28.2

2 1 0
                                    



"Gusto niyang matanggal ka sa pagiging valedictorian mo. Ang natatanging naiisip niya lang ay ang gumawa ng distraction para sayo." Mabigat man sa kalooban ay pinilit ni Andrew na sabihin ang totoo kay Apple. " At nagkataong nahuli niya na may nag initiate ng halik kay JC, kaya niya nagawa ang plano. Alam mo naman ang haka-haka, mahal na mahal ni JC si Katelyn na kahit ano kaya niyang gawin para lang magkabalikan sila. At iyon na ang naging dahilan kung pano napasok sa eksena si JC."

Hindi umimik si Apple at tahimik lamang na umiiyak. Gusto mang akayin ni Andrew si Apple ay hindi nito magawa.

"At nung sinabi ni JC, na nahuhulog na siyang tuluyan sayo. Doon nagsimulang masira ang plano ni katelyn, at siya na rin mismo ang gumawa ng paraan para madistract ka."

"Eh p-pano yan? Hindi naman ako nadistract, nalungkot lang naman ako pero ipinagbalewala ko lang dahil mas importante ang pag aaral ko." Pinunasan niya ang natuyong luha sa pisngi. "Ibig sabihin ba nun, Meron pa? at andrew pano ka napasok dito?"

Muling napasinghap ng hangin si Andrew. "Ako ang boyfriend ni Katelyn. Dahil pumalpak kay JC ay ako na naman ang ginamit niya."

"B-Bakit mo sinasabi sakin to? Hindi ba dapat ipinagtatanggol mo si Katelyn kasi nga boyfriend ka niya?"

"Kaibigan naman kita. Hinding hindi ko itotolerate ang isang bagay na alam ko namang mali. In behalf of Katelyn, Apple, Im really sorry if you're hurting right now."

Naiyak na naman si Apple at hindi na nagdalawang isip at niyakap si Andrew.

"Thank you, Andrew for telling me the truth."

Next Where stories live. Discover now