UNO
12 years later...
"Bro! 27 kana next month pero wala ka pa ring girlfriend." Isinara ko ang ref at nilagay ang kinuha kong isang bowl ng ice cream sa lamesa.
"As long as may ice cream ako, okay lang, Bro!" Natatawang sabi ko sa lalaking nanggugulo na naman sa pamamahay namin. Inabot niya sa akin ang isang kutsara at nauna pa sa aking sumandok ng ice cream.
"Mas masarap pa dito yung feeling ng may girlfriend." Umiling-iling lang ako at inalayo sa kanya ang ice cream. Ilang beses niya pa akong kinulit pero tahimik lang akong sumusubo ng ice cream ko.
Ang relationship kapag naging cold, sobrang sakit pero yung ice cream kapag naging cold sobrang sarap. See? Mas mabuti talagang ice cream ang piliin ko.
"Kuya! Baka maunahan kitang mag-asawa." Binatukan ko naman siya, pero mahina lang naman. Ang bata pa, e, kung ano-ano na iniisip.
"11 years old ka pa lang, magpatuli ka muna." Sabay tawa ko na sobrang ikinagalit niya. Ayun pinaghahampas ako ng unan. Nasa sala kasi kami ngayon nanunuod lang ng TV, yung mga magulang naman namin busy sa trabaho. Meron lang kaming kasambahay ni Alexander. Dalawa lang naman kaming magkakapatid, pag nag-asawa ako paano na ang kapatid ko?
"Bro! Gising na! Hoyyyyyy!" Parang makakapatay ako ng tao ngayong araw.
"Bro, binilhan kita ice cream pandagdag sa konsumo mo." I mean, makakayakap pala ako ng tao ngayon. Bumangon ako at agad ko siyang niyakap kaya muntikan niya na akong suntukin.
"Bakla ka ba, ha?" Pinagtawanan ko lang siya at dumeretso na sa banyo.
"Dumikit yung laway mo sa damit ko! Bakla ka!" Rinig kong sigaw niya. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ako bakla, sadyang ganyan lang talaga ako ka-komportable kay JC. Kaklase at kaibigan ko siya since highschool hanggang ngayon na may kanya-kanya na kaming trabaho.
"So bakit nandito ka na naman sa bahay?" Tanong ko ka-agad sa kanya nang makababa na ako sa hagdan. Nginitian niya lang ako at pinabihis ako ulit. Anong meron sa suot?
"May pupuntahan tayo."
"Anong pakulo 'to?" Ayoko ngang magbihis!
"Bibihisan pa ba kita?" Nang-asar pa ang mokong. Dahil wala akong choice nagbihis na nga ako, dahil alam kong hindi niya ako titigilan.
Tahimik lang kami sa daan, napagod na ako kakatanong kung saan niya ako dadalhin. Tumigil kami sa isang sikat na restaurant. Ito na naman tayo, alam ko na ang mangyayari.
"Sheena, this is Anton, my friend. Anton, si Sheena, bestfriend siya ng girlfriend ko." Pake ko? Ayoko talaga nito!
"Bro, restroom muna ako."
"Tatakasan mo na naman, e." Bulong niya sa akin.
"Ihing-ihi na talaga ako."
"Babantayan kita, Anton. Huwag mo akong ipahiya kay Sheena." Nginitian ko lang siya at yung sinabi niyang si Sheena. Nang malapit na ako sa Restroom ay natatanaw ko pa rin sila, buti na lang nakatalikod sa akin yung babae habang si JC naman ay hindi talaga tinatanggal ang paningin sa akin.
'Akala ko ba magbestfriend tayo, palayain mo na ako.' Pagmamakaawa ko sa kanya gamit ang tingin.
'Hindi. Bumalik ka rito. Para sa kinabukasan mo ito.' Ito ang nababasa ko sa tingin niya.
Wala ngang duda, matalik nga kaming magkaibigan ni JC. Na kahit sa titigan nagkakaintindihan kami. Bigla naman yata siyang kinausap ni Sheena, kaya maypagkakataon ako. Agad akong tumakbo palabas at nung lingunin ko siya, nagpapaalam na ito kay Sheena.
YOU ARE READING
LOVE IS BLIND
Ficção AdolescenteLove is a feeling. Can't be touch. Can't be seen. It can only be felt. That what makes LOVE IS BLIND.