Be careful
Naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom namin. Ang sabi dito nasa third floor, second room kami. May nakikita akong mga estudyanteng todo paganda dahil nandito daw yung Lhester Yliver Rosario or Lhyl. Gwapo ba? Siguro pinagkakaguluhan nga diba?
Napapansin ko na ang mga studyante dito sa Amadeo U ay may kanya-kanyang mundo. All the girls have their make up on. Signature bags. The dresses and skirts. I can say na bigatin 'to sila.
"Spade?" Napatingin naman ako sa babaeng tumawag sa akin. Naka crop top sya tapos naka pants.
Weird wala bang uniform dito? Napatingin naman ako sa suot kong hoodie at pants, putek ang tanga ko nga.
"Oh?" Sagot ko.
"Classmates tayo! I'm Mirahnda Cuenca, Mirah for short!" Masigla nyang sabi.
"Oh tapos?"
"Wala, kilala mo si Seiji diba?" Tanong nya. I noticed that she has a natural curly hair, light make up, same height, and she's—uh nevermind.
Oh kita mo may humahanga na naman sa shunga kong kapatid, kainis na ha. Lintek Seiji yoko na sa iyo.
"Hindi, alis ka na." Sagot ko sa babae.
"Spade!" Tawag nya sa akin.
"Uyyy."
"Hoy Spade!"
"Deane!"
Napatingin naman ako sa kanya dahil tinawag nya ako sa...
Sa...
Sa...
Sa second name kooooooo!
"Hoy babaeng may crush sa Kuya ko!" Sigaw ko.
Napatingin naman halos lahat ng estudyante sa amin. Wala na akong pake kasi naiinis na ako sa babaeng ito.
Napansin kong dali-daling nagkukumpulan ang mga estudyante kasama na si Seiji dun. Umawat naman sya sakin dahil pansin nyang umaalab na ako.
"Spade, first day pa lang nakikipag away ka na. Mahiya ka naman," sabi nya sakin at bumulong ng mas mahina pa, "chicks yan Spade."
"Tanga," Bulong ko naman pabalik.
Saxum's POV
Hi! Saxum Rein Yladio at your service. Normal cute boy lang sa Amadeo University. Uhm wait lang ah may away kasi dito. Basta abangan ra me haaa?
"Uy anong nangyari dito?" Tanong ko habang kitang kita ko yung dalawang babaeng— tekaaa ang cute. Nakita ko naman si Seiji na hawak-hawak ang babaeng kamukha nya. Ang cute parang aso.
"Spade, first day pa lang nakikipag away ka na. Mahiya ka naman," si Seiji Araña na bumulong pa sa kapatid nya.
Bakit ko kilala si Seiji?
Well dakilang tanga kaya yan dito pero gwapo naman.Hoy hindi ako bakla ah.
Ganito kasi yan, lima kaming barkada. Ako, si Seiji, si Wynclein...
"Hoy cutie pie arat na!"
Makaalis na nga.
Heine's POV
Ikaw ba si hot? Ako kasi si dog. Facegram?
I'm Heine Atticus Uquia, the simp. Inaamin ko namang simp ako, pinaka gwapo nga diba?
"Hoy cutie pie arat na!" Tawag ko kay Saxum na nakatunganga kay Mirah.
Naglalakad kami ni Sax papuntang classroom namin, wala pang estudyante dahil siguro nandoon sa mga may nag-aaway.
Umupo kami sa may pinaka back seat para kita naman yung mga kaklase ko. Hindi ko naman sinasabing matutulog lang ako pero, sige na nga.
"Hi, is this seat taken?" Tanong ng mala—Heather?
"H-heather?" Tanong ko.
"Huh? Si Alyssah ako tanga!" Sagot naman nya. Binalewala ko nalang 'yon kasi may mapapala ba ako? Tss hindi naman ako simp. Okay I'm simping this girl.
"Okay class, I'm Miss Devina your new class adviser this year."
New school year but same level.
Spade's POV
Kasalukuyan akong nasa library dahil hinahanap ko yung book para bukas. Yung sa anatomy. Kanina ko pa hinahanap pero wala talaga. Maybe I need some reading muna about sa lesson kanina.
"Uy si Wynclein nandito daw."
"Uy ang gwapo pa naman nun."
"Pero I heard he's not the same anymore na."
"Really?"
"Oh my!"
Mga bulungan dito sa library dahil nandito daw yung, Wynclein? Takte sya yung delivery boy. Why kaya na he's not the same?
Patuloy lang ako sa pagbabasa ng may umupo sa harap ko. Hindi ko naman iyon inalintana dahil, ano bang pake ko?
I started taking down notes para may maaral ako mamaya. Sa kalagitnaan ng pag ta-take down notes ko nag vibrate yung cellphone ko.
>Seiji
Uy tanga labas na tayo, may dinner tayo with the Fascello. ;>Inayos ko na ang mga gamit ko nang may napansin akong kakaiba, parang familiar 'tong lalaking nakaupo sa harap ko.
Tiningnan ko siya pero parang ang seryoso nya sa binabasa nya. Nakatingin lang ako sa kanya, I memorized his veined hands.
The moment he put down the book he's reading, there I saw a piercing eyes. His long jet black hair, his pointed nose, his brows, his lips with a ring piercing on it, and his mole sa mata nya.
"I heard nakipag-away ka sa ex ni Lhyl kanina," natauhan naman ako dahil bigla syang nagsalita.
"L-lhyl?" Utal kong tanong.
"Be careful with the bad boy."
——
Follow me on Twitter and use the hashtag #KabilangBuhayTwitter acc: @ohkizziekizbot
BINABASA MO ANG
Kabilang Buhay
Teen FictionSpace Deane Araña is a pabibo girl sa kanilang academy, she's seventeen, grade ten. Suplada, walang kaibigan, at spoiled brat. Lahat nalang na bad image nasa kanya. Explore her story at seventeen with a chinito prince. Will they write their own des...