"Anak Spade!" Si Mommy na clingy, bumili lang naman ako ng tinapay dahil pinaalis ko na yaya namin. Kakainis, tatanong tanong sa love life ko tapos aasarin akong walang jowa.
"Ano na naman My?" Tanong ko. Maria Selena Araña, the one and only. Mommy is a millennial mom, ang clingy nya, pagdating naman sa sermon ewan ko nalang.
"Nakapag enroll ka na ba?"
Napaupo naman ako dahil nakalimutan kong malapit na pala ang klase namin, tanda ko na ah makakalimutin.
"Ah My, kayo na bahala dun kahit saang section nalang." Sagot ko sa kanya.
"Are you sure baby? Sama ka nalang bukas please." Pagkasabi nya nun bigla akong napatingin sa kanya. Si Mommy talaga ang kulit.
"My, tulog na ako." Paalam ko sa kanya.
"Eto namang anak ko ang damot sa oras, ang cold. Mana talaga sa Daddy nya jusmiyo marimar." Pagmamaktol ni Mommy.
"Mommy, naririnig pa kita ha." Babala ko sa kanya.
I'm Space Deane Araña, Spade nalang haba kasi ng pangalan ko ang bantot. I'm seventeen, incoming grade ten. Maganda naman ako kaso topakin lang. I also write some novels and poems pero I don't have the guts to publish them.
"Aray!" Sigaw ko ng may tumamang unan sa ulo ko, moment ko na iyon hoyyyyyy!
"Kakain na daw, imagine ka na namang may jowa ka?" Siya naman si Seiji. Seine Jivan Araña. Kuya ko. He's 2 years older than me, senior high. Pa iba-iba ng jowa, feeling gwapo ang tamad naman.
"Hoy alas!"
"Oh ano na naman?!" Sigaw ko.
"May manliligaw ka sa baba."
——
Follow me on Twitter and use the hashtag #KabilangBuhayTwitter acc: @ohkizziekizbot
BINABASA MO ANG
Kabilang Buhay
Teen FictionSpace Deane Araña is a pabibo girl sa kanilang academy, she's seventeen, grade ten. Suplada, walang kaibigan, at spoiled brat. Lahat nalang na bad image nasa kanya. Explore her story at seventeen with a chinito prince. Will they write their own des...