Lynus - The Musician

5.2K 150 3
                                    

By: Aya_Hoshino

Sunod naming pinuntahan ni Jonas ay ang bar kung saan tumutugtog ang isa ko pang boyfriend na si Lynus.

Dahil nasa stage pa si Lynus ay nagkaroon ako ng pagkakataong interogahin muna si Jonas.

"Magkaklase ba tayo nung elementary Jonas?"

Sumilay ang ngiti sa gwapong mukha ng besfriend ko. "Oo! Nakakaalala ka na?"

"Tanong kasi yon." -_-

Sumimangot ito na parang bata. "Akala ko naman! Pero kung sakaling may maalala ka na kahit maliit na detalye lalo na sa atin ay sana sabihin mo sa akin."

"Sa atin? Bakit? Naging tayo ba?" Biglang tumambol ng malakas ang puso ko habang hinihintay ang kanyang sagot.

"Hindi! Ano bang kabaliwan iyang naiisip mo?" Nag-iwas siya sa akin ng tingin.

"Bakit Jonas, wala ba talagang chance na maging tayo?" Nalulungkot kong tanong sa kanya.

"Lilipat lang ako sa ibang table, palapit na kasi si Lynus. Kausapin mo na muna siya." Biglang saad nita.

Alam kong umiiwas lang siya sa tanong ko at yon ang ikinalungkot ko.  :((

"Your here babes, does it mean na ako ang pinili mo?" Tanong ng kalalapit lang na si Lynus.

"Ahhhhmmm.... ang totoo Lynus ay hindi ko pa rin matandaan kung pano at saan kita nakilala." Pag-amin ko sa kaniya.

"Ganun ba? Halika, sumama ka sa akin at ipapaalala ko sayo."

Hinawakan niya ang kamay ko at itatakbo na sana niya ako palabas ng bar ng bigla siyang harangin ng matipunong katawan ng bestfriend kong si Jonas.

"Saan mo siya dadalhin?" Matigas ang boses at tila nagbabanta si Jonas.

"Hanggang ngayon ba naman Jonas ay epal ka pa rin? Pare! hamak na besfriend ka lang! ako yung boyfriend kaya pwede ba tumabi-tabi ka muna diyan?" Maangas na saad ni Lynus.

"Isa sa tatlong boyfriend pare kaya wag kang magyabang! At hindi ako tatabi magkamatayan man hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung saan mo siya dadalhin!" Sumigaw na ng malakas ang bestfriend ko kaya namangha talaga ako.

Parang action star ang jowa ko! este! bestfriend ko pala. :3

Kaya walang nagawa si Lynus kundi ang umamin. "Sa studio! Kung saan kami nag di-date noon."

Pagkatapos nun ay hinayaan na niya kaming dalawa na makaalis ng bar.

Nalungkot ako kasi hindi man lang niya ako nagawang pigilan.

"Hindi ba siya susunod sa atin?" Nalulungkot kong tanong habang nakatingin sa side-mirror ng kotse ni Lynus.

"Si Jonas ba ang tinutukoy mo Jinri? Susunod yun! Noon pa man ay hindi ka na natitiis nun. Palagi ngang nakabuntot ang mokong na yun eh kahit may syota na.

Naku! Kung wala lang talagang syota yung gunggong na yun ay iisipin ko talaga na kayo."

"May- may syota na si Jonas?" Napamaang kong tanong.

"Wala ka nga palang maalala noh? Oo meron, at kahit andun yung syota niya ay over pa rin sa kakabantay sayo." Saad ni Lynus habang nagmamaneho.

"Alam ba niya kung saan tayo pupunta Lynus?"

"Syempre! Kaming dalawa ang DJ noon sa studio kaya alam na alam niya ang lugar na yon."

Huminto kami sa harap ng isang malaking building. Nang nakapasok na kami sa studio ay ginagap niya ang kamay ko at nagsalita. "Alam mo, palagi kang pumupunta noon dito sa studio para dalawin ako. Palagi mo pa nga akong dinadalhan ng tanghalian."

"Palagi?"

"Oo palagi, ni minsan ay wala kang palya sa pagpunta dito kahit pa holiday."

"Ganun pala kita kamahal?" Di ko makapaniwalang tanong.

He smiled at me. "Oo, ganun mo ko kamahal at ganun din kita kamahal kaya kahit pinagsabay mo kaming tatlo ay handa pa rin kitang patawarin."

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita "Siguro nga mahal na mahal kita pero kailangan ko pa ring pakinggan ang panig ng isa pang nagpakilalang nobyo ko. Sana maintindihan mo ako."

"Oo Jinri naaiintindihan ko. Maghihintay ako hanggang sa maalala mong ako talaga ang mahal mo."

"Isang tanong pa Lynus, may paborito ba akong kanta noon?"

"Oo. Palagi mo tong ni-rerequest na patugtugin ko sa cd pero this time kakantahin ko sayo gamit ang gitara ko."

Nagsimula nga siyang kumanta, isang kanta na kilalang-kilala ng puso ko... <3

ang kantang YOU WERE THERE.

I guess you've heard, I guess you know

In time I might have told you, but I guess I'm too slow.

It's overly romantic but I know that it's real

I hope you don't mind if I say what I feel.

It's like I'm in somebody else's dream,

This could not be happening to me.

[Chorus:]

But you were there, and you were

everything I'd never seen.

You woke me up from this long and endless sleep.

I was alone.

I opened my eyes and you were there.

Don't be alarmed, no don't be concerned.

I don't want to change things

leave them just as they were.

I mean nothing's really different

It's me who feel strange.

I'm always lost for words when

someone mentions your name.

I know that I'll get over this for sure

I'm not the type who dreams there could be more.

Can I take your smile home with me,

or the magic in your hair?

The rain has stopped, the storm has passed

Look at all the colors now the sun's here at last.

I suppose that you'll be leaving but I want you to know

Part of you stays with me even after you go.

Like an actor playing someone else's scene

This could not be happening to me.

But you were there, and you were

everything I'd never seen.

You woke me up from this long and endless sleep.

I was alone.

I opened my eyes and no, no,I'm not alone, no, I'm not alone.

I opened my eyes and you were there.

Nang matapos na ang kanta ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kahit si Lynus ang kumakanta kanina ay ibang tao ang nasa isip ko...   :'((

#MyThreeBoyfriendsI

MY THREE BOYFRIENDS I (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon