02

32 8 2
                                    

"Galingan natin sa first day 'Vee!" bati sa akin ng pinsan kong si Cali mula sa Facetime video call.

Parehas naming first day ngayong araw kaya napag usapan naming mag Facetime kami saglit bago pumasok.

"Yes! Kailan ka ba babalik ng Manila?" tanong ko sa kanya. Pagka-graduate kasi namin ni Cali ng Senior high school, hindi namin inaasahan, kinailangan nilang bumalik sa CDO at doon na tumira. Biglaan din iyon kaya kaunting panahon lang ang nagugol namin nang magkasama bago sila umalis noon.

"Kakarating ko lang dito, miss mo na ko 'agad? 'Di bale, sa sembreak uuwi talaga ako d'yan!" sagot niya.

Si Cali ang isa ko pang best friend bukod kay Vince. Siya ang actual pinsan + best friend ko. Kaya nalungkot talaga ako sa biglaang alis nila.

"Nag-aalala nga ako sa'yo kasi-"

"Yung sa'min ni Alex? 'Wag kang mag-alala, nandito naman si Vince para sa'kin. Hindi na nga ako nilubayan. Haha." isiningit ko agad dahil ayaw ko nang magalala siya masyado sa'kin dahil sa last break up ko. Noong huling magkasama kasi kami, mas broken hearted ako.

"Sa bagay oo nga. Iniisip ko lang kasi ikaw, malayo na 'ko sa'yo. Pero good to know na okay ka naman na." sabi ni Cali.

"Hanap ka na kasi bagong bebe! For sure sa school mo maraming pogi!!" idinagdag niya.

"Sira! 'Ando'n ako para magaral hindi para humarot." sagot ko.

"'Di natin sureee." pang aasar pa ni Cali.

"Aywan ko sayo! Oh siya, I'll go ahead na. Ikaw din you go na! I'll update you na lang sa chat. Mag i-ingat ka d'yan. Love you!" at nag paalam na kami sa isa't isa.

Nang matapos akong mag handa, pumunta na ako sa parking at sumakay na ako sa kotse ko.

I'm driving a Honda Civic. Hindi ko rin inexpect na bibilan ako ni Daddy ng gantong kotse after ko grumaduate ng high school, sabi ko nga kahit hindi na yung masyadong mahal dahil magastos na masyado ang college ko but my dad still insisted. I don't really ask much from my parents, lalo na dahil mas gusto ko yung ako yung mag e-earn ng mga bagay na gusto ko. Pero sinasabi palagi ni Daddy na what they give me is what I truly deserve naman daw. Kaya thankful na lang din ako sa lahat, especially to my parents. Kaya I'll work hard to give back what they deserve too.

Ilang minuto lang, nakarating na ako sa school. It's a flight school and I'm taking BS Aviation Major in Commercial Flying. 'Though you can take any course para maging piloto, pero mas pinili namin ni Vince na mag-take ng course related sa flying para mas may idea and experience kami about doon.

"Vivi!" naririnig ko na ang sigaw ni Vince mula sa malayo na tumatakbo papalapit sa akin.

"Ang ingay mo!" binatukan ko siya agad nang makalapit na siya sa akin.

"Kanina pa kita hinihintay dito. Tara samahan mo 'ko hanapin kung saan room ko." habang tinuturo sa'kin yung class schedule niya sa phone niya.

Hindi kami magkaklase sa karamihan ng subjects at nasakto pang hindi rin kami magkaklase sa first subject niya.

Tinawanan ko siya nang ma-realize niyang hindi niya ako makakasama lalo na sa first subject ng first day. Lagi kasi siyang nakadepende at nakadikit sa akin lalo na't bagong environment para sa kanya. Pero tignan mo mamaya, 'pag may nakilala na 'yan agad, iiwanan din ako. Ganyan nga 'yan!

Hinatid ko pa ang kumag sa room niya, nakakaloka.

Pumunta na rin ako sa room ko. Pagkapasok ko, medyo marami na rin ang nandoon. May ibang mukhang magkakakilala na, may iba namang tahimik lang sa upuan nila. At mukhang hinihintay na lang ang prof.

Rewriting the Stars {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon