Teach Me Well, Chief

68 3 6
                                    

ARIZA ISLE

Maaga pa lang nasa office na ang halos lahat ng staff ng FROSCHE, pero hindi usual na late ang head namin - si Margarette.

Yep, you read that right. Sya ang Editor namin for almost two years na rin.

At kapag parating na sya, you will hear the usual sound of her stilletos na akala mo dambana na nagpapahiwatig ng sakuna. Well, kilala na sya ng buo nyang staff with her usual -

"Morning." bigla nyang bungad

See? Speaking of the monster este madam editor.

"Good Morning Chief~" bungad na bati ni Pau sa kanya

"There is no good in my morning." anya at pumasok na sa kanyang opisina

And like the usual, ang isa naming intern ang taga-dala ng kape sa opisina nya - si Harley, well not Harley Quinn but Harley Sebastian, isa sya sa mga hanga sa bestie kong maldita in terms of the professionalism and job.

"Urrrgh! I hate Mondays!" anyang sigaw ni Marge

Agad namang lumabas sa opisina nya si Harley - "Ey, Harley Quinn." pagtawag ng isa pa naming intern, si Sean.

"Hindi ko jowa si joker." sagot ni Harley

"Tch, para magtatanong lang,"

"Anong konek ni joker?"

"Oh wag kayong mag-away dyan," awat ni Vincent, ang isa sa mga writers namin

"Harley, anong problema ni Chief?" tanong ni Pau

"Ewan ko. Basta na lang sya nag ganun."

"Hayaan nyo na sya, parang di pa kayo nasanay." saad ko

Biglang syang lumabas sa opisina nya kaya napatigil kami sa pagsasalita.

"Since Claudette Bartolome won't be in our team as the associate, kasama ang mga alepores nya, Madam Chae recruitted staffs from the 2nd department and the new associate." anunsyo nya

"Kelan ang dating nila Chief?" tanong ni Sherrie

"Supposedtedly, dapat nandito na si- ah, here they are." anya sabay tingin sa pintuan

"Sorry we're late Ms Margarette." ani ng isa sa kanila na medyo mahiyain pa ata

"It's fine. Ayokong dagdagan ang sakit ng ulo ko ngayong araw, but I hope you'll be earlier than me tomorrow."

'Madalas kang maaga kaya paano ka mauunahan? Ngayon ka lang na late eh'

Para bang alam nya ang nasa isip ko kaya napangiti na lang ako ng pagtaasan nya ako ng kilay.

"Yung bagong associate?" untag ni Pau

"I don-" natigil sya magsalita ng biglang may pumasok sa loob ng opisina

"Sorry I'm late, good morning by the way." and with that halos matulala ang mga babae sa opisina, including me.

Aba, sa gwapong nilalang na pumasok sa opisina sinong hindi mapapangiti? Well, meron, and that, ladies and gentlemen is none other than our editor, my bestie.

Nakita ko na nginitian nya ang maldita at seryoso kong best friend, and when I look at her, she had this usual flat face reaction.

'Seryoso? Di man lang sya na gwapuhan?'

"Balak nyo na lang bang tumayong lahat dyan? Get your jobs done, the deadline is next month first week, as for the new comers, I'll give you your post later." anya

Love Me, Oh Chief! I Rae-Mon Series Book 1 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon