Unfriend you

6.5K 166 7
                                    

By: Aya_Hoshino

"Ano ba ang gusto mong mangyari?" tanong sa akin ni Jonas.

"Gusto ko na sabihin mo sa akin kung bakit tatlo ang boyfriend ko?"

Muli ay tumawa na naman ng malakas ang mokong. Parang nakakahiligan ko na tuloy na magpatawa  ng madalas para lang marinig ko ang malulutong niyang tawa.

"Hindi ko alam! Hindi naman ako ikaw. Bakit nga ba Jinri?" Tiningnan niya ako ng nang-uusig na tingin.

Haaaaayyyy!!! Kaya ko nga siya tinatanong kasi hindi ko rin alam. -_-

"Wala ba akong nabanggit sayo noon kung sino sa kanilang tatlo ang pinaka-minahal ko? Sigurado akong meron, imposible namang sinagot ko lang sila just for fun."

Nagtatanong din ang mga mata ni Jonas ng tumingin siya sa akin kaya mabilis akong umiwas sa nakatutunaw niyang tingin.

"Alam mo Jonas, sigurado akong yung huling boyfriend ko ang minahal ko." Nasabi ko para may mapag-usapan lang.

"Pano mo nasabi yan Jins?"

"Kasi di bah, hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo yung una?" Panay pa ang kumpas ko sa aking kamay habang nagpapaliwanag.

"So ngayon sino sa kanila ang huling naging boyfriend mo?"

Nagulat ako sa tinanong niya. "So hindi mo rin alam kung sino sa kanilang tatlo ang huling naging boyfriend ko? Kahit yung una? o Pangalawa? Sino Jonas? Sino?"

Labis na akong nababahala sa takbo ng pangyayari.

Gulong-gulo maging ang isip ni Jonas. "Hindi ko rin alam!"

"Pano nangyaring hindi mo alam? Akala ko ba bestfriend kita?"

"Ang totoo Jinri, yun din ang akala ko nung una. Hanggang sa bago ka maaksidente."

"Tell me Jonas, nag-away ba tayo bago ako naaksidente?"

Napansin ko ang malalim na paghugot niya ng hininga bago magsalita. "Tatlong buwan na mahigit ng tumigil ka na kaibiganin ako." Pag-amin nito.

"Ano!? Papano nangyari yon? Kung hindi na kita tinuturing na kaibigan bakit sabi nina mama at papa na-"

"Hindi kasi nila alam na nag-away tayo noon. We use to be close since high-school. Ako lang ang kaibigan mo."

"Isa pa yan na pinagtataka ko. Bakit ikaw lang ang kaibigan ko at kaibigang lalake pa? Bakit wala akong kaibigang babae?"

"W-wala... walang ibang dahilan. Mas gusto mo lang mag-hang-out kasama ang mga lalake, yun lang!"

Pero hindi ko mapigilang magduda sa kilos ni Jonas. Alam kong may inililihim siya sa akin at aalamin ko yon.

Haaayyy... Mukhang kailangan ko pang interviewhin isa-isa ang mga lalakeng yun para malaman ko ang katotohan.

Kaya hiniling ko na lang kay Jonas na sabihin sa akin ang ilan sa mga nalalaman niya gaya ng kung ano ang address ng mga nagpakilalang mga boyfriend ko.

Habang binabaybay ang eskinita papunta sa bahay ni Keith ay nag-usap kami ni Jonas.

"Jonas, kung ano man ang dahilan kung bakit tumigil akong kaibiganin ka noon... sigurado akong wala lang yun. Nararamdaman ko sa puso ko na gustong-gusto kitang maging kaibigan kahit minsan may pagka-suplado ka."

Ngumiti siya sa akin at nagsalita. "Alam ko! Kaya nga pumunta pa rin ako sa ospital at nagpakilalang kaibigan mo kahit sinabi mo nang ayaw mo na akong makita."

Biglang huminto si Jonas sa harap ng isang bahay na asul ang pintura. "Andito na tayo Jinri, ito na ang bahay ni Keith. Ikaw na lang ang pumasok, dito lang ako sa labas.

Isang tawag mo lang at papasok agad ako sa loob. Kapag ginawan ka niya ng masama tawagin mo lang ang pangalan ko."

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Biro ko sa kanya.

Muli ay nagtagumpay na naman akong patawanin siya sa mga hirit ko. Tinapik niya ang ulo ko na parang nagtatapik lang ng bata at sinabing "Paalala lang may amnesia ka, hindi alzheimer."

Hindi ko napigilang tumawa ng malakas sa mga kalokohan namin.

Tumingin ako sa gate at huminga muna ng malalim bago pinindot ang doorbell.

Nang bumukas ang gate ay bumungad sa akin ang isa sa mga nag gwa-gwapuhan kong nobyo... si Keith.  ^_____^

#MyThreeBoyfriendsI

MY THREE BOYFRIENDS I (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon