Chapter 10

75 0 0
                                    


"The more na sumisikat ka, the more na nagkakaroon ka ng issue" bulong ni Chelsea at lumabas na ito ng office para harapin ang mga media. pagharap niya sa mga ito ay sinalubong siya ng walang humpay na flash ng mga camera. picture dito, picture duon, mga nagkukumahog na mga reporters na samu't sari ang mga itinatanong. 

"As a manager ni Aldrin, alam nyo lahat ang tungkol sa kanya.totoo nga bang wala pa itong girlfriend o itinatago lamang niya ang kanyanglove life? non showbiz girlfriend nga ba? bakit nananahimik ang inyong panig?may itinatago ba kayo na ayaw isa publiko? it is a truth or a lie?" tanong sakanya ng isang showbiz reporter. 

"Tulad ng sinabi o sinagot ni Aldrin kaninalamang na interview siya eh, wala pa nga siyang girlfriend so far, because ofhis career nga, and too much busy pa siya. nakikita nyo naman ang arangkada attakbo ng kanyang career ngayon. kabi kabila ang mga offers sa kanya. halos walana nga siyang pahinga. napapagod na din daw siya pero tuloy parin siyang magta trabahopara sa ating lahat, para mabigyan niya tayo ng entertainment. labis din angpasasalamat niya sa inyo at sa kanyang mga fans, even in abroad. he promise naman na once may maka tagpo na siya eh, it's a non showbiz partner. para nga naman private hindi ba? at itong si Aldrin eh, talagang mabuting tao at maka Diyos. that's all thankyou! mahal kayong lahat ni Aldrin!" at agad na umalisitong si Chelsea ngunit hinahabol parin siya ng mga reporters. 

natakasan namanniya ito sapagkat dumiretso siya sa basement, sumakay na sa kanyang sasakyanpara umalis. "Hay, salamat po Lord, at natapos din" bulong ni Chelsea. biglangnag ring ang kanyang cellphone. "Hello Chelsea?" "Yes Rose, nag da drive akowait lang, mag headset lang ako. O' ano ng status nyo dyan ni Aldrin?" "Heto, ayos lang. kakatapos lang namin pinanuod ang live interview sa iyo. ang galing mo daw sabi ni Aldrin" "Wala yun, maliit na bagay. heto nga at buti natakasan ko sila. ang dami pa nilang tinatanong. ayaw pa akong tantanan" "Atleast di ba. saan ang punta mo niyan?" 

"Makikipag meet lang sa isang kakilala. o paano, ingat kayo dyan. alagahan mo iyang si Aldrin" "Akong bahala sa kanya Chelsea. everything is under control" "Good, focus pa din. ok sige bye na" Abala pa itong si Aldrin sa taping ng soap opera na pinapa labas sa t.v gabi gabi. after nito guesting sa network, sa mga noontime show at hanggang sa maging leading man na siya sa mga soap opera sa t.v at nagkaroon na din siya ng mga leading ladies o partner. ngunit ayaw niyang ma link sa mga ito at magkaroon ng relationship sa likod ng camera o in real life. sadyang devoted at loyal itong si Aldrin sa kanyang manager. so far, hindi muna maka score itong si Aldrin dahil naghihintay lamang ito ng timing para makapag akyat na ng ligaw kay Chelsea. 

ilang buwan pa ang lumipas ay isa na si Aldrin sa pinag pipilihan ng mga movie producers bilang maging leading man sa isang pelikula. masaya at tuwang tuwa naman si Chelsea sa balitang ito. at finally, to the level up na ang kanyang pambatong alaga. this time, mas kailangan pang galingan ni Aldrin ang pag arte para makasungkit din ng titulong best actor. at mapa bilang sa mga hanay ng mga bituin sa mundo ng showbiz. "It's your time Aldrin!, cheers!" wika ni Chelsea na nagkaroon sila ng maliit na thanksgiving celebrations. "Job well done Aldrin. we are proud of you!" bati ni Rose.

 "You deserved it! Aldrin" pa bati din ni Jocelyn. "Naku, thankyou talaga sa inyo. nakaka taba naman ng puso. hindi ko magagawa ito kung wala kayo. ang tagumpay ko ay tagumapay nating lahat. and first of all, thankyou Lord!" at nag palakpakan ang lahat. kasama nila sa munting selebrasyon ang mga ibang alaga at kapwa artista din ni Aldrin. mga teens at child stars. "kaunting kembot na lang Aldrin. ito talaga ang dream ko. ang may maiakyat ako sa mataas na level at maka kuha ng mga award"

 "Salamat Chelsea. sana nga" at muling iniangat nila ang kanilang hawak na white wine at sabay na nag sabing, "Cheers" matapos na uminom ay nag salo salo na sila sa munting piging. "Atleast napasaya ko siya at napapasaya pa" bulong ni Aldrin sa kanyang sarili habang minamasdan niya itong si Chelsea. 

My Manager's note: WORK OR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon