Xander - The Rich boy

5.2K 144 4
                                    

By: Aya_Hoshino

Bago pumunta sa mansyon ng panghuli kong boyfriend ay tinanong ko muna ang mama ko kung palagi nga ba akong nagbabalot noon ng pagkain.

"Oo hija, natataandaan ko pa nung mga first year high-school ka pa noon ay araw-araw kang nagluluto ng pagkain para kay Jonas."

"K-kay Jonas? Tama ba ang narinig ko mommy para kay Jonas?" Biglang bumilis ang pintig ng puso ko.

"Oh well yun ang sinabi mo sa akin. Nagtataka nga ako kasi palaging marami ang binabalot mo eh si Jonas lang naman ang pakakainin mo.

Ang sabi mo naman ay may mga kasamahan siya doon sa studio. Eh nakakahiya naman kung si Jonas lang ang binibigyan mo."

Nasapo ko ang noo ko sa sobrang pagkabigla kaya nag-alala ang mommy ko sa akin at agad niya akong pinaupo at pinainom ng tubig.

"Aalis ka pa rin ba anak? Wag na lang kaya muna kasi mukhang namumutla ka oh."

"Hindi mommy, nalalapit na ako sa pagtuklas ng katotohanan kaya hindi ito pwedeng ipagpabukas pa kasi hindi ako matatahimik kapag hindi ko malaman ang totoong dahilan ng pagkakaroon ko ng tatlong nobyo and what was Jonas have to do with all these things.

Bakit palaging nauugnay ang pangalan niya sa mga boyfriends ko?"

"Kasama mo ba si Jonas?"

"Opo mommy."

"Kung ganon ay hindi na ako nag-aalala. Alam mo nalungkot talaga kami ng daddy mo ng sabihin mo sa amin na pag-graduate mo ng college ay magpapakasal ka na kay Xander. Tsk2x! Akala talaga  namin ay kayo na ni Jonas ang magkakatuluyan.

Gustong-gusto kasi namin ang batang iyon kasi mas kilala namin siya. Pero pinagpipilitan mo kasi ang Xander na yon at sabi mo pa na kapag nakilala namin siya ay magugustuhan din namin siya kaya wala kaming nagawa ng papa mo."

"Nakilala nyo ba ng personal si Xander mommy?"

"Hindi pa anak, yung sa ospital pa lamang ang unang beses na nakita namin siya. Kahit kami ng papa mo ay nagulat sa pagsulpot ng dalawa pa."

Bago maging controversial na naman ang pag-uusap namin ng mama ko ay umalis na ako at nagtungo kay Xander nang mag-isa.

"Ikaw nga ba ang fiance ko?" Tanong ko nung sa wakas ay magkaharap na kami.

"Ako nga Jinri, kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit naghanap ka pa ng iba. Asan na ang mga pinlano nating bahay at mga anak? Pano mo nagawa sa akin yun?" May hinanakit ang paraan ng pagtingin niya sa akin.

Napaiyak tuloy ako sa mga sinabi niya. Nakakaramdam ako ng guilt pero hindi ko alam kung bakit. Basta pakiramdam ko ay napakalaki ng pagkakasala ko sa taong ito.

"Xander, I really have no idea what is happening. Hindi ko alam kung pano at bakit kayo naging tatlo sa buhay ko.

Sa pagsisiyasat ko mukhang lahat naman kayo ay mabubuting tao kaya nahihiya ako sa nagawa ko.

Hindi ko rin maintindihan kung paano ko kayo nagawang lokohin ng ganito. I'm so sorry..." Hindi ko na napigilang mag-break-down sa harapan niya.

"Baka kaya ka nagka-amnesia ay dahil ayaw mong aminin sa sarili mo na tatlo kaming pinagsabay-sabay mo. Baka ayaw mong paniwalaang mali ka kaya binura mo na lang yon sa yong mga alaala!"

"Hindi.... hindi ko alam... wala akong alam..." I'm still in the process of breaking down ng bigla akong hablutin ng mahahabang kamay.

"Halika umuwi na tayo! I told you not to come here without me!" Ma-awtoridad na sabi sa akin ni Jonas.

"Jonas, ang dakilang bestfriend!" Saad ni Xander sa malaking boses.

"Itigil mo na to Xander, hindi ito makabubuti kay Jinri."

"At ano ang makabubuti para sa kanya Jonas? Ang kalimutan na lang ang kanyang nakaraan para hindi na niya maalala ang ginawa niyang pagtaboy sayo noon?"

Hinablot ako ni Jonas pero hindi ako nagpadala dahil gusto kong magpaiwan para marinig pa ang mga sasabihin ni Xander.

"Bakit mo pa siya kinakausap Jinri? Hindi mo na ba maalala kung paano mo siya pinaalis noon sa buhay mo?" Tanong sa akin ni Xander.

"Paano Xander? Sabihin mo kung paano?" Atat kong tanong.

Pero si Jonas ang sumagot at hindi si Xander. "Pinapili kita noon between me and Xander at pinili mo siya. Sabi mo pa na ayaw mo na akong makita kahit kelan. Masaya ka na?"

Nagsimula na namang mag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. "Pano nangyari yon? Kung hindi kita minahal bakit pangalan mo ang nakasulat sa banner.

Oo nga at Keith ang nakasulat doon pero nang suriin ko ulit ang banner ay halatang pinatong lang ang pangalang Keith sa pangalan mo."

"Totoo ba yan?" Tila naiiyak na rin ang tsinitong mata ni Jonas.

"Oo, kapag itatapat ko sa ilaw ang banner ay mababasa ko ang pangalan mo. Kahit puntahan mo pa sa bahay at tingnan mo mismo. At kung talagang hindi kita mahal bakit sabi ni mama na para sa iyo ang mga hinahanda kong lunch box noon?"

"Pero kay Lynus mo yun binibigay!"

"Siguro kasi may girlfriend ka na! Kaya ko siguro naging boyfriend si Lynus kasi... kasi gusto kitang makita at makasama araw-araw kahit may mahal ka nang iba." Naiiyak kong saad.

"Kaya ka rin ba nagtapat noon ng pag-ibig kay Keith sa harapan ng mga kaklase natin kasi ng araw na yon  ay niligawan ko si Cara?

Siguro magtatapat ka na sa akin nun kaso naunahan kita ng magtapat ako ng pag-ibig kay Cara sa student lounge.

Pinipilit kita noon na ipakita sa akin ang banner na ginawa mo pero sabi mo magbabanyo ka muna at pagbalik mo ay saka mo binuklat ang banner na nakasulat ang paghahayag mo ng damdamin kay Keith.

I'm sorry Jinri... hindi ko alam na mahal mo na pala ako ng mga panahong iyon. Napilitan ka tuloy kay Keith dahil sa akin."

"Now everything makes sense! at kaya si Keith ang pinalit ko sa pangalan mo ay kasi siya ang pinaka-madaling tandaan na pangalan kasi over-achiever siya.

Kasalanan mo to eh! Puro na lang Kasi Cara ang bukambibig mo!" Hindi ko napigilang magselos.

"Naaalala mo na?" Nagulat na tanong ni Jonas.

Kahit ako ay nagtaka din kung bakit ko nasabi yon. "Hindi pa rin pero pakiramdam ko lang na yun ang gustong sabihin ng dating Jinri."

Natigil ang bangayan namin ni Jonas ng mapaupo si Xander sa sofa.

"Bakit Xander?" tanong ko sa kanya.

"Kung naging nobyo mo lang yung dalawang nauna dahil kay Jonas... di kaya ay ganun din sa akin?"

Nasapo ko ang aking bibig at napaisip din ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya dahil anumang lumabas sa bibig ko ay maaaring pasakit lang ang hatid sa kanya.

"Alalahanin mo Jinri! Alalahanin mo!" Pamimilit niya sa akin.

"Hindi ko alam! Hindi ko talaga alam!"

Kinabig ako at hinapit ng malalakas na bisig ni Jonas at nagpatiunod na lang ako nang nagyaya na siyang umalis.

#MyThreeBoyfriendsI

MY THREE BOYFRIENDS I (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon