Kabanata 21: HELLCOME BACK

940 136 18
                                    

"Don't forget to take your medicine 'nak ha," paalala ni mama bago ako tuluyang makalabas ng sasakyan.

"Opo," sagot ko naman. "Ingat po," paalam ko sabay kaway sa kanila at silay nama'y kumaway pabalik sa akin bago tuluyang umalis.

Hinatid ako nina mama at papa rito sa school katulad ng mga kapatid ko. Siguro ay nag-alala pa rin sila sa kalagayan ko at napapansin ko ito sa mga kinikilos nila. Hindi ko naman sila masisisi.

Tiningnan ko ang kabuuan ng school bago ako pumasok. Kung iyong pagmamasdan tila isang normal lamang itong paaralan, mayroong guard na nagbabantay at nagche-check sa paligid, mga estudyanteng may kaniya-kaniyang k'wento sa buhay, at mga guro may dala ng iba't ibang gamit na panturo, bawat isa ay may ngiti sa kanilang labi na totoo o maaring isang kasinungalingan lamang, pero ang totoo mayroon ding mga bagay na hindi nalalaman ang mga nakararami tungkol sa school na ito, at isa na ako roon.

Sa halos isang linggo kong hindi pagpasok, wala pa rin namang gaanong pinagbago maliban na lamang sa bilang ng mga guard na parang dumami. Araw ngayon ng lunes at tama lamang ang aking pasok para madatnan ang mga estudyante at mga gurong pumapasok ngayon sa school. I am fully healed. Dalawang araw pagkatapos kong magising, pinauwi na rin ako ng doctor para sa bahay na lamang magpahinga. Wala nanamang gaanong nakitang problema sa akin ang doctor. Isa pa rito, paulit-ulit nilang sinasabi sa akin na isang himala raw ang nangyari. Naisip ko rin, baka may kagagawan din ang libro kung bakit ako nakaligtas.

Nagsampa ng kaso ang mga magulang ko tungkol sa nangyari. Gusto nilang imbestigahan ang nangyari dahil naniniwala silang hindi ko magagawang magpakamatay at may tao talagang nagtangka sa buhay ko noong mga araw na 'yon. Agad kong kinausap si Yana tugkol dito, at hindi naman niya tinanggi na sinabi niya nga ito kay na mama. But I do understand her, hindi ko siya masisisi, hindi ko siya kayang pagalitan dahil alam kong nag-aalala lang siya sa akin at hangad ang kapakanan ko. Pero gaya nang sinabi ko kay Yana, sinabi kong hindi ko nakita ang mukha ng tumulak sa akin. Sinabi ko rin na nandoon ako sa mga oras na 'yun para magpahangin at hanggang sa sumunod-sunod na ang mga kasinungalingang binitawan ko. Hindi ko alam kung bakit ba nagagawa ko pang proteksyonan ang taong naghukay ng aking sariling libingan.

Pumasok na ako sa school. Habang naglalakad sa hallway, napansin ko ang grupo ng mga estudyanteng nagkakagulo sa may tapat ng bulletin. Mapapansin ko sa kanilang ang tuwa kaya wala akong ibang ginawa kundi lumapit na lamang din para alamin kung anong meron doon.

Pagkarating ko roon ay agad kong tinignan ang nakapaskil doon. Limang bond paper ang nakadikit dito at may nakatusok na pulang pin. Naglalaman ito ng mga pangalan na masasabi kong pangalan ng mga estudyante dahil nakita ko ang pangalan ko sa pangatlong bond paper na nakadikit.

"This Wednesday na! Akala ko hindi na matutuloy 'yung activity," rinig kong sabi ng isang babae na may mahabang buhok. Mapapansin ang pagkatuwa niya nang sinabi n'ya 'yun.

"Ako nga rin. Kasi nga diba dahil d'un sa isyung may tumalon na babae," sabi pa ng babaeng kausap niya.

"Oo nga. Rinig ko umabot daw 'yun sa itaas kaya parang kwinesyon 'yung school regarding dito," pagpapatuloy noong babaeng mahaba ang buhok.

"K'wento-k'wento nga daw. Pero mukhang naayos nanaman ito ng school," nakangiting sambit ng isang babae.

"Yep-yep. Ang mahalaga, tuloy na ulit ang activity!" tumatalon niyang sabi. "Kagrupo ko pa naman si crush! Waaa!" kinikilig niyang sabi at umalis na rin kasama ang babaeng kausap niya na sa tingin ko ay kaibigan niya dahil sa closeness nila sa isa't isa.

Napaisip ako dahil sa narinig ko sa pag-uusap nila. So hindi pala natuloy ang activity dahil sa nangyari at ang pinakamalala pa n'yan, mukhang nakaapekto talaga ito sa school.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon