04

33 6 11
                                    

"Hala! May emergency pala ako. Ano, Ethan, okay lang ba favor? Okay lang ba ikaw na muna mag hatid kay Avee. Sumabay lang kasi siya sa akin papunta dito. Kaso I have to go somewhere urgent." sabi ni Vince kay Ethan habang nakatingin sa phone niya na parang may nag text o kung anuman na emergency.

ANO????

Ito na nga ba sinasabi ko. Pahamak ka Vince, pahamak! Ang pangit mo pa um-acting!

Hindi na nakapag salita si Ethan dahil umalis na agad si Vince. Napa awang na lang din ang labi ko sa bilis ng mga pangyayari.

"A-ano, Ethan, 'wag na! I can just take a cab or whatever. I can manage!" depensa ko agad kay Ethan.

"Uhm look, I wasn't able to tell Vince, but I have emergency as well. I'm really sorry Avee. As much as I want to but I'm afraid I can't really do that. I'll just tell Vince." pagpapasensya ni Ethan sa akin.

"But Andrei's here! He can give you a ride." dagdag ni Ethan. At mukhang nahihiya talaga siya sa akin dahil hindi niya magagawa ang ipinagpakiusap sa kanya ni Vince.

Napatingin lang si Andrei sa amin at hindi nagsalita.

"No! It's fine. Like I said, I can just take a public transpo. Don't worry about me. Sobrang nakakahiya. You guys go ahead." pagtanggi ko pa rin.

Tinignan lang ni Andrei si Ethan na parang sinasabing siya na ang bahala sa akin. Tumango naman si Ethan.

"I really need to go. Andrei will take you home. We can't just leave you. Lalo na't gabi na." sabi ni Ethan sa akin at umalis na siya. At ngayon ko lang siya narinig mag tagalog. Marunong naman pala siya.

Ang cute.

Pero fail oplan mo Vince! Fail!!

Pero kinilig din ako sa concern ni Ethan ha??

Okay na rin 'yon. At least nagkausap ulit kami nang mas matagal.

Kaya kami na lang ni Andrei ang naiwan. May inayos lang siya saglit sa bag niya at naglakad na papunta sa elevator.

"Let's go." sabi niya sa akin. Kaya sumunod na lang ako.

Tahimik lang kami sa elevator at walang nagsasalita. Medyo awkward ha. Paano naman kasi ang weird noong last interaction namin.

Lumabas na kami ng building at nag punta sa parking.

"Y-you don't have to. I can go naman na here." sabi ko kay Andrei habang naglalakad kami papunta kung saan siya naka park.

"Do you know how to commute here?" huminto siya sa paglalakad at tinignan ako nang seryoso.

"I-I don't. But I can figure it out." hindi ako makatingin sa kanya nang diretso dahil sa hiya.

Oo nga ano, hindi ko alam kung paano mag commute dito sa Manila dahil hindi ko naman kabisado dito. At delikado na rin kung mag taxi ako mag isa lalo na't gabi na nga.

"It's a free ride. Just take it. I can't leave you alone here." at nagpatuloy siya sa paglalakad.

Hindi na rin ako nakasagot at sumunod na lang dahil tama naman siya. Sino bang tatanggi sa libre? Char.

Nakarating na rin kami kung saan siya naka park.

He's driving a Black Chevrolet Camaro. Taray.

"Sorry for the trouble." sabi ko nang makasakay na kami sa kotse niya. Naamoy ko ulit yung pabango niya pagkapasok sa kotse niya. Ang bango talaga.

"It's fine. So where do you stay?" tanong niya at sinabi ko kung saan ang condo ko.

At nag simula na siyang mag drive. Ang tahimik lang ulit namin at walang nagsasalita. Awkward ulit!

Rewriting the Stars {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon