Chapter 5

51 0 0
                                    


"Poison frog ang mga yan" "Whatever! bastos na palakang iyon" at sabay na nag tawanan ang dalawa. at ng malapit na sila sa bahay ay nakita nilang madaming tao sa bakuran na nagkaka gulo. at may naka park na puting van. 

"Sinasabi ko na nga ba eh, si Aldrin!" naiinis na wika ni Chelsea. dito tayo sa may likod dumaan. may poso duon mag banlaw ka muna at ikukuha kita agad ng towel at mga damit" wika naman ni Rose. "Kasalanan niya ito!" gigil na sabi ni Chelsea. 

"Sinisi mo pa talaga ang tao" pigil tawang sambit ni Rose. "Humanda sa akin ang lalaking yan" pag dating nila sa may likuran ng bahay sa may poso sa saktong bobombahin palang ni Rose ang poso para lumabas ang tubig ay, "O' anong nangyari dito? ma'am, ikaw bay an ha?" nakita na sila ni Aldrin. at bistado na ang dalawa. biglang nag tinginan ang dalawang dalaga. sa hitsura ba naman ni Chelsea eh parang taong grasa.

 "Aldrin? ikaw nga. artista nga!" natatawang wika ni Rose. "Tubig Rose dali, nangangati na ako sa putik" wika ni Chelsea. biglang natawa ng malakas itong si Aldrin na ikina bigla naman ng dalawa. 

"Ano bang nangyari sa inyo ha? nag laro yata kayo sa bukid o nahulog ka ma'am sa pag sakay mo ng kalabaw?" biglang napa tawa itong si Rose sa sinabi ni Aldrin. hindi na muna kumibo itong si Chelsea, habang dali daling nag babanlaw ng katawan mula ulo hanggang paa. "O' sandali lang ma'am, picture muna sana kita" pabirong pang iinis pa ni Aldrin. 

"Sige maiwan ko na muna kayo. sa banyo kana maligo Chelsea. kuha kita ng twalya" nangingiting wika ni Rose. si Aldrin naman ay marahang lumalapit kay Chelsea na nangingiti pa. bigla na lamang siyang binasa ni Chelsea ng tubig sa mukha. natigilan itong si Aldrin at napa titig kay Chelsea. 

"Anong ginagawa mo dito Aldrin? hindi ba't nag usap na tayo sa phone? im on leave. naka vacation leave ako. bakit mo pa ako pinuntahan dito ha?" "Gusto sana kitang maka usap in person ma'am. maka bonding naman. maki join sa vacation mo?" "Are you crazy? pati sarili kong lakad nakiki salo ka pa? kasalanan mo din itong nangyari sa akin kaya ako na aksidente. bigla bigla ka na lang kasing susulpot kaya't nag madali kaming umuwi" "Im, im sorry ma'am. hindi ko naman alam at sinasadya" 

"Pahamak ka naman" at tila dinarandam ni Chelsea ang sakit at pilay sa kanyang kanang paa at tagiliran. "Dahan dahan ma'am tulungan na kita" At hinayaan na lamang ni Chelsea na tulungan siya ng binata. ina alalayan siyang mag lakad patungo sa loob ng bahay sa may pintuan sa likod. napansin ni Chelsea sa malayo pa lang ay naka tingin sa kanila itong si Rose na halos nanunukso pa at natatawa sa kanilang dalawa ni Aldrin.

 naiinis na lamang itong si Chelsea at wala rin siyang magagawa pa. naligo na muna ito at nag bihis na habang nag hihintay pa sa kanya ang dalawa na nag mimiryenda sa sala. "Mabuti naman at nagsi alisan na mga tao dito kanina. sabagay mababait mga tao dito. at siya nga pala, mabuti at natunton mo kami ng manager mo dito.

 paano mo nalaman ang kinaroroonan namin?" "Pinilit ko lang ang handler namin. nag tanong tanong ako. syempre, sa bawat baryo na napag tatanungan ko ang mga tao eh nag kakagulo at nag papa picture at autograph hanggang sa may nag guide sa akin dito" "Ganun ba, mabuti naman. pero delikado din ang ginawa mo.

 lalo na at ikaw lang ang mag isa" "Yun na nga" "At buti din alam mo kaming nasa backyard kanina?" "May naka kita sa inyo kaya ako na mismo lumapit. oo nga pala, paano na disgrasya si ma'am? nangingiting tanong ni Aldrin.

 "Nung nalaman nga namin na nandyan ka eh, dali dali kaming nag sisi takbo. eh nadulas si Chelsea sa pilapil, tumilapon sa dumi ng kalabaw" "Anong dumi ng kalabaw!" pa biglang tanong ni Chelsea at sabay na humalakhak sa kaka tawa sina Rose at Aldrin. "Ay sorry, nandyan ka nap ala Chelsea. pinapa tawa ko lang si Aldrin. 

wala na kasi akong alam na ikukwento eh" "Ikaw Rose ha, binebenta mo na naman ako kay Aldrin" "Hindi naman ma'am, wag ka ng magalit. may masakit pa ba sa iyo ma'am?" "Meron at marami pa Aldrin" sabay upo sa tabi ni Rose na pa ika ika pa. "Baka napilayan ka Chelsea, pa tingin na natin yan sa doctor" 

My Manager's note: WORK OR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon