AppleHindi ko pa ulit nakikita si John Carlos. Binisita ko na rin siya sa classroom nila pero wala raw pumasok sabi ni Skyler.
Ilang linggo na ang nakaraan matapos kong malaman ang lahat. Isang araw lumapit sa akin si Katelyn na kasama si Andrew at humingi ng tawad. Ngunit di ko lang siya na sagot dahil hindi ko rin naman alam ano ang sasabihin ko.
Hindi naman rin kasi madali ang naramdaman ko nun. I almost got distracted by my attraction to John Carlos. I feel cheated and betrayed. Hindi ko pa rin makita bakit gustong gawin ni Katelyn ang matanggal sa batch valedictorian.
"John, napadaan ka?"
Natigilan ako at nilinga ang paligid. Wala naman akong nakikitang John Carlos sa paligid. Bahagyang nalungkot ako roon. I just don't consider him as a friend, I think I like him already, but technically I really did have a crush on him before everything of this happened.
"Tara na Apple!! Mauubusan na ako nung Chicken Curry sa Canteen!!" sigaw ni Ella sa may pinto at aligaga. Matamlay akong sumunod sa kanila.
Pagpasok namin sa canteen ay mahaba muli ang pila. Todo reklamo si Ella dahil paniguradong mauubos na naman ang paborito nitong ulam.
Habang kami ni Brena ay nagku-kwentuhan ay natigilan siya at tila may tinitignan sa likuran ko. Dahil sa takang taka ako sa reaksyon niya ay napalingon na ako.
Nanlaki mga mata ko nang makita si John Carlos. Naka casual na damit lamang may dalang bouquet at my ba na rin ang kulay ng buhok nito – ash gray. Pinagpapawisan man ay mabilis niyang inabot sa akin ang bouquet .
"Buti na lang naabutan kita! Akala ko kumakain ka na! Nga pala, As always dadalhan ulit kita ng lunch mo." Aniya at inangat ang plastic bag na may lamang containers.
Pagkatapos nun ay kumuha siya ng isang upuan at tumuntong dito. Nakatingin lamang siya sa akin, at mas lalong nakakahiya dahil nasa amin ang atensyon ng lahat.
"APPLE SY NG GRADE 10- ST ISDORE, I AM OFFICIALLY YOUR BOYFRIEND!" he announced just like what he did before.
"Bumaba ka nga dyan nakakahiya." Suway ko. Bumaba naman siya at may ngiti sa mga labi. May gana pa siyang ngumiti habang ako'y pulang pula ang mukha dahil sa kahihiyan.
"Oh ano? Nahihiya ka pa rin?" natawa siya kaya sinapak ko na lang siya sa braso. "Tara na, Babe kain na tayo lunch." Aniya at akay sa akin sa isang table.
"Hoy John Carlos paano naman kami?" rinig kong reklamo ng mga kaibigan ko.
"Next time!" sagot ni John Carlos at kinindatan sila. Na sinagot naman ng ngiwi. "Tara Babe! Namiss ko 'to!"
Who would've thought that my crush is now my boyfriend. :))
End.
————Yehey natapos ko na yung story na nabuo dahil sa boring na boring ako HAHAHAHA.
Anyways ang lame. Bye, May klase na ako kaya tinapos ko na. : D