I D E N T I F I C A T I O N C A R D

113 12 0
                                    

B L A I R E' S POV

Nagising ako dahil sa malakas na ingay. Boses ni Mama at Sam ang nangingibabaw. Inis kong sinilip ang phone ko na nakacharge sa bed side table. Mabilis akong napatayo ng makitang malapit na akong malate. At hindi pwede yon dahil may quiz ako sa math. Terror pa naman ang teacher namin doon.

"Ate Blaire gising ka na daw!" rinig kong sigaw ni Sam mula sa labas ng kwarto ko.

'Isa pa tong panira eh. Gigisingin daw niya ko di naman ginawa!'

Mabilis akong pumasok sa banyo at naligo. Kahit sa pagbibihis ay madaling-madali ako. Kinuha ko na lang ang suklay at nagsuklay habang pababa ako.

"Ma! Aalis na ko!" sigaw ko habang kumukuha ng sandwich sa lamesa.

Nakita ko naman si Mama na palabas ng kusina. "Ayan puyat pa, nood pa ulit kayo mamayang gabi ahh." may halong pang-aasar ang boses niya. Inirapan ko naman si Sam na nakaupo.

'Kung hindi mo ko niyaya na manood ng movie kagabi hindi ako malelate ngayon. Utong ulikba na ito talaga panira ng buhay. Palagi nalang magyaya, alam n may pasok kinabukasan.'

Sumakay agad ako ng Jeep paglabas ko ng village namin. Sa may parteng unahan ako umupo. Doon sa katabi ko yung driver. Ilang minuto pa ay may sumakay naman na lalaki sa tabi ko. Amoy na amoy yung pabango niya. Parang pamilyar. Pero hindi ko na inisip masyado at nagfocus sa paghahalungkat ng gamit ko. Siniguro kong nandoon ang mga kailangan ko.

Dinala ko na din ang mga pang skin care ko dahil hindi ko na nagawang mag-ayos kanina.

Maya-maya pa ay nakarating na agad ako sa school nagmamadali akong umakyat papunta sa classroom ko. Maswerte ako at hindi pa nakakarating si Sir.

"Akal ko hindi ka na papasok." Bati sa akin ng kaibigan kong si Miles. Nagkwentuhan kami hanggang sa dumating ang Teacher namin sa Math. Agad nitong ipinalabas ang mga I.D. namin. Isa yon sa mga patakaran niya. Bawas lima agad sa score mo kapag wala. Tuwang tuwa kong binuksan ang bag pa para kuhain ang I.D. ko pero nawala ang ngiti ko ng makitang wala iyon.

Naalala ko bigla ang paghhalungkat ko sa loob ng Jeep. Inis kong binatukan ang sarili ko bago tiningnan ang teacher ko na inaabot sa akin ang questionnaire. Nakangising nilagyan niya ng minus 5 ang gilid non.

'Damak sa score'

Ang hilig mang-asar ng matatanda.

Bawat isasagot ko ay pinagiisipan ko talaga dahil natatakot ako na biumaksag. Lalo na ngayon na may bawas na agad ang score ko.

Kinakabahan ko pang ipinasa ang papel ko sa unahan ng matapos. Inaya agad ako ni Miles na lumabas dahil hindi pa tapos ang iba. May kalahating oras pa kaming free time.

Pero hindi ko magawang magpakasaya dahil kinakabahan talaga ako. Pagnagkataong bumagsak ko. Baka palayasin ako ng nanay ko.

Nag-aya si Miles sa cafeteria kaya sumunod nalang ako. Meron nang iilang students ang nandoon at nakatambay. Siguro vacant pa nila.

Gigil kong ibinagsak ang order ko sa lamesa. Kinakabahan pa din akong bumagsak.

"Wag mo nang isipin yon.."pag-aalo sa akin ni Miles. Mabilis niya din namang itinigil dahil sa biglaang pagpasok ng kung sino. Nakatulala lang siya sa entrance. Kya naman lumingon na din ako.

OMYGHAD!

Si Drake papasok ng cafeteria. Nakangiti siya na aabot talaga sa tenga.

Halos lahat ng nasa loob cafeteria ay nakatingin sa kanya. Kumabog ang dibdib ko ng tingnan niya ako at ngitian ng matamis. Mahhart!

Lalo pa akong naghuramentado ngmaglakad siya papalapit sa amin. Or should i say sa akin. Hindi niya kase inaalis ang titig niya.

"Hi Blaire, Nadampot ko sa may Entrance kanina yung I.D. mo. Tinatawag kita kaso nagmamadali ka. Kaya ayun nasa locker ko." Wala akong ibang ginawa kundi ang titigan ang mukha niya habang nagsasalita. Ang makita siya ng ganito kalapit ay talaga namang dream come true!

"Kung gusto mo magkita tayo sa cafe na nasa labas ng village niyo mamayang uwian para maibigay ko."wala sa sariling tumango. Nginitian niya ulit ako ng matamis bago yumuko at hinalikan ako sa pisngi.

"See you later, sweetheart." At umalis na sila ng mga kaibigan niya. Ako naman ay nakatulala pa din.

Inalog alog ako ni Miles para matauhan.

Nanlaki ang mga mata niya ng bigla akong sumigaw. "Kingina wal na kong pake sa minus 5 dahil sa I.D."

.........

-naol.

Y N A_L O U I S' ONESHOTSWhere stories live. Discover now