OTSO II

0 0 0
                                    

OTSO II

Dalawang oras na kaming bumabyahe, napagpasyahan kong huminto muna para kumain. Buti na lang talaga may dala kaming pagkain, bumili kami ng pandesal at fries. Yun kasi ang paborito ni Pat, nagbaon rin kami ng tubig.

Hinalikan ko muna siya sa noo bago gisingin.

"Hmm?" Napatawa na lang ako kasi naka-pikit pa rin ang mga mata niya.

"Nandito na ba tayo?" Ayan, nagmulat na rin siya ng mga mata.

"Wala pa, Dalawang oras na lang nandoon na tayo."

"Bakit mo ako ginising, Anton?" Mukhang gustong-gusto niya pang matulog.

"Kakain po tayo, Prinsesa ko. Nagugutom na ako, pagod na ako kakadrive."

"Hala, ganun ba? Saan tayo bibili?"

"Anong bibili? May dala ako. Pandesal, fries at tubig." Gumuhit ang ngiti hindi lang sa kanyang labi kundi sa kanya ring mga mata.

"Palangga ta gid ka kaayo, Anton."

"Mas Mahal kita, ano ka ba?" Napatawa na lang kami at nagsimula ng kumain. Matapos naming kumain ay nagkwentuhan lang saglit...

"Oo nga. Naalala mo rin ba yung nalaglag ka sa duyan tapos ako sinisi mo e, pinapanuod lang naman kita. HAHAHAHA."

"Ewan ko sayo! Tama na nga! Puro kalokohan ko nung bata pinagsasabi mo, atsaka hindi pa ba tayo aalis? Anong oras na ba?" Napatingin ako sa wrist watch ko at_

"Alas nuwebe na? Isang oras na pala tayong nag-uusap?" Hindi mo talaga mamamalayan ang oras kung enjoy ka sa taong iyong kausap.

"Ang daldal mo kasi."

Nakarating na kami dito sa probinsya. Alas Onse kinse na. Sa halip na Apat na oras ang byahe ay naging limang oras, dahil nga sa daldalan namin nung huminto kami para kumain.

"Pat?" Ito na naman ako ginigising siya. Ang himbing ng tulog niya. Para siyang anghel na natutulog. Hinaplos-haplos ko ang namumulang pisngi niya. Wala itong kahit na anong kolorete sa mukha, pero sobrang ganda niya pa rin. Simple yet gorgeous.

"Hmm?"

"Nandito na tayo, Love." Sabay halik ko sa noo at ilong niya.

Inalalayan ko na siyang makababa. Sinalubong naman kami agad nina Tiyang Nena at Tiyong Lito at ang kanilang dalawang kambal. Sina Neli at Nato, sampung taong gulang.

"Magandang umaga po." Bati ko sa kanila.

"Ito na ba si Patricia? Kay gandang bata." Papuri ni Tiya Nena kay Pat.

"Maraming salamat po...yun nga lang po bulag na." Sabay tawa niya nang peke. Mas hinigpitan ko ang kapit sa mga kamay niya, naramdaman niya ito at ngumiti lang.

"Kahit bulag ka iha, maganda ka pa rin. Maari ka pa namang makakita diba?"

"Opo, kaso hirap lang makahanap ng donor. Hindi na rin po ako umaasa. Baka parusa rin po ito sa akin."

Matapos naming kumain ng tanghalian ay umakyat kami ng kwarto upang ayusin ang mga gamit namin.

"Umupo ka muna diyan." Maingat ko siyang pinaupo sa kama atsaka inasikaso ang mga gamit namin.

Alas kwatro na nang magising ako. Mahimbing pa rin ang pagkakatulog ni Patricia sa kama. Hinagod-hagod ko ang likod ko dahil sa nanibago ito. Sa sahig kasi ako natulog at tanging banig at kumot lang ang nakalatag.

LOVE IS BLINDWhere stories live. Discover now