Chapter 9

2 0 0
                                    


"Ganun ba? tara na. labas na tayo dito" at muling bumulong na naman si Robert sa kanyang isipan. "Talaga? last kaming nag kissing, sa Baler nung outing? eh, bakit wala akong matandaan? baka iba yata ang naka kissing scene nitong babaing ito" napapa ngiti na lang itong si Robert at napapa iling.

 "Honey? bakit ka nangingiti dyan. is there something wrong?" "Ah, no. wala naman honey. masaya lang ako. syempre I cant believe na magiging tatay na pala ako" "Oh, honey. thank you. you make me so happy talaga" at umakbay ito kay Robert. "Pananagutan ko na sya kung talagang sa akin nga ang batang nasa sinapupunan niya" bulong ni Robert sa sarili. 

lumilipas pa ang mga araw ay patuloy parin ang takbo ng kanilang mga buhay. trabaho, bahay, na halos wala ng masyadong nag liliwaliw sa kanila lalo na itong si Charmaine na hindi pa dumadalaw sa branch nina Robert. isinusubsob na lamang ni Robert ang kanyang sarili sa pagta trabaho. habang abala itong nag hihiwa ng mga sibuyas ay naririnig niya ang pinag uusapan ng kanilang chef at ang isang kusinero din. 

"O' wag mong masyadong titigan ang mga cashier natin bata. naku, kung nakaka buntis lang ang tingin eh, marahil marami ka ng nabuntis sa kaka tingin mo" pabirong sabi ng chef at nag tawanan sila ng isa pang kusinero. 

"At ikaw naman bata, siryoso ka dyan ha? may problema ba ha Robert?" hindi kumikibo itong si Robert. at ng nilapitan siya ng chef ay nakita niyang luhang luha na ang kanyang mga mata. "Ay naku! mag hilamos ka muna duon. napa iyak ka na sa kakahiwa mo ng sibuyas. mahapdi talaga sa mata yan" "Chef, pwede ba kitang maka usap saglit?"

 "Mukhang dibdiban ang usapang ito ha. hindi sa sibuyas galing ang luha mo. tara duon tayo sa stock room mag usap" at nag tungo nga sila sa stock room. ikinuwen to nga ni Robert ang tungkol sa kanila ni Marie. "Mahirap nga yan. hindi ko masabi. kaya pala hindi na nag vi visit dito si ma'am Maine. at nag papa lamig muna" 

"I swear chef, malinis ang konsyensya ko. at alam ko rin ang ginagawa ko" "Malalaman mo nalang siguro ang totoo pagka silang ng bata. sa DNA testing pero, bata yun. ginawa nyo yun. sa iyo yun Robert" "Chef, tanggap ko na ngayon ang lahat. hindi ko naman itinatanggi ang bata. tatanggapin ko ito at mamahalin. walang kasalanan ang bata. at ganyan talaga. atleast na rin nasabi ko at nalaman ni Maine ang tunay na nadarama ko sa kanya" 

"Lalaki din ako Robert, naiintindihan kita. kahit na nakatapos ka, may dating ka, may hitsura ay siyempre mag ka iba ang status niyo ni ma'am Maine sa buhay. boss natin siya. sila ang nag mamay ari ng mga fast food chain na pinapasukan natin at isa pa ay employee ka niya. pero bilib din ako sa iyo Robert. napa in love mo naman si ma'am Maine" 

"Salamat chef. I think, kailangan ko ng mag focus sa new family ko. sa baby ko" Kalaunan ay tinanggap na rin ni Robert ang obligasyon nito kay Marie. sinasamahan niya din ito sa pag papa check up sa doctor. isang araw ay napa pasyal itong si Charmaine sa station nina Robert. habang nag lalakad ito sa loob ng mall ay nakita niya sa isang coffee shop itong si Marie at ang barkada nilang si Jason na tila nag uusap.

 "Huh? anong pinag uusapan ng dalawa?" lalapitan na sa ni Charmaine ang dalawa para kumustahin sila ngunit napa hinto ito dahil nakita niyang tila may pinag tatalunan ang dalawa. "Anong? nag aaway ba sila?" nag hanap muna ng pwesto sa gilid itong si Charmaine para makapag masid ito sa dalawa at, "Iba ang pag tatalo nila at bakit hinahawakan ni Jason si Marie ng ganun at ka higpit?" pa simpleng kinukunan ng video ni Charmaine ang dalawa. 

at ang mga eksenang nakuhanan niya ay ang paghahablot ni Jason sa braso ni Marie at ang mga pang gigigil na reaksyon nila sa isat isa. "Oh my, may something sila. hindi biro ito. baka naman?" iba na ang tumatakbo sa isipan ni Charmaine. "My God! baka may relasyon sila ni Jason. at may nangyari sa kanilang dalawa" at dali dali ng umalis itong si Charmaine pa punta sa fast food station nila. 

3 things you should promise meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon