PROLOGUE

89 8 4
                                    

"'Vee! I'm on my way na kina Tita. 'Asan ka ba?" sambit ni Cali sa tawag.

"Nasa mall ako ngayon. Kakatapos ko lang mamili ng mga kailangan ko sa condo." ang sabi ko.

"Teka? Anong on the way? 'Andito ka na sa Manila? 'Di ba dapat next week pa?" idinagdag ko nang ma-realize ko ang sinabi niya.

"Haha oo. Surprise! Sinundo ako nila Aj sa airport. Napa-aga ang uwi ko dito kasi pinayagan na ko ni Mommy na umattend sa kasal ni Cathy, yung ka-batch natin nung high school. Kaloka 'tong si Mommy, tanda ko na ayaw pa 'kong payagan nung una." sambit ng aking pinsang umuwi dito galing Cagayan De Oro.

Si Cali lang ang invited sa kasal noong ka-batch namin na 'yon dahil hindi ko naman iyon naging close. Sadyang marami lang ding naging kaibigan 'tong si Cali noong high school, ako naman yung type na tahimik lang at mahiyain noon.

"Kaya ngayon, on the way ako to Cavite dahil sa inyo daw ako dumeretso sabi ni Daddy. Pwede ka ba ngayong umuwi ng Cavite?" idinagdag niya.

"Pwede naman, actually sakto nga kasi rest day ko ngayon. Wala muna akong lipad ngayong araw." Kaya nga ngayon lang din ako nakapamili ng mga kailangan ko.

"That's great! Finally magkikita na tayo ulit. Missed you!" 

"Oo nga, I'm so happy. I missed you too. Sige, kakain na lang din muna ako saglit dito tapos uuwi na rin ako agad." sambit ko habang naghahanap ng cafe na mapagtatambayan. Napagod at nagutom din kasi ako kalalakad.

"Okay bilisan mo ah! By the way, how are you? Pasensya na hindi kita nakakamusta. Huhu." pagpapasensya ng pinsan ko.

"Okay lang ano ka ba! Parehas tayong busy, ako nga rin 'di ka nakakamusta. Pero okay naman ako, yung huli mong balita sa akin iyon pa rin naman." ang sabi ko sa kanya.

"Yun nga itatanong ko sana eh. Pero may balita ka ba kay Andrei?"

Pinaalala pa ng bruha.

"Wala akong balita do'n 'no! Saka ang tagal na no'n. Ba't mo biglang natanong?" pagtataka ko.

"Ewan ko nga ba, wala lang baka kako kayo na ulit. Charot." siraulo talaga 'to.

"O siya tuloy na lang natin chikahan mamaya. Bilisan mo dyan ah! See you mwah!" at nag paalam na kami sa isa't isa.

Ilang taon na rin ang nakaraan noong huling paguusap namin ni Andrei. Iyon ay noong naghiwalay kami. Mula no'n, wala na 'kong masyadong balita sa kanya, pero nakikita ko paminsan yung mga optical branches at advertisements nila kung saan-saan. Bukod doon wala na akong ibang balita sa kanya.

But all I hope is that, he's happy.

Nakahanap na rin ako ng cafe at nakaorder na rin. Habang naghihintay ng order ko, nakita ko ang aklat na hawak noong dalaga sa kabilang table. Mukhang bagong bili pa ito dahil nakabalot pa ito ng plastic cover. Hindi ko alam kung bakit napansin ko pa iyon, siguro dahil lang sa magandang cover nito.

Tumunog na rin ang buzzer sa table ko at kinuha ko na ang order ko. Mabilis akong kumain para makapag ayos na 'ko agad at makauwi na sa amin sa Cavite.

Habang pabalik na sana ako sa parking, napansin kong may event ata ang mall. Bakit hindi ko ito alam o napansin kanina? Kunsabagay malaki kasi ang mall na 'to.

"Ang gwapo niya talaga! Shocks." "Ang galing galing pa niya 'no?" naririnig ko ang mga bulung-bulungan ng mga babae malapit sa event na mukhang book launch pala ata ito.

Hindi ko na sana ito papansinin pero nang makita ko ang cover ng aklat sa isang poster malapit sa event, naalala kong ito yung hawak na aklat noong babae kanina sa cafe.

Nang makita ko ang pamagat at awtor sa poster, hindi ako nagpatumpik-tumpik, dali-dali akong tumakbo sa harapan ng stage. Nakipagsiksikan ako sa maraming tao, hindi sila iniintindi. Hindi ko alam kung bakit pero basta kailangan kong makarating sa harapan.

Nang makarating ako sa pinaka harapan, napatingin sa akin ang awtor ng aklat, nagulat siya at napatayo habang nakatingin lang sa akin.

"Siya yun!" "Siya yung babae." naririnig ko ang bulung-bulungan ng mga tao sa likuran ko.

"You came." ang sambit niya.

At tumulo ang mga luha sa aking mga mata.



Rewriting the Stars {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon