Kabanata 16: ACES

246 17 7
                                    

THE NEXT morning, maaga kaming lumabas para pumunta sa mall at sa ilang shop na sinabi ni Nessine. May kailangan daw kaming bilhin na mga gamit bago ang lahat. But first thing foremost, we got a new van.

"Ano'ng oras umalis 'yong iba?" nakabusangot na tanong ni Andrew.

He was on his usually spot— sa gitna ng van habang si Harriela ay nasa likod, nagbabasa. Ako naman ang nasa unang upuan dahil sa dati kong p'westo, si Seven na ang nago-occupy.

"Siguro mga six ng umaga," tugon ko habang pinupusod ang aking buhok.

"'Andaya. Hindi ba sila sasama sa 'tin?"

"Raven will look for his brother. Papabantayan muna niya sa Tita niya habang wala siya. Kailra and Kieffer will handle Manong Vled's case," paliwanag ko.

Others need to settle something so kami lang lima ang magkakasama. Since Raven was gone for weeks, nag-aalala na siya sa kalagayan ng kapatid niya at alam niyang gano'n din ang kapatid niya sa kaniya. Rein is in an early adolescence, kailangan niya ng matandang magbabantay sa kaniya. Raven will call his relatives to have someone to look for his brother while he was away.

Sa case naman ng dalawang sina Kieffer at Kailra, kakausapin niya ang kaniyang ama at ibibigay na ang pinakatinatago nilang ebidensya. The ace will be revealed and then... boom! Game over.

Andrew crossed his arms as he pouted his lips. "So tayo lang nga?" malungkot niyang sambit.

"I guess..." Binitawan ko na ang aking buhok matapos puyudin. "Yep."

Malalim siyang napabuntong hininga dahil sa narinig. Naging tahimik ang buong byahe namin hanggang sa makarating kami sa mall. Andrew was not speaking and his forehead was like a crumpled paper. Siguro nalulungkot siya na wala ang iba dahil wala siyang maasar.

Bumaba na kami ng van. Wala kaming binitbit na kahit ano. Sinalubong kami ng mainit na temperatura gawa ng mataas na sinag ng araw.

"Susunod sila," mahinang sambit ni Nessine na nagpangiti kay Andrew.

"Yes!"

We entered inside the mall. Mabilis namang nagpalit ang temperature mula sa mainit na napalitan ng malamig. It had more than a bite of frost and the air made my lungs feel chilled just to breathe it in.

Nilibot ko ang paningin ko at gaya nang lagi kong nakikita at inaasahan, napakaraming tao ngayon kahit alas nuebe pa lamang ng umaga. Kabubukas pa lang ng mall pero sobrang dami na 'agad ng tao.

"Kutra adhisthana?" (Where is the shop for knives?)

"Adhogrha," (Basement) Seven answered as he pointed his index finger below.

They did it again, talking with their own language. Wala kaming naintindihan sa pinag-usapan nila dahil sa muli nilang pag-uusap ng kanilang alien language.

Nessine looked at us and tilt her head. "Basement tayo."

Nagsimula silang maglakad ni Seven kaya sumunod na lamang kami. As we headed to the elevator, wide variety of shops lined at the area: jewelry and accessory shops, luxury boutiques, souvenir, branded clothing and antique and art stalls.

Lumapit sa 'kin si Andrew. "Mas masaya sana kung na'ndito 'yong iba."

"Andrew, hindi naman tayo pumunta dito para mamasyal eh. We are here for something important, not to have fun."

"Kahit na, mas maganda pa rin kung kumpleto tayo. Saka, hindi ako sanay na kulang."

I easily understand his point. Kahit ako naman ay hindi mapalagay dahil sanay akong lagi naming kasama ang isa't isa. Pero sabi nga, hindi naman sa lahat ng oras ay nasa tabi mo ang mga taong nakasanay mong makasama. We should also learn to stand in our own because not all times their will be at your side.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon