"Andrew..."Napalingon ang binata ng tawagin siya ni Apple. Sinalubong ni kuya mo Andrew si ate girl ng isang matamis na ngiti.
"Apple, tara—"
"Pwede ba tayong mag usap?" putol kaagad ng dalaga.
"Oh Sige! Saan ba? Kapag about sa math di kita matutulungan." ani binata at natawa sa sarili.
"Doon muna tayo sa walang makakarinig sa atin." Naguguluhan man si Andrew ay wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa nauna nang maglakad na si Apple.
Nakarating sila sa isang bench sa campus na di gaanong tinatambayan ng mga estudyante sapagkat — wala lang di lang nila trip tumambay doon.
"Maupo ka," Anyaya ng binata. Naupo silang pareho sa bench at tahimik lang. "Saan ba tungkol to, Apple?" panimula ng binata.
"Alam mo naman siguro ang dahilan nung una nating pagkikita diba? Iyon na yung araw na nalaman ko na pinaglalaruan ako ni John." Natigilan si Andrew at unti-unting umaahon ang kaba sa dibdib nito.
"Nakita mo ba ang myday ni Brena?" dagdag ng dalaga.
"Iyong cute na pusa ba?" medyo di siguradong sagot ni Andrew.
"Iyong hinalikan mo ako sa noo," nahihiya man sabihin ni Apple sa kanya ay wala na siyang magagawa. "Paano nalaman ni Katelyn ang address ko? at bakit niya tayo kinuhanan ng litrato?"
"Hayaan mo na yun. Alam mo naman ang ibang b-babae diba, masyadong chismosa."
"Hindi eh," ngumisi si Apple at hinarap si Andrew habang seryosong nakatuon ang mga mata sa isa't-isa. "Ang weird lang rin na naabutan kayo ni Ella na magkausap noong prom. Iyon ba yung sinasabi mong importante?"
Hindi magawang makapagsalita ni Andrew. Hindi makakapa ng mga salitang idadahilan kay Apple.
"Andrew, Magtapat ka nga... May alam ka ba?" tanong ni Apple na ngayon ay nakatungo na lamang at itinuon ang pansin sa nanginginig na mga kamay.
Humugot ng malalim na hininga si Andrew bago magsalita.
"Natatandaan mo noong una kitang kausapin? Iyong nablock mo pa ako. Hindi lang nasabi noon pero binabalaan kita kay John Carlos na huwag kang magtitiwala sa kanya, dahil — aaminin ko na may alam ako sa plano ni Katelyn. Dahil alam kong masasaktan ka."
"Ano n-naman ngayon?" nabasag ang boses ng dalaga at naghuhudyat na nmalipat na siyang umiyak.
"Sino ba naman ang hindi mag aalalang saktan ka? Apple, kilala ka bilang isang napakabuting tao. Hinding hindi mo maiiwasan na mag aalala ang ibang tao sayo dahil sa alam naming hindi mo dapat maranasan ang mga ganung bagay."
"Andrew, sabihin mo sa akin ang totoo — n-na walang bahid na kahit anong kasinungalingan, anong binabalak ni katelyn?" naluha na si Apple.
