03

31 5 5
                                    

"What the hell are you doing?"

Narinig ko na lang na may nag salitang lalaki sa likod ko.

Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. Parang hindi ko yata kayang lumingon sa likod ko.

"Are you stalking them?" nag salita siya ulit. Doon na 'ko napalingon.

"Hindi 'no!" pag-deny ko. Totoo naman kasi, hindi ko naman sila inii-stalk!

Natawa siya sa pag depensa ko sa sinabi niya.

Saka ko lang siya nakitang mabuti. Na-realize kong ang lapit pala niya sa akin at naaamoy ko na rin ang pabango niya.

Ang bango.

Matangkad siyang lalaki kaya nakatingala ako sa kanya. Naka white siyang uniform na parang pang med student. Nakasabit ang isang strap ng itim niyang backpack sa balikat niya at nakahawak siya doon habang ang isang kamay naman ay nasa bulsa ng puti niyang pants.

"What then?" tinaasan niya ako ng kilay.

Huli na ako sa akto. Hindi ko na rin alam sasabihin ko.

"Andrei! Nand'yan ka na pala." narinig kong may nag salita kung na saan nandoon sila British boy bago pa ako nakasagot kay med student,

na Andrei pala yata ang pangalan.

Bigla akong umayos ng tayo at tumingin sa gawi nila kaya napatingin din sila sa akin.

"Tara na." sabi ulit nung lalaki kanina na kasama ni British boy habang papalapit sa amin nung Andrei. Sumunod din naman si British boy.

"Wait, you're that girl from the cafeteria last time. Right?" tinuro ako ni British boy nang makalapit na siya sa amin.

"Uh, yes. I-I'll go ahead." at tumakbo agad ako papunta sa kotse ko at hindi ko na sila tinignan, tutal hindi na rin naman sila nakaharang doon.

Napabuntong hininga ako nang makapasok na sa loob ng kotse ko. Ini-start ko agad ito at umalis na.

Ano ba naman 'yan, hindi ko manlang nalaman pangalan niya. Buti pa yung tropa niya, nalaman ko pangalan. 

Yung masungit niyang tropa.

On his face! Nakaharang sila sa sasakyan ko tapos sasabihin niyang stalker ako. Gigil ako sa kanya nang slight ha.

-----

"'Di muna ako uuwi d'yan this weekend dad." ang sabi ko kay daddy sa tawag.

First week palang ang dami na naming ginagawa, kaya hindi muna ako uuwi sa Cavite para matapos ko requirements ko.

"Okay then. Si Vince ba hindi uuwi?" tanong ni dad sa tawag.

"Hindi rin ata dad eh." sagot ko.

"Okay, you at least go out with Vince na lang or with anyone. Have you made new friends na ba, anak?" tanong ni daddy sa akin.

"Yeah, I've made new friends naman." sagot ko.

"That's good to know hija, akala ko you wont be social again eh. Your field requires socializing din ha!"

"Dad, I know! Saka nung high school pa 'ko no'n ano. Anyway, I'll go ahead. Baka mag-gym kami ni Vince ngayon. May sinasabi siyang gym dito, we might register in." sabi ko.

"That's a good idea! Alright, you take care anak ha. You can do whatever you want as long as you wouldn't do something we wouldn't like, you know that."

"Of course dad. School, condo lang naman ako for sure." sagot ko.

"You try to hang out din naman minsan 'nak! Anyway, your mom and I misses you. Too bad you wont come home this weekend, plano pa naman naming mag Tagaytay ng mama mo. Oh siya, we're busy din dito. I'll just call you again soon. Love you anak." at nag paalam na rin kami sa isa't isa.

Rewriting the Stars {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon