1

43 2 0
                                    

"Akin na yan Erin, jombag ka sakin pag inabutan kita." Bwiset tong Erin na to kinuha nanaman ang notes ko sa Math. Palibasa walang masagot!!!!

Inabutan ko si Erin at pinag sasabunutan ko sya habang kinukuha ng isa kong kamay ang notebook ko.

"Letche, di man lang muna ko pakopyahin. Ang damot mo talaga Dev." She said and I just made a face to her.

Nga pala, my name's Daeviel, people use to call me Dev. I'm seventeen at hindi po ako katangkarang babae, five eight lang po ako.... First year college na ko pero ugali ko pang highschool pa rin.. Di parin kasi ako makaget over sa buhay highschool eh, lahat naman siguro ng first year college eh relate sakin. Anyway, tong kasama kong bitch e si Erin, she's my bestfriend since kindergarten kaya kung mag sakitan kami neto wagas.

Pauwi na kami ngayon at sa kamalas malasan nakasalubong ko pa ang tatay ko...

"Dev, uwi ka na sa bahay... Namimiss ka nanamin ng mommy mo." Mommy pinag sasabi mo? Baliw! Patay na si mommy, two years ago! And yes, wala na si mudra.

*flashback*

Kakauwi ko lang galing ng school ng madatnan kong may ambulance at police car sa tapat ng bahay namin. I ran off para tignan kung anong nangyayari..

"Dad? What happened?" Tanong ko kay dad pero hindi sya nasagot. Nahagulgol lang sya. I'm thinking na hindi naman siguro kami pinasok ng masasamang loob dahil hindi naman magulo ang bahay. Lumakad ako kung saan nag kukumpulan ang ilang police officer at napa hawak ako sa bibig ko ng makita ko ang maputlang si mommy na nakahandusay sa floor ng washroom namin.

"MOM!!!!" Pinipigilan ako ng mga pulis na pumasok sa washroom namin.

"Maam pasensya na po pero hindi po kayo pwedeng pumasok" Harang sakin ng isang pulis.

"What the hell happend to my mom?! Answer me?!" Galit na galit kong tanong sa police.

"Ayon po sa imbestigasyon, may hawak po na bote ang mommy niyo ng madatnan namin siya. Maam lason po ang naging dahilan ng pagkamatay ng mommy niyo. Sorry maam pero kailangan ko na pong umalis". Matapos kong marinig ang paliwanag ng police ay napaupo ako at halos magunaw ang mundo ko.

I miss my mom. I love her, but unfortunately hindi ko yun naparamdam sa kanya and I felt guilty.

*end of flashback*

"Dad? Are you loosing your mind?! Mom's gone. You're drunk again go home." Hinila ko si dad at dinala sa parking lot.

Tinawagan ko si manong Ed driver namin. "Hello manong Ed? paki sundo si Daddy dito sa school, Salamat".

Inantay namin dumating si manong Ed at umalis narin kami kagad. Iisa lang ang bahay namin ni Erin. Mabait naman ang parents ni Erin kaya hinayaan na kong tumira sa bahay nila.

"Dev, bakit hindi mo kausapin ang Daddy mo. He needs you, tingnan mo naman dalawang taon na ang nakakalipas pero hindi parin siya nakakamove-on sa pagkamatay ng mommy mo". Pag aalok ni Erin sakin.

"Erin, nadala na ako. Dad almost kill me nung tinry ko siyang icomfort bout mom. He's just out of his mind ok?" Paliwanag ko kay Erin.

"Advice lang naman loka! Magdadrama ka nanaman eh! haha". Tuwang tuwa pa siya habang binabatukan niya ko.

Hinawi ko ang kamay niya. "Ano ba Erin masakit kaya! Matulog na nga tayo!" sabay hampas ko ng unan sa kaniya.

~

" Dev!" Teka boses yun ni Mommy!

"Mommy?? Mommy nasan ka? Mommy!" Sigaw ako ng sigaw dahil wala talaga akong makita. Sobrang dilim, puro itim lang ang nakikita ko sa paligid.

May nakakasilaw na liwanag ang parang papalapit sakin.

"Mommy?" Ang nakakasilaw na liwanag and I think si mommy un.

Hinawakan niya ang mukha ko at may tumulo na luha mula sa mga mata niya. "Anak, miss na miss na kita". Sabi ni Mommy habang hinihimas ang mukha ko.

"Mommy, patawarin mo ko. Mommy mahal na mahal kita". Pagkatapos ko sabihin yun ay yinakap ko siya ng mahigpit.

"Mommy loves you too... Anak kukunin ka na niya..." Huling sinabi ni Mommy bago siya mawala.

"Niya?.. Mommy sino siya? Mommy" Sinubukan kong hanapin pa siya kahit madilim pero wala talaga.

~

"Dev!! Gising ano ba?! Late na tayo oh!" galit na galit na sabi ni Erin. Binilisan ko na ang kilos kahit gulong gulo pa ako sa panaginip ko.
.
.
.

Sino kaya un?

Daeviel, the devil.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon