Katelyn Mendoza
active now1: 58 PM
Katelyn:
Hi Apple
Hindi na talaga kinakaya ng konsensya ko e
I want you to stop seeing JC.
He's just trying play with your feelingsKatelyn:
Narinig ko ang usapan nila ni Skyler
Nakipag break ako kay JC dahil nahuli ko siyang nambabae
After I broke up, He started playing again
and eventually ikaw ang napili niyang biktimahinKatelyn:
Apple
I'm warning you.
Stay away from that guy.
seen at 2:02 pm"Apple—"
Hindi ko nilingon ang pwesto nina Ella at Brena. Mabilis kong kinuha ang gamit ko at tumakbo palabas ng room.
My heart is too shattered right now.
Hindi ko inakala na ganon pala siya kawalang puso! Hindi ko rin inakalang mahuhulog ako ng husto.Hindi ba Apple?! Ilang beses kitang pinaalalahanan na tumigil na.
Hindi ko na rin namalayan napadpad ako sa isang parke. Masyado bang naokupahan ang isipan ko kaya hindi ko na napapansin ang paligid?