SIYETE
Nagmamadali akong sinuot ang mga damit ko at bumaba na. May bisita daw kasi ako at napaka-importante daw. Gusto ko pa sanang matulog pero may dala daw itong ice cream kaya ito pababa na ako ng hagdan.
"Bro?" Salubong ni JC sakin pagkababa. Siya lang pala ang bisita ko.
"Nasaan ice cream ko?" Walang ganang tanong ko rito.
"Nandoon sa bisita mo." Bisita? So hindi siya?
"Bisita?" Tumango lang siya bilang sagot. Hindi ko alam kung nagmamalikmata lang ba ako o totoong matamlay at malungkot ang mukha ngayon ni JC.
"Nasa sala siya." Sabay naming pinuntahan ang sala at...hindi ko inaasahan ang madadatnan ko. Nakaupo ito sa sala at nakayuko. Naka itim na bestida pa rin ito at nakalugay ang buhok. Kahit hindi ko makita ang istura niya, alam kong siya si Pat.
"Patricia..."Pagtawag ni JC sa kanya, kaya napaangat siya ng tingin. Nakapagtataka at wala itong suot na salamin sa mata. Napalingon siya sa gawi namin dahilan para matitigan ko ang mga mata niya, ang maamong mata niya. Kasing itim ng kape ang mga ito, pero sobrang hinayang lang dahil hindi niya manlang ako kayang titigan.
"Anton..."Ang boses niya...
"Anong...gi..nagawa mo rito?" Para ba humingi ng tawad? Tinapik ako ni JC at iniwan kaming dalawa.
"I'm really sorry." Tumayo siya at akmang lalapitan sana ako pero natumba ito, tutulungan ko na sana siya nang may napansin ako. Nangangapa ito na parang wala makita?
"Pat? " Napalingon ito sa akin pero wala sa akin ang paningin niya. Bulag ba siya?
Tinulungan ko itong makaupo nang maayos. Panay lingon nito sakin at ramdam ko rin ang kaba at pagkailang niya sa akin.
"Pat? Bulag ka ba?" Deretsang tanong ko pero napayuko lang siya.
"Pat?! Bulag ka ba?!" Pinagloloko niya na naman ba ako? Sobrang gulong-gulo na ako.
Lumipas pa ang ilang minuto pero hindi niya pa rin ako sinasagot. Umupo ako sa sofa na nasa harapan niya at napasabunot na lang sa aking buhok sa sobrang inis.
"Ano ba?! Hindi ka naman pipi diba?" Napatakip siya ng mukha at doon ilang beses tumango nang tumango.
"Oo, bulag ako, Anton." Tama ba ang narinig ko?
Hindi ko alam anong dapat kong maramdaman. Bulag? Paano? Kailan? Kaya pala nung una naming pagkikita sa park ay lagi lang siyang nakaderetso ng tingin. Kaya pala hindi niya akong kayang titigan. Kaya pala nakasuot ito ng salamin sa mata. Kaya pala...pero bakit hindi niya sinabi? Bakit kailangan niyang magsinungaling?
"Anton?" Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mga mata at pekeng ngumiti.
"Alam kong dahil sa nalaman mo ngayon.. madadagdagan na naman ang mga kasalanan ko sayo." Napatigil siya at pekeng tumawa.
"Patawad sa nangyari 12 years ago, patawad dahil hindi ako agad nagpakilala sayo at patawad dahil hindi ko sinabi sayong bulag ako." Gustong ko siyang yakapin, gustong-gusto. Pero pinipigilan ako ng mga pinag-iisip ko; na bakit hindi niya manlang sinabi sa akin? Bakit siya nagsinungaling? Bakit niya ako niloko? Bakit niya akong ginawang tanga? Ang daming bakit ang paulit-ulit tumakbo sa aking isipan.
"Bakit? Bakit, Pat?" Hindi siya sumagot at humagulgol na lamang sa iyak.
"Sagutin mo ako! Kasi gulong-gulo na ako, kung ano ba dapat mararamdaman ko!" Napatayo na ako dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ko. Agad namang dumating si JC, may kasama itong babae na hindi ko kilala.
YOU ARE READING
LOVE IS BLIND
Teen FictionLove is a feeling. Can't be touch. Can't be seen. It can only be felt. That what makes LOVE IS BLIND.