07

20 2 1
                                    

"'Whenever I see you.' Huh?"

Napatingin ako bigla sa lalaking tumabi sa akin dahil bigla siyang nagsalita.

Si Andrei??

"Ha?" sambit ko.

"Uhm, you said 'whenever I-"

"Hatdog." pambabara ko.

"A'ight. I'm out." tumayo siya sa upuan niya na parang aalis na.

"Joke lang! Ito naman." natatawang sambit ko at hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa pag-alis.

Tinignan niya ang kamay ko at bigla kong na-realize na nakahawak pala ako sa kanya kaya agad ko itong binitawan at umayos ako nang upo.

Ngumisi siya at bumalik sa upuan niya.

"Nice jacket." sambit niya na parang may pagka-sarkastiko dahil magkakulay kami ng bomber jacket na suot.

Napayakap tuloy ako sa sarili ko dahil na awkward-an ako. Nilapag na rin ng bartender ang drink ko kaya napainom agad ako doon.

"Ba't ka nandito?" bigla ko na lang natanong pagkatapos ko uminom.

"Bakit, hindi pwede?" sagot niya. Aba, attitude?

"Nagtatanong lang, masama?" na-stress na nga ako kanina kay Vince, pati ba naman dito.

"Uhm, a friend invited me. How about you?" bawi niya.

"Fan ako nung mga tutugtog." tumango na lang siya sa sagot ko at hindi na siya nag salita. Ano, awkward silence ulit? Char.

Bigla ko namang naalala yung nag follow sa'kin noong nakaraan na kapangalan niya.

Tatanungin ko ba siya? Pero pa'no kung hindi naman siya 'yon?

"Ano apelyido mo?" tanong ko.

"Uhm what?"

"Basta sagutin mo na lang."

"Montecarlo." sambit niya habang nakatingin sa basong hawak niya at iniikot-ikot lang ito.

Montecarlo? Sabi na nga ba't siya nga iyon!

"Sinasabihan mo pa 'kong stalker, eh ikaw pala 'yon." sambit ko sa kanya habang nakangiti at uminom ulit na parang juice lang ang iniinom ko.

Napatingin naman siya sa akin at parang nagulat sa sinabi ko.

"I'm not a stalker." depensa niya sa'kin.

"That is what it seemed like to me." I used his words against him.

Nakita kong napangisi siya at napailing na lang.

"It's not what you think 'though. Don't be full of yourself." sabay inubos na niya ang drink niya.

"You wanna, uhm, look around?" sabi niya habang nakaturo siya sa likuran niya. Galing mag bago ng usapan ah. Pero hindi ko na ipinilit yung tungkol doon at tumango na lang ako sa alok niya.

Kaya tumayo na rin kami sa mga inuupuan namin at nag tingin tingin sa paligid na may maraming displays. Napansin ko ring parang mga bigtime ang mga nandito.

"Ikaw lang? Wala kang kasama?" tanong ko kay Andrei habang tumitingin kami sa mga art displays. At umiling lang siya bilang sagot sa akin.

"Ikaw? Buti may access ka sa exclusive lounge?" he asked.

Exclusive lounge? Ibig sabihin mga VIP lang may access dito? Kaya pala ang konti ng tao dito sa pinagtambayan namin at parang ang sosyal nga ng feels.

"Uhm yeah. Actually came here with a friend." iyon na lang din sinabi ko. Hindi ko naman napansing VIP pala ang tickets namin. Iba talaga si Ma'am Anne, sarap tropahin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rewriting the Stars {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon