Chapter 1

7 0 0
                                    


"Yes, what position are you applying for?" "Any available position po" "Next please!" "Huh, te teka lang po ma'am? sandali lang po" napatayo itong si Robert mula sa kanyang kina uupuan. "Excuse me mr. Robert Guevarra, wala po kaming job hiring dito na any available position" "Ok po, naku pasensya na po ma'am.

 im applying for assistant cook" at muli itong naupo. pinag masdang maigi ng interviewer ang aplikanteng binata at pagkatapos ay, "Sige. tignan ko muna kung saan pa kita pwedeng i assigned. based naman sa working experience mo eh, related naman sa trabaho dito. I considered your resume now. we will call you again for the final interview. thank you" 

"Thank you po Ma'am" "You may go. next please!" nag immediate hiring ng kitchen staff itong si Charmaine Advincula, isang dalagang negosyante na nag mamay ari ng mga fast food chain sa mga ibat ibang establishments at mga malls. ang Charmaine foodies house. malakas ang bugso ng kanyang mga fast food chain dahil sa pang masa ang presyo at pampamilya. lalo sa mga kabataan at mag aaral. mabilis talaga ang pag bangon ng kanyang mga negosyo na hindi nag patinag sa covid-19 pandemics. 

"Thank you Lord! after all, at bumabalik na sa normal ang lahat" bulong ni Charmaine sa sarili. nang matapos na nya ang shortlist ng mga candidates para sa final interview, "Beauty rest na ako" nag start lamang ang pamilya ni Charmaine sa pagtatayo lamang ng isang munting carinderia sa mismong tahanan nila. 

ang kanyang ina ang nag luluto at talaga namang dinarayo sila ng kanilang mga suki dahil na rin sa sarap ng ulam na kanilang itinitinda. pagka graduate ni Charmaine sa college sa kursong hotel and restaurant management ay agad na itong nag trabaho at nag ipon. mula sa kanilang carinderia, na nagkaroon ng isang pwesto hanggang sa lumago ang mga ito at naging commercial business na at nagkaroon ng maraming branches sa mga malls at mga ibang pwesto. sa dedication nya, hard working at determinasyon sa buhay ay nag click ang kanilang business at naging matiwasay ang kanilang buhay. 

halos puro trabaho na rin ang kanyang inaatupag at wala ng time for everything. maging ang kanyang love life ay hindi na niya nabibigyan ng panahon. maraming nag tatangkang umakyat ng ligaw sa kanya, ngunit lahat sila ay nabibigo. kahit ang isang binatang mayaman na sumusuyo sa kanya eh, hindi nakapasa sa kanya.

 sayang naman ang big fish at pinakawalan pa. tila pihikan din itong bruha. at kung sa bagay, she reach the top na rin. ang maging successful in life na rin. baka naman may iba siyang tipo ng lalaki na hinahanap. or she may not ready to go in a relationship. and or she's maybe enjoying of being single. 

"Mr. Guevarra, what are we expected to you if we were hired you?" "Im hard working ma'am, flexible, fast learner, and punctual. have a good and moral attitudes and,?" "Ok, Thank you mr. Guevarra. I hired you as a kitchen staff. so lahat alam mo at pwede mong gawin right?" "yes ma'am, kaya ko pong mag luto ng mabilisan, mag prepared, mag inventory, mag food costing, and everything" 

"Ang designated chef ang bahala sa iyo mr. Guevarra. marami tayong branches at every branches have there own Chef or mga line cook" paliwanag ni Charmaine sa aplikanteng binata. "So dito ka sa malapit sa lugar niyo. dito sa mall na ito. may branches kami dyan. hanapin mo ang manager duon at I submit mo itong papers na ito at lahat ng requirements mo then nasa kanila na if you can start na immediately. so be ready na. wear your black pants, leather shoes black, white t-shirts and you may go. thankyou" 

"Thank you ma'am" at agad na umalis itong si Robert. "grabe, kitchen staff ang binigay na trabaho sa akin. baka naman dalhin pa ako sa dishwashing area" bulong ni Robert.

 graduated ng HRM din itong si Robert. hindi pa kasi ganun ka bigat ang mga working experience niya. gusto talaga niyang humawak ng sandok at makapag luto ng mga order ng mga customers. pag dating sa isang branch sa isang mall kung saan siya na designated, ay agad niyang tinungo ang branch manager. nagkaroon ng kaunting orientation at agad na siyang pinag start ng duty sa kusina.

3 things you should promise meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon