ko kanina" pfft parang bata. "Truth" at nag-iisip na nang kung anong pwedeng itanong. "Ilan na naging ex mo? AP ihanda mo na yung tenga mo" pahabol niya pa sa sinabi niya. "5" tiningnan namin ang reaction ni AP, halatang walang pakialam. "See, blangko yung mukha niya, kasi hindi siya katulad mo isip bata" she tease Jera. Ako na ang nagpa-ikot ng bote at sa awa nang Diyos, tumapat kay blue. "Truth or Dare?" tinanong ko pa rin siya. "Dare" at may naisip na akong utos sa kanya. "Hindi mo ko pwedeng iwan, kalimutan at palitan" sabi ko sa kanya. "Wow level 1 pa lang pero ang dami na agad dare" hindi ko na nilingon kung sino nagsabi nun. "I'll make sure CC na kung magawa niya yung dare mo, magiging opposite nun sayo" gets ko ang ibig niyang sabihin, pero hindi ako magpapatinag. "Fuckyou, asshole" gigil na sabi ni blue sa kanya. Nginisian lang siya ni Lester ng nakakaloko. "Don't you ever waste your saliva to your non-sense words" matulis niyang tiningnan ito upang makaganti sa ngisi na iyon. At tumapat yung bote kay AP. "Dare" tugon niya. "Sa tuwing wala ako, bantayan mo si blue mula sa taong yun" tinuro niya si Lester. "I will. Jeya don't worry" assurance niya kay blue. "Pumunta na tayo sa level 2, masyadong nagkaka-initan sa level 1" buti napansin ni Jera, at tumatawa siya habang sinasabi yun pero hindi namin sinabayan yun, dahil wala namang nakakatawa. Kumalma na ang kahat dahil Normal na. Si AP ang nagpa-simulang magpa-ikot hanggang sa tumapat sa akin. "Truth" hindi ko na gusto ang level na ito at ang magiging susunod pa. "Kung hindi ba dumating si Jeya, ay chance ba na mahalin mo si Lester?" kung hindi siguro nagbago ugali ni Lester. "Oo" at ito naging sagot ko. Lester make a genuinely smile. "See Jeya? May chance pa pala ako, kung hindi ka umeksena sa buhay niya" gusto nang suntukin ni blue si Lester lalo na nung marinig niya ang sagot nito, dahil nakasarado na ang palad niya at gustuhin niya man itutok ito sa mukha ni Lester pero hindi niya pwedeng gawin, dahil ayaw kong malaman nila na nirape niya ako. Pero hindi yan alam ni blue, dahil nung time na ginawa sa akin yun, ay wala siya sa bahay ni Mich.
Tumapat na yun lahat sa kanila at level 3 na. Huminto ang bote kayla Lester at Jeya. "Dare" hindi ko na alam ang gagawin ko. "Palayain muna si Claire" at sinuntok niya na nga ito dahil sa mga sinasabi nito na hindi magaganda. "Tama na, please. Ayoko nang gulo, at kung pwede blue, wag muna siyang suntukin dahil alam kong kahit sabihin niya yun, hindi mo naman gagawin diba?" tumingin siya sa akin at "I can't never do that" buti nagpa-pigil na. I regret na sumama pa ako. Alam ko na kahit hindi pumayag si blue, may dare pa siyang isa. "Okey, may isa pa akong dare" sumeryoso na ang mukha nito. "We play basketball at kapag nanalo ako, wala nang rason-rason at akin na si Claire" tumayo na ako at "Deal" sagot ni Jeya. Sana hindi ko na lang narinig yun.
BINABASA MO ANG
BACK TO ME
General FictionFirst story ko to I hope you like the twist and the plot of my stories Open po ako sa magki-critique nang story na ito I hope you appreciate it This genre is ROMANCE, DRAMA, and ACTION