KWATRO

0 0 0
                                    

KWATRO

Ito na naman ako, hindi makatulog. Paano kung totoo yun? Paano kung si Allice talaga yun?

"Bakit ba kasi ako tumakbo?! Tapos ngayon pagsisihan ko!"

Allice, Allice, Allice bakit mo ginugulo ang utak ko.

Allice...Allice...Allice, bakit hindi kana nagpapakita? Parang awa mo na, gusto ko ng makatulog nang maayos tuwing gabi. Parang awa mo na.

Nandito na naman ako sa park, nakatanaw sayong umuupo sa bench. Imagination ko na naman ba 'to?

"Allice?"

"Pasensya ka na kahapon, nagdala na akong regalo para sayo." Nakita ko yung isang box na kulay asul na katabi nito.

So totoo ang kahapon? Totoo rin ang ngayon? Sinampal sampal ko ang sarili ko at_ totoo nga. Totoong-totoo ang Allice na nasa harapan ko ngayon!

Umupo ako sa kabilang dulo ng bench. Hindi ko alam pero nanginginig ang buong katawan ko, kahit na ang mga labi ko. Hindi ako makapaniwalang kasama ko ulit siya ngayon. Isang buwan akong naghintay at nabaliw sa kakaisip sa kanya at ngayong nasa harapan ko na siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Buksan mo na ang regalo ko." Napatingin naman ako sa box na nasa gitna namin, hanggang na napatingin ako sa  kanya. Naka- sleeveless ulit siya na black na dress na hanggang tuhod, naka- sun glasses rin na black at nakalugay pa rin ang maalon niyang itim na buhok na natatakpan ang kanyang mukha.

"Buksan mo na." Nakayuko niyang sabi. Binuksan ko ang box at_

"Ice cream?"

"Natunaw na nga, e." Binuksan ko ito at tama nga siya, tubig na yung Chocolate Ice Cream. So naghintay talaga siya sa akin? May napansin rin akong kutsara sa gilid nito. Bakit isa lang?

"Okay lang. Alam mo bang paborito ko ang Ice cream?"

"Mukhang nagalit ka yata kasi kahapon, dahil wala akong regalo sayo."

"Hala, hindi! Akala ko kasi imahinsayon lang kita?" Napatawa naman siya sa sinabi ko. Ang tawa niya, sobrang namimiss ko.

"Imahinasyon?" Bumaling siya sa akin. Napatango lang ako bilang sagot, nahihiya ako sa kanya.

"Lagi mo ba akong naiisip?" Nakayuko niyang tanong.

"Oo, e." Sabay kamot ko sa batok ko. Nakakahiya talaga ito, Anton.

"Kahit isang beses pa lang nating nagkita, hindi ko alam. Pero parang matagal na kitang kilala na parang_basta. Pasensya na talaga kahapon."

"Okay lang, kainin mo na yang ice cream mo." Kinuha ko naman ang kutsara ko, sinimulan na ngang isubo ang Ice cream ko.

"Ayaw mo?"

"Ayoko. Sayo yan."

"Sige na, susubuan kita."

"Hindi ako kumakain ng ice cream." Sagot niya na nasa paligid ang tingin. Nahihiya ba siya?

"Ano gusto mong kainin? Tara kain tayo?" Umiling-iling siya na sobrang na kinalungkot ko.

"Dito lang ako." Sumubo na lang ako nang sumubo ng ice cream. 

"Salamat dito, ah! Ang sarap!" Komento ko sa ice cream na dala niya.

"Mabuti naman at nagustuhan mo."

"Ano nga pala?" Itatanong ko ba? Pwede ba yun? Hindi ba personal yun?

LOVE IS BLINDWhere stories live. Discover now