Chapter 9

46 1 0
                                    


 "Ayan ang swimming pool, ihuhulog ko sila dyan o kaya itatapon ko sila mismo sa dagat kasama ng mga camera nila" sabay na nagtawanan ang tatlo. "Alam niyo, na realized ko lang din, kahit anong gawin natin in good or bad man ay sadyang meron parin nasasabi sa atin ang mga tao. kaya kung ano man ang makakapag paligaya sa atin ay gawin na natin.

 enjoy life, hindi na mahalaga pa ang sasabihin ng ibang tao sa atin. they don't care, and we don't even care too" wika ni Chelsea at sabay sa pag inom ng iced tea. "Very well said Chelsea" sagot naman ni Rose. "May kanya kanya tayong buhay. mind there own business" wika ni Aldrin.natapos na din silang kumain at habang nag papahinga pa sila sa kanilang kina uupuan ay, "Teka, kilala ko mga yan? mga media reporter" gulat na wika ni Chelsea. 

"Huh? nasaan?" tanong ni Aldrin at sabay silang tumayo ni Rose para tignan ang sinasabi ni Chelsea. "Ayan sila sa labas" turo ni Chelsea sa dalawa. "Shall we? pasok na tayo sa loob?" tanong ni Aldrin. "Naku baka makita pa si Aldrin dito at pati tayo Chelsea ma interview tayo na" wika ni Rose. 

"Ok, this way tayo dumaan" wika ni Chelsea at agad na nilang nilisan ang kanilang pwesto ng pinag kainan. mabilis at agad naman silang naka pasok sa loob ng hotel and resort. at sa second floor hallway ng hotel ay, "Guy's wala na munang lalabas sa atin. mag balitaan na lang tayo. keep safe" wika ni Chelsea sa dalawa at nagkahiwalay na silang tatlo papasok sa kani kanilang mga room. maya't maya pa ay may tumawag sa telephone room ni Aldrin. 

"Yes hello?" tumawag ang manager ng hotel mula sa reception area sa lobby para ma invite daw at maka panayam ang mga reporters na nag hihintay sa kanya. kasama din ang manager ng hotel sa ma iinterview para i market na rin ang kanilang hotel at ipaalam sa publiko na proud ang hotel and resort na sa kanila nag check inn itong artistang si Aldrin Barcelona. at nag sabing bababa nalang ito papuntang lobby. 

agad na tumawag itong si Aldrin kay Chelsea para ipaalam ang nangyari. "Ok sige, go. basta ang sabihin mo lang eh, relatives mo lang ang kasama mo ngayon dito. at nag papa hinga kami. basta ikaw na ang bahala. na televised naman niyan at mapapanuod din namin kung ano ang interview sa iyo" "Be politely and sanay ka na diyan" turo ni Chelsea kay Aldrin. 

"Ok sige, o kiss muna?" "Bwiset ka talaga Aldrin. nag hihintay na sila sa iyo baka umakyat pa sila dito" "aba, teka nga naman. eh dapat sila ang mag hintay sa akin. celebrities ito eh. artista, gwapo at ang laman lamang ng puso ko ay si Chelsea my manager" at binabaan na siya ng telepono ni Chelsea. "Hello? Chelsea, hello bhe? I love you three times a day!" sabay tawa ni Aldrin. at nag ayos muna siya ng kanyang sarili. 

"Kailangan, always's looking fresh, gwapo, at mabango. and smile" bulong si Aldrin habang nag aayos sa harap ng dresser mirror. "Itong manager kong si Chelsea eh, pakipot pa. gustong gusto naman niya. kilig sa akin. ayaw lang pahalata" nang biglang, "Anong sabi mo Aldrin" "Waaahhh!" sigaw ni Aldrin na napatalon sa sobrang gulat niya.

 "Chelsea! anong ginagawa mo dito! kanina ka pa ba dito ha?" gulat na gulat at takang taka itong si Aldrin. nanlalaki pa ang mga mata nito sa kanyang nakikita na si Chelsea nga mismo ang nasa kanyang harapan. "Bago ko sagutin ang tanong mo. iyang twalya mong pang tapis ay natanggal. takpan mo muna yan or mag suot ka na ng shirt mo o pants" 

"Napa tingin sa may kama itong si Aldrin at nakita nga niya ang kanyang twalyang naka tapis sa kanya na tumilapon duon nang siya'y nagtatalon. at napansin na din niyang naka underwear pa siya. at dali dali niyang kinuha ulit ang twalya para ipang tapis. 

"Ano ba naman Chelsea, paano ka naka pasok dito? kanina ka pa siguro noh? bakit hindi ko alam? at tila sanay ka. hindi ka man lang nag takip ng mga mata. manyak ka noh? manyak. not now Chelsea, may interview pa ako please!" 

My Manager's note: WORK OR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon