Manliligaw
Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan. Katabi ko si Daddy habang si Mommy ay katabi si Seiji. Tahimik lang kaming lahat dahil kay Daddy, ayaw nya kasi ng maingay.
"Mommy yung caldereta nga po," sabi ni kuya, inabot naman ni Mommy ang caldereta. Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa likod ni Seiji. Maganda naman, kaso di ko bet baka maarte 'to tapos feeling doña pa dito sa bahay.
"Bakit ka nakasimangot Spade? Tungkol ba 'yon sa sinabi kong manliligaw?" Tanong ni kuya.
"Jowa mo, nasa likod mo." Sabi ko habang itinuro yung babae gamit ang spoon ko.
Biglang umingay ang hapag nang humagalpak si Seiji ng tawa.
Tawang tikbalang ang pangit!
"Anak, that's Laura the new housemaid pero working student 'yan." Si Daddy habang nakatingin kay Laura. Napakurap naman ako dahil ang linis nya, kala ko pa naman jowa na ni bantot yung babae.
Ayos naman sana kung nag-inform sila diba?
Patuloy lang kami sa pagkain ng biglang may nag doorbell. Napatingin sa akin si Seiji at Laura. Napataas naman ako ng kilay dahil ang weirdo nilang dalawa.
"Baka yung manliligaw na 'yon Spade magbihis ka na hoy, makakapaghintay naman 'yon." Si Seiji habang ngiti-ngiti pa. Sarap ihagis sa kanya itong plato ko.
Dali-dali naman akong tumayo at umakyat na sa kwarto ko. Hinanap ko yung spaghetti strap ko at yung black trousers ko. Hindi ako mapakali sa buhok ko, sinuklay ko nalang ito at nag pony tail nalang.
Nag pulbo naman ako at nag lip tint kahit hindi ko naman nakasanayan.
Seiji isa nalang ha!
"Spade dalian mo dyan!" Sigaw naman ni Mommy.
"Wait lang ito na My!" Sigaw ko pabalik at isinuot ko na ang sneakers ko.
Napatakbo ako pababa dahil tawag na nang tawag sina Mommy sa akin. Habang pababa ako sa hagdan ay nakasalubong ko si Laura na ngiii-ngiti sa akin.
"Oh ano?" Sabi ko habang tinaasan sya ng kilay.
"Secret po Miss," sabi nya habang iniabot sakin yung hoodie ko.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at pumunta na nila Mommy. Naglalaro lang ng mobile legends si Seiji at si Daddy naman ay may katawag.
"Baby, dalaga ka na ha before nine kailangan umuwi ka na. Don't forget to bring your mask and alcohol ha?" Si mommy habang sinusuklay pa yung buhok ko.
"Alcoholic drinks!" Singit ni Seiji.
"Seiji anak behave!" Si Mommy naman na bini-baby si Seiji.
"The bar pink gin!"
"GSM Blue!"
"Tequila!"
"Red horse lang malakas!"
"Bantot, huwag ka nang mang ghost kay Cali ha?" Sabay takbo palabas.
"Seiji umiinom ka na?" Rinig kong tanong ni Daddy.
Seiji's POV
Seine Jivan Araña, the gwapo. Nineteen years old, volleyball player. Senior high, alam ko late na ako pero it's better late than early.
Magkapatid kami ni Spade, pero pinulot lang iyon sa basura ses ang gwapo ko tas kapatid ko ang baho? Unfair naman yon.
"Seiji umiinom ka na?" Tanong sa akin ni Daddy.
"Kung alam mo lang Dy," mahina kong sagot.
Deither Jiovan Araña, Daddy ko. Yun lang, basta kakatakot ito si Daddy kasi hindi kami close.
Alala ko pa noon tumitingin ako ng mga barbie doll sa mall para sa birthday ni Spade, ayun si Daddy pinahiya ako sa mga sales lady dahil gusto ko raw ng doll. Na ano daw ako.
Na bakla daw.
"Ano Jivan?!" Napatigil ako sa paglalaro ng ml at napatingin kay Daddy. Napatingin naman ako kay Mommy pero nag f-facebook lang rinig na rinig yung "like".
"Hindi po Dy," sagot ko at napaupo ako ng maayos.
"Kahit tubig?" Tanong naman nya.
"A-ay Dy umiinom po ako nyan!" Bawi ko agad.
"Kita mo, kinakabahan." Si Daddy habang tumatawa pa, kala ko dead end na ako dun.
Tumayo ako at sinundan yung kapatid ko, bigla akong napatigil ng puro mura na si Spade.
"Putcha!"
"Hoy bakit ka nakangiti?"
"Seiji!"
Rinig kong mga lutong na salita ni Spade. Alam ko namang tanga ang kapatid ko pero, ah tanga pa rin.
Nakalimutan nyang ang pangit nya para magkaroon ng manliligaw?
Napakurap naman ako dahil napagtanto kong may inorder ako sa Lazada. Hindi kaya?
Spade's POV
Nakita ko na yung lalaki na nakasandal sa motor nya. Matangkad, ang bango, matangos yung ilong nya at ang gwapo!
"Ah Miss, is this Seiji Arañas place?" Tanong nya, napakunot naman ang noo ko dahil naguguluhan ako.
"Huh? Nililigawan mo si Seiji?" Tanong ko naman.
"Huh? Ligaw?"
"Oo, ligaw as in ligaw. Ikaw yung manliligaw ko diba? Hi I'm Space Deane Araña, Spade nalang and you are?" Iniabot ko naman sa kanya yung kamay ko at deym sobrang lambot ng kamay nya.
"Hi Spade, uhm nagkakamali ka, delivery boy lang ako." Sagot nya, napangiti naman ako kahit peke na.
Weh? Delivery boy? Kala ko ba may manliligaw ako. Napakunot ang noo at napagtantong ang tanga ko. Hiyang-hiya na ako habang nakatayo lang dito.
"Putcha!"
"Hoy bakit ka nakangiti?"
"Seiji!"
Nakita ko si Seiji na naglalakad papunta sa amin. Ang bantot talaga. Kumaway pa sya sa amin habang nakangiti pa, inaasar nya ba ako? Anak ng neneng Seijii! Kapatid ko ba 'to?
"Uy bro, part time?" Bungad ni Seiji sa lalaki.
"No, it's my Kuya's business kaya tumulong nalang ako." Sagot naman nitong nyenyenye.
"Mga pangit kayo!" Sigaw ko, napatingin naman sila sa akin.
"Oh Miss Spade, Wynclein nga pala," sabay abot ng kamay nya sa akin.
"Seine Jivan Araña!!!!!"
——
Follow me on Twitter and use the hashtag #KabilangBuhayTwitter acc: @ohkizziekizbot
BINABASA MO ANG
Kabilang Buhay
Teen FictionSpace Deane Araña is a pabibo girl sa kanilang academy, she's seventeen, grade ten. Suplada, walang kaibigan, at spoiled brat. Lahat nalang na bad image nasa kanya. Explore her story at seventeen with a chinito prince. Will they write their own des...