The Revelation (Finale)

6.7K 173 43
  • Dedicated kay Ruvilyn
                                    

By: Aya_Hoshino

What is it this time? Ano naman ngayon ang rason kung bakit ko naging nobyo si Xander at balak ko pang pakasalan?

Bakit? Dahil ba nagbabalak din si Jonas na magpakasal kay Cara kaya ganun na lang ang galit ko sa kanya?

Kaya ba ayaw ko na siyang makita at nagpasya na lang na magpakasal kay Xander?

Yun nga ba ang huling nalaman ko kaya ako nadisgrasya? o nadisgrasya nga kaya ako?

Pano kung binalak ko talagang magpatiwakal?

Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kaiisip pero kailangan ko nang malaman ang katotohanan para matahimik na ako.

Upang makapag-relax sandali ay kinuha ko ang mp5 ko at nag-search nang kanta. Kakatuwa na isa lang ang kantang naka-save doon at nang pakinggan ko ay YOU WERE THERE pala.

Habang nakikinig ay pumunta naman ako sa photos at tiningnan ang napakarami naming larawan ni Jonas. Para tuloy akong nanonood ng slide-show na may background music.

Tama nga ang hinala ko noon, ang kantang yon ay theme song namin ni Jonas at marahil ay kaya ko palaging nirerequest kay Lynus ay para mapakinggan din ni Jonas at pahapyaw na maipadama ko sa kanya na mahal ko siya.

Laking gulat ko ng sumulpot bigla ang bestfriend ko sa terrace at sumenyas na sumunod ako sa kanya sa may bubungan. At para bang may sariling buhay ang mga paa ko at alam na alam kung paano umakyat doon.

Humiga ako sa tabi ni Jonas at nagtanong. "Madalas ba nating gawin ito noon?"

"Oo. Alam mo Jinri,  kung hindi ka nagka-amnesia ay baka hindi ko nalaman ang tungkol sa banner at tungkol sa lunch box.

Ang tanga-tanga ko para hayaang maibigay sa iba ang mga bagay na dapat  pala ay para sa akin. Kaya ngayon, hindi na ako mangingiming kunin ang para sa akin."

Hindi ko talaga inasahan ang sumunod na mga nangyari. Nung angkinin niya ang labi ko, pakiramdam ko ay high-school pa lang kami ay pinanabikan ko na ang eksenang yon.

Pareho kaming nailang pagkatapos ng naganap kaya idinaan ko na lang sa biro. "Madalas din ba nating ginagawa ito noon Jonas?"

"Ako lang, sa panaginip ko lang Jinri kita nahahalikan."

Sabay kaming nagtawanan sa sinabi niya. 

"Jonas bakit si Cara? bakit hindi ako?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya.

"Mahal kita Jinri... pero si Cara ang gusto ko noon."

Ito ang mga salitang nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko noon at ngayon. "Bakit Jonas? Bakit mas ginusto mo si Cara? Ano ba ako dati?"

"Maarte ka na mula pa nung elementary tayo. Masama ang ugali mo kaya wala kang kaibigan. Marami kang inaping tao at ginawan ng hindi maganda. Hanggang sa high-school ay dinala mo pa rin ang ugaling iyon.

"Ganun ako kasama?" Nagulat kong tanong.

"Oo, para ka ngang kontrabida noon sa mga teen-series. At higit sa lahat ay sinungaling ka pa Jinri." 

"Kaya ba hindi ka agad naniwala noon na may amnesia ako?"

"Ang totoo ay oo." Sagot naman niya.

"Bakit ka nakakatiis sa akin Jonas?"

"Kasi mabait ka naman sa akin."

Medyo nalungkot ako dun sa sinabi niya. "Siguro kaya sayo lang ako mabait kasi gusto kita."

Tumawa si Jonas at  tumingin sa akin. "Para mong binubuking ang dating ikaw ah. Ibang-iba ka na talaga ngayon Jinri."

"Panong iba?"

"Siguro dahil inosente ka na."

"Bakit Jonas ano ba ako dati?"

"Ang dating Jinri kasi ay mahirap mapaamin kahit mamatay pa siya hinding-hindi sasabihin nun na mahal niya ako kasi ma-pride siyang tao at..."

"...at ano pa? Yung totoo sabihin mo na yung totoo." Naiinip kong tanong.

"Mukhang pera."

"Ako mukhang pera!?" Pag-uulit ko dun sa sinabi niya.

"Oo, mahilig ka sa mamahaling bagay kaya nga nanghihinayang ako noon sayo. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako iibig sa isang babaeng kagaya mo dahil kailanman ay hindi ko kayang ibigay ang mga luho mo."

"Kaya pala mas pinili mo si Cara..." :'((

"Oo. Pinili kong mahalin si Cara kasi ideal girlfriend siya eh. Pero habang tumatagal lalong lumulutang ang pagmamahal ko sayo sa kabila ng kasamaan ng ugali mo."

"Yan marahil ang mga nalaman ko kaya kita sinabihang wag nang magpakita pa sa akin Jonas."

Napapatingala si Jonas sa langit. "Marahil ay ganun na nga."

"At dahil siguro nasaktan ang aking pride kaya tinanggap ko ang proposal ni Xander."

Nakipagtitigang muli sa akin si Jonas at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. "I'm sorry Jinri, akala ko talaga play girl ka. Natanggap ko naman kalaunan na masama ang ugali mo, pero nung malaman ko na pinagsabay mo silang tatlo ay hindi ko na nakayanan.

Pero hindi ko alam na ako pala ang dahilan kung bakit mo sila naging boyfriend. Inakala ko rin na kaya ka magpapakasal kay Xander ay dahil pera niya lang ang habol mo."

"So ang pinag-ugatan ng lahat ng ito ay ang masama kong ugali?"

"Pero Jinri gusto na kita ngayon kahit ano o sino ka pa. Hiniwalayan ko nga si Cara in a hope na pwede pa akong maging number four mo."

"Nagpapatawa ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro Jins? Kung namatay ka dun sa aksidente hindi ko talaga kakayanin kaya pinangako ko talaga sa sarili ko na magising ka lang at gagawin ko ang lahat para mapaibig ka.

At mas lalo pa kitang inibig nang makita ko ang inosente mong side.

Para ngang magic eh! nagising ka and you turned out to be the girl I always wished you were."

"Sa tigin ko Jonas kaya ako nagkaganito kasi ginusto kong magbago.

Sabi mo kasi di ba na ayaw mo sa mga babaeng tulad ko at yun marahil ang sumiksik sa utak ko bago ako ma-aksidente kaya nang magkamalay ako ay nabura na lahat ng kasamaan ko, kaso tinangay din nun pati ang pinaka-huling alaala ko.

Pero ayos lang... atleast alam ko na ngayon kung alin ang tama at mali."  

Tiningnan ako ni Jonas ng nagdududang tingin. "Talaga? Kung ganun anong mga nalaman mong tama at ano namang mali?"

Seryoso ko naman siyang sinagot."Ang tama ay ang aminin ko sa sarili ko na mali ako. Mali na maging masama ako sa ibang tao, mali na pinagsabay ko yung tatlo at mali na hindi ko inamin sayo na ikaw ang totoong mahal ko. Jonas, pwede mo ba akong tulungang itama ang mga kamalian ko?"

"Oo naman! Saan tayo magsisimula?" Tanong naman niya.

"Magsisimula tayo sa paghingi ko ng tawad sa mga EX-boyfriends ko." :))

Dahil sa mga sinabi ko ay lumapad ang ngiti ng boyfriend ko... ang nag-iisa kong boyfriend na si... JONAS.  :*

-END-

Abangan po ang part2 ng pag-iibigan nina Jinri at Jonas at ng tatlo pa niyang boyfriend sa MY THREE BOYFRIENDS II. Magpapakilala na po si Cara (Kim Na Na) !! ^____^

Writer's note:

Credit goes to my three boyfriends namely Keith, Lynus and Xander. Salamat sa inyo guys! Kung Hindi dahil sa inyo ay hindi ko malalamang si Jonas pala talaga ang mahal ko... Kayo ang naging hagdan na inapakan ko para marating ko ang tuktok kung saan naghihintay sa akin ang first and last love ko na si Jonas... <3 

#MyThreeBoyfriendsI

MY THREE BOYFRIENDS I (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon