Keith - The Over-achiever

5.4K 157 5
                                    

By: Aya_Hoshino

"Bakit ka nandito? Natatandaan mo na ba ako?" pambungad na tanong ni Keith nang nakaupo na kami pareho sa kanyang sala.

"Ang totoo Keith ay hindi." Malungkot kong pag-amin.

"Bakit mo nagawa yon sa akin Jinri?! Akala ko ba ako lang ang mahal mo?! Kung di ka pa naaksidente ay di ko malalamang pinagsasabay mo pala kaming tatlo!" Galit na galit ang itsura ni Keith.

"Sorry Keith, ang totoo ay hindi ko rin alam. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko nagawa yon. Kaya nga ako nandito kasi gusto ko ring alamin kung bakit.

Pero dahil wala akong maalala ay gusto kong magtanong sayo ng ilang bagay na maaaring makatulong sa akin na magpa-alala."

"Anong gusto mong malaman?"

"Lahat-lahat ng tungkol sa atin. Kung kelan at kung pano tayo nagkakilala."

Ginagap niya ang kamay ko at nagsimulang magkwento.

"Nalimutan mo na ba kung pano tayo nagkakilala? Magkaklase tayo sa elementary Jinri. Hindi ko malilimutan ang graduation day natin dahil doon ka nagtapat sa akin sa harap ng maraming tao."

Natutop ko ang bibig ko. "Ano!? Nagawa ko yun?"

"Oo. Sinulat mo pa nga sa isang banner ang mga katagang I LOVE YOU KEITH. Kaya naman lubos akong natuwa sayo at dahil doon ay niligawan kita at di nagtagal ay sinagot mo naman ako.  Hindi mo ba talaga maalala?"

"Hindi Keith eh... pero siguro nga mahal na mahal kita kasi di biro yung mga ginawa ko para sayo. Pero kailangan ko pa ring pakinggan ang panig ng iba.

Pwede mo ba akong bigyan pa ng konting panahon? Gusto kong itama ang mga mali kong nagawa noon."

"Sige mahal, maghihintay ako hanggang sa maalala mo nang ako talaga ang mahal mo." Pagkatapos ay humalik siya sa palad ko at para akong kinilabutan.

Pagkalabas ko ng bahay ni Keith ay nandun pa rin si Jonas at naghihintay sa akin.

Natuwa ako nung makita ko siyang muli at mukhang ganun din naman siya sa akin.

Haaayyyy ang gwapo talaga ng bestfriend ko sayang nga lang at bakit hindi pa siya nanging isa sa mga boyfriend ko.

Kung nagkataon ay hindi ko na kailangan pang marinig ang panig ng lahat dahil agad na akong pipili kung sino sa tatlo ang matitira. :3

Minsan ay napapaisip ako na ang sarap naman ng buhay ko dahil matapos magising mula sa isang trahedya ay mayroon na akong instant tatlong nag gwagwapuhang mga boyfriend at isang ubod ng poging bestfriend!

Kaso masakit din pala sa ulo! (Facepalm)

Kinagabihan ay hinalukay ko ang mga gamit ko sa kwarto. Hinanap ko kung nasa akin pa ba yung props na banner ko sa elementary, yung may nakasulat na I LOVE YOU KEITH.

Napangiti ako nang makita ko nga ang banner na naka-preserba pa rin. Binalutan yun ng plastik kaya buhay na buhay pa rin ang kulay.

Marahil ay mahal na mahal ko nga si Keith para magtapat ng pag-ibig sa kanya sa harap ng maraming tao.

Napahinto ako ng mapansin ang umbok sa pangalang Keith.

Hindi! Hindi maaari!!!

May duda ako kaya kinumpirma ko agad yon. Itinaas ko ang banner at itinapat sa ilaw at tama nga ang hinala ko!

Tinapak lamang ang pangalang Keith sa banner.

Inilapit ko sa ilaw ang banner upang mabasa ang mga letrang halatang tinakpan at nagulat ako sa aking nabasa... JONAS. O___O

#MyThreeBoyfriendsI

MY THREE BOYFRIENDS I (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon