Chapter 6

3 0 0
                                    


wala naman sigurong masama kung makipag closed sa ibang tao as long as hindi ka aabusuhin at pag sasamantalahan. take care your employee ika nga at mamahalin ng mga employee ang kanilang trabaho. aminin man o hindi ni Charmaine kay Marie na nag seselos lang talaga ito sa dalawa. lumipas ang mga araw at buwan at tuloy lamang sa pag ta trabaho itong si Robert sa Charm foodie house. at na assigned na siya bilang line cook.

 masarap, malinis at mabilis siyang mag luto kaya labis na lumakas ang kanilang branches compare sa iba pa nilang mga branches. hectic kasi ang schedule ni Robert, kaya hindi pa sya naisasama ni Marie sa mga outing nila with the barkada. araw araw naman silang nag cha chat, video call, tawag sa phone. dating after ng duty ni Robert. hanggang sa nahulog na rin ang loob ni Robert kay Marie. naging sila na nga. nang nalaman ito ni Charmaine ay umusok pang lalo ang kanyang tenga.

 lihim na lamang nag pipigil ng saloobin nito sa dalawa. hindi talaga mawari ni Charmaine kung bakit ba ganito na lamang ang kanyang nararamdaman. love nga ba ito o infatuation? sa kanyang palagay naman kahit na may hitsura itong si Robert ay crush lang o kaunting pag tingin lang naman ang nadama nito at ito'y lumipas din. at bakit ngayong naging sina Robert na at Marie ay nag papa siklab ito sa kanya ng selos at pagka galit. 

at ng dumating ang time na nag set ulit ng lakad ang mga barkada nina Charmaine at Marie ay sinakto nina Robert at Marie na mag leave muna sa work kasabay pa ng isang araw na day off. na approved naman ito ng manager nila ngunit hindi ito alam ni Charmaine. umisip ng paraan itong si Charmaine para hindi makasama itong Robert. 

at yun na nga, before the day ng lakad nila ay nag email si Charmaine sa office nila na cancel na muna ang lahat ng naka leave at may day off sa loob ng three consecutive days dahil kakailanganin ng mga manpower para sa mga incoming bulk stock ng mga items, at pag iinventory ng mga first in, first out items at mga equipments. nabahala sina Robert at Marie sa ipina tupad na memo ngunit pinayuhan naman ni Robert si Marie na wag na muna itong mag sasabi kay Charmaine tungkol dito at hahanap ng paraan si Robert. 

sinabi naman ni chef Louie kay Robert na makaka habol siya at tuloy ang leave at day off ng mga tao. maliit lang naman ang kanilang pwesto at hindi naman ganun ka hoarding ang mga delivery items na darating. kaya ngayon pa lamang ay nag start na silang mag inventory ng mga gamit, utensils at mga equipments. and then, ang mga lumang stocks at lastly ang mga new delivery. gaano man ka busy at gaano man ka dami ng tao ay nabibigyan pa nila ng oras ang pag bibilang. natuwa naman si Marie sa ginawang hakbang nina Robert at ng kanilang chef Louie. 

dahil sa suportado ng chef ang pag iibigan ng dalawa. Hanggang sa dumating ang araw ng outing sa isang beach sa Baler Aurora, at mag o overnight ang buong tropa. nag pa sabi nalang sina Marie na hahabol na lang sila papunta duon. 

"Bakit nagpa huli pa itong si Marie. dapat sabay sabay na ang byahe pag punta dito" bulong ni Charmaine sa kanyang isip. habang nasa dalampasigan sila ng dagat kasama ng mga ibang tropa nila ay, "Guy's look! may kasama si Marie" sigaw na wika ng isa nilang babaeng tropa. 

"Baka yung boyfriend niya?" "Tama pare, boyfriend niya yan. cook sa Charm foodie house nina Maine" "Wow, gwapo. artistahin ang dating" "Naku, dapat ikaw ang girlfriend niya Maine at hindi si Marie. ikaw pa naman ang big boss" pangungutyang wika ng isa nilang kasamahan at nag tawanan ang mga ito. si Charmaine naman ay hindi maka kibo at malamim ang mga titig nito sa dalawa. "hello? kay chef Louie nga. kakausapin ko madali!" 

"Yes ma'am, chef Louie ito" "Chef, anong status na dyan sa branch?" "Job well done na ma'am Maine, natapos na po agad ang mga inventory's, mga new stocks at items ok nap o lahat kaya nakapag day off at leave na ang mga tao para hindi masyadong crowded dito sa loob. at as of now, mahina po ang flow at pag pasok ng mga customers natin"

3 things you should promise meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon