Napamulat ang aking mga mata dahil sa lamig na aking nararamdaman at bumulaga sa akin ang napakadilim na paligid na umabot na sa puntong wala ka nang makita na tila wari'y bulag ka. Bumangon ako sa aking pagkakahiga at hinanap ang cellphone ko na nakapatong sa lamesang katabi lamang ng kamang hinihigaan ko upang may magsilbing liwanag sa napakadilim na paligid.
Napaisip-isip ako kung nasaang lugar ako pero aking napagtanto na nasa bahay lamang ako ngunit ang ipinagtataka ko. . . "Bakit napakadilim?" wika ko sa mahinang boses at napagtanto ko na patay ang lahat ng ilaw miski sa sala namin dahil wala akong makitang liwanag sa maliit na butas ng aking pinto. Gano'n na rin sa likod bahay namin. Pero bakit, brown out ba? At bakit sobrang lamig ng aking nararamdaman?
Binuhay ko ang flashlight ng cellphone ko at nagsimula nang tumayo at maglakad palabas ng aking k'warto. Ginala ko sa buong paligid ang liwanag na nagmumula sa cellphone ko ng ako'y nakalabas sa aking silid. Sa napakabilis na pangyayari, kasabay nang pagbaling ko sa iba namang direksyon ang biglaang pagdaan ng isang mabilis na anino.
"Shit!" mura ko sa mababang tono na sapat lamang upang ako lang ang makarinig. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pagkakagulat. Alam kong hindi ako namalikmata, ngunit may tanong na siyang nagpabagabag sa akin, kaninong anino iyon? Ako lamang naman ang tao rito, maliban na lang kung. . .
Halos mapasigaw ako dahil sa biglaang pagpapakita muli nito. Natatakot man ay inipon ko ang lakas ko upang makapagsalita. "Sino 'yan? Ma, Pa, k-kayo ba 'yan?" ngunit walang sumagot. "L-lian? Y-yana? L-iza?" takot na takot kong bigkas ngunit wala muling tumugon dito. Kasabay ng mabibilis na pagtaas baba ng aking balikat, dali-dali akong nagtungo sa kani-kanilang k'warto para malaman kung nandito ba sila.
"Ma?! Papa?!" sigaw ko at tinutok ang ilaw sa kanilang kama pero. . . wala sila. Kasunod nito ay nagtungo naman ako sa k'warto ng mga kapatid ko at gaya kay na mama, wala rin sila. Nasaan sila? Hindi, nasaan ako?
Lalong tumindi ang takot na aking nararamdaman sa mga oras na ito ng biglang naagaw ng atensyon ko ang isang tunog ng pinto, tunog nang pagbubukas ng pinto. Dahan-dahan akong napatingin dito at kinagulo ng isip ko ng makita ko ito. Ngayon ko lamang 'yon nakita sa pamamahay namin, walang ganoong pinto sa bahay namin! Pero ang ikinagulat ko ay ang unti-unting paggalaw ng aking mga paa patungo doon na tila wari'y nagkaroon ito ng sariling buhay. Gusto kong tumigil dahil baka isa iyong patibong, patibong na maari kong magsisihan kapag nakita ko pero hindi ko maramdaman ang mga paa ko, hindi ko ito maramdaman! What is happening?!
Nang tuluyan na akong makapasok dito. . . kadiliman, kadiliman ang bumungad sa akin, malayo, malayong malayo sa inaasahan ko, pero mali pala ako, hindi pa roon nagtatapos. May isang taong nakatayo patalikod sa unahan ko at nagpasindak sa akin ang kaniyang baril na hawak-hawak. Siya ba? Siya ba ang taong nasa likod ng mga aninong iyon? Ngunit sino siya?
Hindi ko makita ang kaniyang mukha sa kadahilanang ito'y nakatalikod. Nakasuot siya ng itim na pantalon at pulang damit na masasabi kong isa siyang babae dahil sa kurba ng kaniyang pangangatawan. Bagsak ang kaniyang itim na buhok at may katangkaran ngunit hindi ko pa rin maitatago ang kakaibang aking nararamdaman, parang, parang kilala ko ito, mula sa kaniyang pangangatawan, bagsak na itim na buhok at isama mo pa ang taas niya, parang alam ko na kung sino siya, siya, siya ay walang iba kundi. . .
Ako
Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ako nagkakamali, siya ay ako. Ngunit paano? Bakit? Kasabay ng mga tanong na gumugulo sa utak ko ay ang biglaang pag-appear ng mga taong aking ikinagulat. Sina Mama, Papa, Lian, Liza at Yana, ang kanilang mga kamay ay nakakadena at walang malay. Biglang nagulo ang sistema ko nang itutok ng babae ang baril na hawak niya kay Lian at walang pakundangan itong binaril sa ulo.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETED
Misterio / SuspensoA story twisted. A story that wasn't meant to be. With her mysterious book, future is predictable in its unpredictability. "When the words become visible, the future begins." BOOK 1 | TENEBROUS BOOK 2 | NEFARIOUS [IN ONE BOOK] 🔎Rank #2 in Fantasy...