Kabanata 01
Blow pov.
"Ano nanaman ba problema sa script ko??"tanong niya kay direk lysa.
Alam niyang binibuwisit lang siya nito kaya palagi nitong pinapalitan ang ginawa niyang story. Isa siyang scriptwriter at ito naman ay director nila sa isang movie na gagawin nila.
"Tinatanong mo pa kong ano ang problema?? Diba sabi ko lagyan mo naman ng sexy lines yang story. Parang 14 years old lang ang gumawa nito. Paano magiging patok sa takilya yan ahhh.."galit na sabi nito at binato sa kanya ang script na ginawa niya.
Nagbuntong hininga siya at pinulot ang script niya saka tinignan ito.
"Walang problema sa script ko direk. Alam mo kong ano ang problema ikaw.."nagtitimping sabi niya. Tatlong beses na niyang pinapalitan ang script niya.
"So sumasagot kana sa akin?? Ako ang direktor dito kaya alam ko kong maganda ba o hindi yang ginagawa mo.."galit na sabi nito.
Sasagot ulit sana siya ng may bumato dito ng balat ng suman..
Napatingin sila kay princess zee na bida sa ginagawa nilang movie ngayon.
"Ohhh sorry akala ko basurahan hindi ko alam na tao pala...."nakangiting sabi ni princess zee saka lumapit sa kanya at kinuha ang script. "This script is good. Wala naman akong nakikitang mali..."sabi nito saka tinignan si direk lysa.
"Hindi ka direktor para sabihin yan princess zee."sabi ni direk lysa na nagtitimpi rin sa galit na nakatingin kay princess zee..
"Yeahh im not..but alam ko kong maayos ba ang gawa o hindi. Like yang ilong mo na gawang retoke...."sabi nito saka nag pose pa sa harapan ni direk lysa na ngumisi pa.
Kita naman niya ang galit sa mukha ni direk lysa.
Parang gustong nitong asarin si director lysa pero sa tingin niya nagtagumpay naman ito dahil kita niya ang sobrang galit na galit ni direk lysa.
"Pwede ba princess zee wag ka na makialam dito. Saka hindi retokada ang ilong ko.."sabi nito...
"Oh really... Bakit hindi pantay.. Inborn ba yan.. oh my."nakangiting sabi ni princess zee.
"How dare you!!"galit na sigaw ni direk lysa.
"What?? Galit kana ba?? Alam mo lysa wag mo siyang pag initan dahil lang nagseselos ka sa kanya dahil fiancee niya si sky."nakangiting sabi princess zee.
Hindi niya maiwasan tignan si direk lysa na galit na galit..
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!!"galit na galit na sabi ni direk lysa..
"Opppsss totoo naman diba na gusto mo si sky pero galit na galit ka ng malaman mo na fianance na siya ni blow. Alam mo para kang kontrabida sa kanila. Kong mag move on kanalang kasi para hindi ka namumukhang witch. And fyi lang ahhh hindi ka papatulan ni sky dahil hindi siya pumapatol sa bading na naging babae.."nakangiting sabi ni princess zee saka ngumiti ito sa kanya.
"Sumusobra kana zee.."galit na sabi ni direk lysa..
"Tama na princess zee."sabi niya dito dahil ayaw niya ng gulo ngayon.. Wala pa kasi siyang tulog at parang pagod na pagod siya..
"Im telling the truth.."sabi nito..
"Hindi mo kilala ang binabangga mo princess zee. Pwede kitang tanggalin dito at palitan..."seryosong sabi ni direk lysa.
Biglang tumawa ng malakas si princess zee.
"Ako tatanggalin mo?? Seriously?? Alam mo mas mabuting ikaw nalang ang tatanggalin dito dahil wala ka namang ginagawa kundi pahirapan si blow at ang mga staff dito."nakangiting sabi ni princess zee na parang hindi natatakot.
BINABASA MO ANG
FUCKING WOMENs 10: Skylander Elliot Taylor
Ficțiune generalăMogo mogo please.. Mag usap tayo.."pakiusap nito. Tinabig niya ang kamay nito. "Binigyan kita ng isang pagkakataon sky. Binigyan ko ang hinihiling ng puso ko kahit tutol ang isip ko. Pero nagkakamali pala ako sa pagpili.."galit na galit na sabi niya...