Chapter 8

39 1 0
                                    

Habang nasa terraces itong si Chelsea ay agad na niyang nakita ito. agad niyang sinalubong ang pulang kotse. pag bukas ng bintana ng kotse ay, "Hi babe, kumusta ka na?" "Jake, anong ginagawa mo dito?" "Binibisita ka lang" "Wala na tayo Jake, tapos na ang ugnayan natin sa showbiz. kasalanan mo yan. ginusto mo yan. sinira mo ang career mo, pati ako dinadamay mo. at ngayon ano? I bla blackmail mo pa ako ganun?" 

nang aakmang bababa ng kotse itong si Jake ay pinigilan siya ni Chelsea. tinulak niya at hinarang ang pinto ng kotse para hindi maka labas si Jake. "Hwag ka ng bumaba Jake. wag ka ng mang gugulo pa dito. nakaka hiya sa mga tao dito" "Ok sige, sakay ka sa kotse. mag uusap tayo. aalis tayo. duon tayo sa malayo. malayo sa mga intriga" 

"No Jake, hindi ako sasama sa iyo. baliw ka na talaga. ano pa bang kailangan mo sa akin ha? ni ayaw na nga sa iyo ng network" "Yun na nga eh, pinag ka isahan ninyo ako" 

"Kasalanan mo yan Jake, sinira mo ang buhay mo. nalasing ka na sa kasikatan mo. nakukunan ka ng cctv footage sa casino. nagba babae ka pa. lagi ka sa mga beach party, ang dami mong project na binitin. at ako, ako na girlfriend mo hindi mo man lang binigyan ng kahit kaunting respeto at kahihiyan. ang kapal ng mukha mo Jake. ako lahat ang nag taguyod sa iyo. ipina kilala ka, binihisan, pina sikat, pina yaman ka. minahal pa kita then, ito ang igaganti mo pa sa akin ha?" hindi maka kibo itong si Jake. at nanlulumo sa mga sinasabi sa kanya ni Chelsea. "Sorry, sorry na. aminin ko na nag kamali ako. please forgive me babe" 

"No Jake, wala na. wala na talaga. at don't call me babe. tigilan mo na ako. layuan mo na ako. at once pa na mang gugulo ka pa sa akin, idedemanda na kita talaga. sige mag pasabog ka ng issue tungkol sa ating dalawa. at ng madagdagan pa ang mga kasong ihahabla ko sa iyo sa korte" at tinalikuan na ni Chelsea itong si Jake. dali dali naman bumaba ng kotse itong si Jake para habulin itong si Chelsea. 

"Chelsea, wait!" na hablot nito ang braso ni Chelsea. "Bitiwan mo ako Jake!" "No Chelsea, mag uusap pa tayo" "Bitiwan mo siya Jake!" pag lingon nina Jake at Chelsea sa kanilang likuran ay nagulat sila sa taong umaawat sa kanila. "Aldrin?" wika ni Jake. "Aldrin? bumalik ka?" sambit naman ni Chelsea. "Bitawan mo ang girlfriend ko Jake.

 wala kang karapatang saktan siya!" Na bigla ang dalawa sa sinabi ni Aldrin at napa tingin na lamang si Jake kay Chelsea. dahan dahan niyang binitawan si Chelsea. "Chelsea, halika ka rito" utos ni Aldrin at agad naman na sumunod ang dalaga. 

natawa itong si Jake habang minamasdan niya ang dalawa at, "Kailan pa pare? kalian pa naging kayo?" tanong ni Jake kay Aldrin. "Kahapon lang Jake" sagot ni Aldrin. hinawakan niya itong si Chelsea at sabay na hinalikan sa harap ni Jake. 

si Jake naman ay nanlaki ang kanyang mga mata. naki ride naman itong si Chelsea na feel na feel naman ang kissing scene. "Ano jake, are you contented now? wag ka ng mag eskandalo pa dito, kung hindi ipapa dampot ka na namin sa mga pulis. trespassing na rin ang ginagawa mo. nasa loob ka na ng private property. mahiya ka naman Jake" gigil at nag pupuyos sa galit ang nararamdaman ngayon ni Jake sa dalawa. 

"Hindi pa tayo tapos" "We will wait you Jake Almazen, naligaw ka na talaga ng landas. maybe you are under influenced of drugs. malaking kaso yan" hamon at wika ni Aldrin. "O' talaga? tignan natin" sagot ni jake. na agad ng sumakay sa kanyang kotse at humarurot paalis. naka hinga na ng maluwag itong si Chelsea. at ito'y naiyak na lamang sa mga nangyari. 

niyakap siya ni Aldrin. "Tama na Chelsea, wag kang mag alala. nandito na ako at hindi kita papabayaan. sinabi ko naman sa iyo na ipag tatanggol kita sa kanya" "mabuti at naka balik ka ulit Aldrin? salamat din pala sa iyo" 

"While on my way, naka salubong ko ang kanyang kotse. hindi niya ako napansin. alam kong pa punta siya dito kung kaya't bumalik ako dito. akala ko nga hindi ko na kayo maabutan pa. at salamat na rin" "Pasok na muna kayo dito at uminom na muna ng tubig" wika ni Rose. 

My Manager's note: WORK OR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon