Chapter 6

46 0 0
                                    


"Detalyado ba Rose?" bulong ni Chelsea. "Garantisado" sagot naman ni Rose. "Mamili ka Rose, saan mo gustong tumabi? sa kanan ni Aldrin, o sa kaliwa ni Aldrin?" "What? Chelsea? hindi kita maintindihan" at sabay na nag tawanan ang dalawa. biglang natigilan itong si Aldrin sa kanyang ginagawa at nakita niyang nasa malapit lang pala niya ang dalawa. at binate niya ang mga ito at nakiki tawa na rin sa kanila. 

"Mamaya na natin review ang mga pictures" bulong ni Chelsea at nilapitan na nila ang binata. para tulungan sa pag tabi ng mga nasibak niyang mga kahoy. kina gabihan ay habang nag hahanda ng hapunan ang dalawa ay nag pu push up itong si Aldrin sa loob ng kwarto. "Aldrin kain na tayo" tawag ni Rose sa kanya. pag dating ni Aldrin sa kusina ay, "Wow. ano bang ulam natin? mukhang masarap ha" at nakita nga niya ang kanilang uulamin. inihaw na isda, sawsawan na kamatis at talbos, inihaw na talong at ang bagong lutong ginataang kuhol na may sitaw at kalabasa. nanlaki ang mga mata ni Aldrin.

 "O' Aldrin, maupo ka na. mahirap mang huli ng manok na native dito. mailap at kakatayin pa. kaya ang ulam mo heto, ginataang kuhol" wika ni Chelsea. naupo na itong si Aldrin na patuloy pa rin naka tutok ang kanyang mga mata sa mga naka hapag na kainan. "Kumakain ka ba niyan Aldrin? kuhol?" "Oo naman Rose, kumakain siya. masustansya kaya yan hindi ba Aldrin? pinukpok ko na lahat sa dulo ang mga yan para higupin mo na lang o sungkitin ng tinidor ang laman sa loob ng shells nito. at ito'y reach in minerals ai iodine"

 "Go, go Aldrin!" cheers naman nitong si Rose. "Oo naman, nasa province tayo eh. at wala sa city" pag mamayabang na wika ni Aldrin. sa sandaling ginanahan naman sa pag subo at pagkain ng kuhol itong si Aldrin. "Sarap naman ng pagkaka  luto nito. tamang timpla" wika ni Aldrin na sinusungkit ng tinidor ang laman ng kuhol. 

"Talaga? syempre ang manager mo ang nag luto niyan para sa iyo" "Wow, talaga ba ma'am, talented ka talaga ha. thank you" "Welcome, at maliit na bagay lang yan" "Pwede ka ng mag asawa niyan Chelsea, hanap mo nga ng ma papangasawa itong manager mo at ng maputol na ang kanyang kasungitan" pangungutyang biro ni Rose na nangingiti pa. 

"Tumigil ka nga Rose. madali lang akong maka hanap. at im enjoying my life now, my career and being single" biglang natawa ang dalawa kay Chelsea. "O' Bakit? bat naman kayo natawa? may mali ba sa sinabi ko?" nag tinginan ang dalawa at, "Nothing ma'am, sa dating mo kasi ngayon, mahirap kang ligawan. daig mo pa ang principal sa school" biglang natawa itong si Rose.

 "Grabe ka sa manager mo ha Aldrin" "Im just kidding ma'am, wag kasing masyadong serious" "Hindi naman ako pikon. and no love life? no problem" "Aldrin, baka naman?" pabirong wika ni Rose. "Baka naman ano?" tanong ni Aldrin. 

"Baka naman pwede mong ligawan iyang si manager mo?" natatawang sagot ni Rose. nag tinginan sina Chelsea at Aldrin. tila nag niningning ang mga mata ni Aldrin sa kanya. "Bakit ka ganyan maka tingin sa akin Aldrin?" 

"In love na sa iyo Chelsea" sabad ni Rose. "You are my artist and I am your manager" wika ni Chelsea. "Sa work oo di ba?" sabad ulit ni Rose. tahimik lamang itong si Chelsea at tuloy lamang sa kanyang pag subo. 

"Paki abot naman niyan Rose. sarap naman" wika ni Aldrin. "Sure heto Aldrin, paka busog ka. at dapat lagi kang masayahin hindi yung puro serious at trabaho na lang ang iniisip" parinig na wika ni Rose. ngunit nananatiling tahimik lang at kalmado itong si Chelsea. 

"Very well said" sagot naman ni Aldrin. "Im done eating na. mauna na ako sa inyo" agad na tumayo itong si Chelsea. nag titinginan lang ang dalawa habang tinatapos pa nila ang kanilang hapunan. "Pag pasensyahan mo na iyang manager mo. pa bugso bugso ng damdamin. moody pa" "Ayos lang Rose. talagang bino boarder niya ang kanyang sarili as a manager. or talagang may galit lang siya sa akin?" 

"Pakiligin mo na kasi" "Kulang lang siya siguro sa lambing" "kiss mo kasi para ma alis na iyang pagka masungit niya" "So wala pa siyang boyfriend?" "Boyfriend? meron before. ex niya" "Ok" "Bakit? may balak ka? eh bat di mo ligawan" 

My Manager's note: WORK OR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon