T R I S T A N 'S P O V
5 months, 5 months na siyang coma. Sa tuwing gigising ako at maaalala ko na ganon ang kalagyan niya. Parang mas gusto ko nalang na wag simulan ang umaga.
Maraming nagsasabi na wala akong ibang magagawa para sa kanya kundi ang magintay. Alam ko yon. Pero hindi ko matanggap.
Kagayng nakasanayan ay dumaretso ako sa bahay nila. 2 weeks kase matapos naming malaman na coma siya. Sa bahay nalang siya inilagay.
Nang makapasok sa kwarto niya ay inilapag ko ang dalang bulaklak sa bedside table. Bago lumapit sa kama niya.
"Baby, please wake up."
Dapat ay graduate na siya nung nakaraang buwan. Pero dahil sa nangyari ay hindi siya nakaakyat.
At kagaya lang din ng araw-araw na nangyayari. Wala akong nakuhang response sa kanya.
Nakarinig ako ng mahinang katok. Kasunod ang pagbukas ng pintuan.
"Tristan." tawag sa akin ni Tita.
"Tita...."
"Sigurado ka pa rin ba sa ginagawa mo?"
"Opo tita, handa akong maghintay kay Mariez"
"Maraming Salamat." lumapit siya sa akin at yumakap. Pagkatapos kinwentuhan ako sa mga pagbabago ng kondisyon ng girlfriend ko.
"Mas bumubuti na daw sabi ng doctor niya."
Magandang balita yon. Dahil minsan nagkakaroon ng seizure si Mariez.
Nang sumunod na linggo ay naabutan kong kakalabas palang ni Tita sa kwarto ni Mariez.
"Oh, Andiyan ka na pala. Aalis lang ako saglit ikaw muna kay Raven"
Tinanguhan ko si Tita bago pumasok sa kwarto ni Mariez. Ganon pa rin. Wala pa din siyang malay. Gustong gusto ko nang makita ulit ang mga mata niya.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa gilid ng Kama niya. At nagising lang sa ng isang mahinang daing.
Agad kong inangat ang tingin ko kay Mariez ng maalalang kami nga lang pala ang tao sa bahay nila.
Dahan-dahan niyang iginalaw ang kanyang kamay. At kasunod naman ay ang unti-unting pagbukas ng mga mata niya.
Nangingilid ang luha ko siyang tiningnan.
"W-water p-pleasee....." daing niya kaya naman dali-dali kong kinuha ang water bottle sa bag ko at ibinigay sa kanya.
"T-thanks." nginitian ko lang siya. Tumingin siya sa akin bago tuluyang nagsalita.
"Who are you?"
Agad na nagdatingan sila Tita, kasama si Mommy at Daddy. Sumunod naman agad ang private doctor ni Mariez ng ipatawag siya.
Ako ay nanatili lang na nasa gilid ng kwarto at nakatingin kay Mariez. Nakangiti siya habang kausap ang doctor.
Nang saakin naman napunta ang paningin ay halata na naguguluhan siya.
"Mom, who is he?"
"A-anak ano bang sinasabi mo? Doc? anong nangyayari sa anak ko?"
Pagkalabas ng kwarto ay tsaka lang namin nainyindihan ang lahat.
She has amnesia. She forget about me.
"HEY! gusto mo nito?" alok ko kay Mariez habang nanonood siya.
"Ano ba?! Ang ingay mo!! ang gulo-gulo mo! lumayas ka nga!!"
"Baby Naman, galet agad."
"Hindi porket boyfriend kita guguluhin mo na ko sa panonood ko. Mga asawa ko yan oh."
