Chances
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay handa ang isang tao para magpapasok nanaman ng panibagong tao sa buhay niya. Madalas na nagkakaroon na ng trust issues dahil sa mga naranasan. Nakakatakot na kasing magtiwala nanaman at masaktan sa huli. Kase kahit ilang beses man tayong masktan ay ganon pa rin ang pakiramdam kapag naulit uli. At ganon ang nangyari sa akin.
Lahat ng pinapapasok ko sa buhay ko ay sinasaktan lang din ako. Bawat tao ay walang pinagkaiba sa nauna. Kagaya na lang din ng mga magulang ko na iniwanan lang ako sa kung saan ng bata pa ako. Isang tao lang ang inaasahan ko ng panahon na yon. At iyon ang mayaman na matandang babae na siyang nakapulot sa akin. Lahat ng naiisin at hilingin ko ay ibinibigay niya. Itinuring niya akong parang sarili niyang anak. Di tumagal ay nasanay ako na lagi siyang nandiyan para sa akin. Tuwing may problema ay siya ang laging nagsasabi sa akin ng mga katagang "Ayos lang yan. Magiging maayos din ang lahat" .
Nasanay ako na lagi siyang nandiyan para ako ay agapayan. Para itayo ako sa pagkakadapa ko. Ngunit di lahat ng tao ay kayang manatili ng matagal. Ilang buwan lang ay isinugod siya sa ospital at binawian ng buhay.
At dahil ako lang ang tanging adopted daughter niya. Sa akin naiwan ang lahat. Ang magagarang ari-arian. Lahat ng hindi ko naman kailangan. Ng ako'y lumalaki na ay tsaka ko lang napansin ang mga bagay-bagay.
Ang pinagkakatiwalaang abogado na noon pa man ay pinagsisilbihan ako. Matagal na palang may ginagawa kapag nakatalikod na ko. Tatlo sa mga malalaking lupain na naipamana sa akin ang bigla nalang nawala.
"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ng kaibigan kong si Lian. Ilang araw palang noon ng magsimula akong humawak sa mga bagay-bagay na sa akin ay iniwan.
"Oo naman." Nakangiti kong sagot sa kanya sa lahat kase ng problema ko ay siya lang ang nagiging sandalan ko.
"Bakit hindi mo subukan?"
"Alin naman ang susubukan ko?"
"Ang buksanang puso mo."
Napaisip ako dahil doon. Meron kasi akong manliligaw sa loob ng apat na buwan. Halos lahat ay nagsasabi na bagay kami at bakit ko pa daw ba pinapatagal.
Kaya naman nagdesisyon na ko. Bakit nga ba hindi ko buksan yung puso ko? Para naman madagdagan ang mga taong masasandalan ko.
Dumating ang kaarawan ko eksaktong araw na sinagot ko si Brian. Naging masaya ang lahat.
Magmula ng araw na yon pakiramdam ko maaliwas na ang mundo.
Dahil meron nang tao na palaging nasa tabi ko.
Lumipas ang panahon at lalo kaming nagiging matatag.
Kinailangan niyang manghingi ng tulong dahil kailangan ng tatay niya na maoperahan. Nalugi na rin kasi ng tuluyan ang kumpanya na noon ay pagmamay-ari nila.
Kaya napaisip ako. Bakit niya pa kailangan na mamghingi ng tulong sa iba.
Kung nandito naman ako. Kaya ginawa ko ang lahat ng maitutulong ko sa tatay ni Brian. Lahat ng Operasyon ay ako ang sumagot. Ilang buwan matapos gumaling ang tatay niya. Nawala nalang ng parang bula ang pamilya nila. Walang sabi-sabi.
Si Lian ang nandoon para patahanin ako nung mga panahong mag-isa lang ako at nagtatanong sa sarili ko:
Saan ako nagkulang?
Di ko ba deserve na malaman ang rason niya?
Kung bakit iniwan niya ako ng walang pasabi?
Mabilis din agad lumipas ang panahon.Unti-unti nang nawawala ang sakit.
May panibago nanamang dumating. Sinusubukang pumasok sa tahimik kong mundo. Muli sa pagkakataong iyon. Hinayaan ko ang puso ko na magmahal ulit. Pero gaya ng nauna ay nabaliwala pa rin.
Bigla nalang isang araw may iba na. Bigla nalang isang araw malamig na.Ang kaibigan ko nanaman ang naging takbuhan at sandalan ko.
Muli ay napaisip ako. Ano kayang mangyayari sa akin kapag nawala ang kaibigan ko? Kakayanin kong mawala lahat ng meron ako wag lang ang tanging sandalan ko.
Pagtungtong sa panibagong simula ng buhay ko ay nandoon pa rin siya sa tabi ko. Laging naka-alalay kung sakali mang muli akong masaktan.
Sa sumunod ay meron nanaman. Nagbabalak. Isang lalaki na animong hindi ka kayang gawan ng kahit anong masama. Na tipong hindi ka kayang saktan. Kaya ako. Umasa nanaman. Na sana sa pagkakataong yon ay tama na.
Ngunit sa huli ay mas lalong naging masakit. Dahil ang kaibigan na akala kong lagi kong magiging sandigan. Isa rin ngayon sa dahilan.
Wala nang mas masakit ng makita ko silang dalawa na naghahalikan. Kaya simula noon ay wala na akong balak pang magtiwala sa kahit na sino. Lahat ng tao na lalapit sa akin ay pinagdududahan ko. Mahabang panahon ang lumipas at muling bumalik si Lian. Nanghihingi ng tawad sa kasalanan niya sa akin. Ngunit ayoko na dahil nakaapagod na. Kase akala ko siya ang taong kailan man ay hindi ako sasaktan at mananatili sa tabi ko.
Pinipilit niya ang sarili na muling pumasok sa buhay ko.
Kahit na pagtaasan ko siya ng boses ay hindi siya naalis. Kahit isampal ko na sa kanya ang katotohanan ay parang baliwala lang sa kanya ang mga sinasabi ko dahil yun lang ang tanging paraan para magawa niyang manatili sa tabi ko.
Minsan nakakapanibago na wala si Lian pagpasok ko sa trabaho madalas ay nauuna pa siya sa akin. Ngunit isinawalang bahala ko lang ito. Ang inisip ko ay baka napagod at sumuko na siya. Pero alam ko sa sarili ko na malungkot ako. Dahil pinapatunayan niya naman sa akin na talagang mabuti na ang intensyon niya. Na handa na ulit siyang bumalik at manatili sa tabi ko.
Isang tawag ang nagpaguho ng mundo ko. Tawag na di ko akalaing nangyayari talaga.
"Kayo po ba ang kaibigan ni Miss Lian Samonte?Pwede po ba kayong pumunta sa ospital ngayon? Binawian na po kase ng buhay ang pasyente."
Halos paliparin ako ang sasakyan makarating lang agad ako sa ospital. Nanginginig ang kamay kong inabot ang puting kumot na nakataklob sa katawan ng yumao kong kaibigan. Nang tuluyang makita ang maamo niyang mukha ay nagsimulang magbagsakan ang luha ko. Kung alam ko lang na malapit na siyang mawala. Sana mas sinulit ko ang mga panahon na nakasama ko siya. Imbis na kung ano ano ang sinasabi ko sa kanya . Sana pala ay gumawa nalang kami ng masasayang alaala.
I was a fighter since i was a kid. I became tough because of my experiences. And just waste my chance to be with the person i trusted ang love the most. I am Serene Vergara. And this is my story.
—
Sabe sa inyo may sapak ako eh.